Kimberly Gonzales' P.O.V.
"Guys, may transferees daw na darating sa section natin." sabi ko.
"Sinu-sino naman yun? Bakit ngayon lang sila lilipat?" tanong ni Kevin. Oo! Nakakapagtaka nga. Pansin ko din na buti medyo okay na kami ni Kevin. Nag-away kasi kami this past few days.
I wonder din kung sino yung mga transferees na yun. Ang daming tanong na bumabagabag sa isip ko. Kinakabahan talaga ako. Ang sabi kasi ng iba yung mga transferees daw ay dalawang elite na babae at isang lalaki na ex-gangster. Ang weird! Pero, paano sila lilipat e matatapos na ang 1st sem.
"Guys, bakit ngayon pa sila lilipat? Tsaka, di ba bawal na yun?" Ang laki naman ata ng connection nila dito sa Oxford para makapasok sila sa ganitong sitwasyon.
"Actually Kim, pinsan ko yung isa at yung iba naman mga kaibigan niya." sagot ni Andrei. Kaya pala!
"Ah! Teka....Nasaan sina Ayumi, Casey at Drake?" tanong ko. Kanina pa kasi sila wala. May pupuntahan daw. Ang tagal naman.
"Ewan ko doon sa kanila. Isa pa 'to si Casey. Sasapukin ko na yun e. May problema pa naman yun bukas. Tapos, kung saan-saan nagpupunta." sagot ni Kevin.
"Bukas? Problema? Ano meron?" Wala naman kasing nakwe-kwento si Casey sa akin. Ano naman yun?
"Sasabihin ko ba. Uh- ano kasi..basta magalit pa yun at sakalin ako. Sabihan pa akong chismoso. Kawawa naman ako." Grabe naman. Pabayaan na nga. Siguro masyadong confidential.
"Sayang! So, di pala siya makakapunta sa bahay ko bukas." Doon kasi gaganapin yung party ni mommy.
"Huh? Pupunta? Di mo ba alam na b-day din kaya ni Casey bukas."
"Ganun ba! Birthday din kasi ni mommy bukas. Remember? Ay! Di mo pa pala alam." Pagtanggi ko na alam kong alam niya. Ayoko kasing sabihin na magkakilala na kami dati pa. Magkaklase din kami noon at secret na lang kung bakit ko tinatago. Di ko sasabihin kasi secret nga di ba? So, bawal i-expose. Alam naman ni Kevin yun.
"Ah, ganun ba. Sorry pero di ako makakapunta." See? Nahihiya kasi ako sa nagawa ko sa kanya at wag niyo ng alamin. Ang cold pa din sa akin ni Kevin. Ano pa ba ine-expect ko?
Pagkatapos niyang sabihin yun, agad niyang sinalpak ang earphones sa tenga niya. Alangan namang sa bunganga di ba? Sorry, nahahawa na