Secret Admirer- Another Fun Trip or Trap

2.4K 71 2
                                    

*************OXFORD ACADEMY***************

Andy Kevin Aragon's P.O.V.

Hinahanap ko si bestfriend. Siyempre! Nag-text pa nga ako na pumunta siya kaagad dito. Wala kasi akong magawa. Ang aga ko kaya pumasok ngayon. Di ko alam kung bakit. Basta, naninibago kasi ako sa taong matagal ko ng kinaiinisan or siguro galit na nga. Grabe siya. Bakit pa siya nagpakita? Ginugulo niya na naman ang buhay ko.

To: Bestfriend (Casey: The Sadista Girl)

(Totoo naman e. Lagi na lang kasi ako minamaltrato ng masama. *Pouts. Di niya ba alam na nasasaktan na ang poging katulad ko.)

Hey! Sa garden. Dalian mo kanina pa kita hinihintay.

From: Bestfriend (Casey: The Sadista Girl)

Wait lang. May lakad ka? Sobrang aga naman kasi e 9 pa naman ang klase natin ha, tapos 8 andiyan ka na. Anyare?

To: Bestfriend (Casey: The Sadista Girl)

Basta! Punta ka na lang. Bored ako. Yun na yun.

From: Bestfriend (Casey: The Sadista Girl)

O sige na! 1 minute andiyan na ako.

So, naghintay ako ng one minute and one second nang biglang bumukas yung door papunta dito sa garden. Maasar nga. Wala lang, trip ko lang at WALANG BASAGAN NG TRIP!!

"Hoy Casey!!" Sigaw ko.

"Hoy ka rin Kevin!" Sigaw niya pabalik. Umupo kami sa sahig at sumadal sa glass wall.

"Late ka ng one second ha. Napakabagal mo."

"PATI BA NAMAN YUN PINANSIN MO PA!! Gusto mo ihambalos kita?" Relax! Grebe nemen yen. BV lang o may period?

"Ang putla mo ata. May sakit ka ba?" Hinawakan ko noo niya at ang init. "Mainit ka."

"Wala 'to" sagot niya. Nakakaawang asarin. Wala na. Nabasag nga ang trip ko.

"May lagnat ka nga. Bakit ka pa pumasok?" tanong ko.

"Eh, ikaw. Bakit ka pa pumasok? Di ba galing kang Tagaytay? Edi, pagod ka din." Oo nga galing nga kami doon at tama siya totoong pagod ako ngayon.

"Ah, oo nga pagod nga ako. Actually, di sana ako papasok ngayon e."

"O, eh bakit ka pumasok?" takang tanong niya.

"Paano, naaawa ako sa mga estudyanteng pumapasok sa Oxford makita lang ako." bigla naman niya akong hinampas. Sabi sa inyo e. Sadista yan. Sanayan lang 'to. Wala bang naaawa sa akin diyan? Pabarangay natin 'to. Tsaka, Totoo naman yung sinabi ko. Di ba? Agree kayo? Totoo di ba? ;)

"Tss! Mr. Conceited. Ay! Nga pala may sasabihin pa ako. May problema kasi ako at NAKAKAINIS YUN na ewan! Di ko maintindihan."

"Wow! Hanep, nagkakaproblema ka pa pala sa lagay na yan. Ano ba yun?"

"Di ba birthday ko na sa Saturday?" tumango naman ako. "Alam mo ba kung paano ko i-cecelebrate? Sa isang deal lang naman na pakana ng whole family ko. Pinagtulungan talaga nila ako."

"Ano ba pinagawa nila sayo?" tanong ko. Mukhang malaki ang problema ni bestfriend.

"Makipag-date daw sa dalawang guys sa saturday at sunday. Tapos, kailangan kong patinuin. Ano ba yan! Ang boring tuloy ng b-day ko." Ay, kawawang bata. Tsk..tsk..tsk. Good luck na lang talaga sa kanya.

"O? Kawawa ka naman. Nakiusap ka na?"

"Yun na nga e. Final na daw. Good thing at may kapalit yun." Ibang klase 'to. Kailangan may kapalit talaga.

"At ano naman ang kapalit?"

XD "Secret!" Nililihiman na ako nito. Ano kayang balak niya? Nakakacurious pa naman din.

"Ay oo nga pala, di ba sabi mo aalis tayo?"

"Oo! Oo nga pala, so mall tayo?" Yes!! Matatakasan ko sila Lola at Dad.

"Sige ba! KKB ha."

"KKB? Ano yun?" tanong niya.

"Di mo alam yun?" Nakakapagtataka naman. Di naman siya anti-social ha.

"Magtatanong ba ako kung alam ko, di ba hindi? Ano nga yun?"

"KKB- Kanya-kanyang bayad. Kaya bahala ka kung magkano ang dadalhin mo."

"Fine! Yun lang pala. Dadamihan ko pa nga. Para mainggit ka :P" Sus! Mas marami pa nga ata akong pera kesa sayo.

"Dali na. Punta na tayo sa CR. Classroom ha? Di Comfort Room." Oo nga naman. Dati kasi akala ko comfort room yun. Pasensya naman. Tao lang.

*

Casey Andrea Salvador's P.O.V.

KRINNNGGGG!!! KRINNNNGGGGG!!! *School Bell Rings....

"Casey, alam mo di lahat ng good bye puro kalungkutan." Sabi sa akin ni Ayana na katabi ko. Napatingin naman sa amin si Kim na nasa right side ko.

"Bakit mo naman nasabi?"

"Example....Panuorin mo!" Tinuro niya naman sa akin si Mrs. Feliciano na aalis na.

"Good Bye, Class!" Pagpapaalam ng professor namin.

"Good Bye Mrs. Feliciano!" Oo nga noh!

"See! I told you. And YES!!! UWIAN NA!! KYAAHHHH!!!" sigaw niya habang inaalog pa ako. Aray! Masyadong hyper te?

"I already ask Kevin kung pwede kaming sumama ni Jen, Kim and Andrei sa inyo. Sounds more fun, right? Di ba Kim?" tumango naman si Kim.

"So, ano Casey payag ka? Sa amusement tayo! Wag na sa mall. Treat ko yung ticket, tapos KKB sabi ni Kev. Game?"

"O--okay!" Nag-yes na lang ako. Baka magtampo pa itong si Ayana. Excited pa naman. First time lang? Sayang yung kanina ha. Akala ko may moment na ako with my crush. Pero, okay na din. Kasi, dalawa sila. Kaya lang, may karibal. Awts! Hala! Sorry naman. Makaarte ako akala mo girlfriend. Hanggang pangarap na lang ako kung ligawan. Tsaka, crush lang naman, wala pa yung love. Pero, Malapit na magexist. Nyyyaaaa!! Ang dami kong alam. E, sungit mode pa nga ako ngayon. Shin lang? Speaking of, di ko siya nakita kahapon ah. Tama na nga. Tsaka, pansin ko lang di ba dapat galit ako sa ginawa niya kay kuya. Eh ba't parang.....Ay ewan!

Nakisakay ako kay Ayana, while yung mga boys kanya-kanyang sasakyan. Sabi ni Ayana sa may ano daw kami Land of Fun. Mukhang mag-aarcade kami. Masaya 'to. May pandugas ako. Secret na kung ano yun. (*taas kilay up and down.) Mamaya malalaman niyo. Wag lang maingay.

Nagpark na sila. Bumababa na kami isa-isa at pumasok sa loob. Pagkatapos, binigay na ni Ayana yung Ride-all-you-can tickets namin. Sabi niya pa sumakay muna kaming anim sa isang ride, tapos arcade XD and then rides ulit. ANG SAYA NITO PROMISE!!

Siyempre, bago yun nagpaalam muna ako sa parents ko at kanila kuya. Buti pumayag. Kasi, mahirap na. Di ko magagawa ang plano ko.


^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^

Support niyo po ulit. Vote naman kayo at mag-comment. Pretty pretty, please? Thank you po sa nagbabasa :)

My Cryptic Secret Admirer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon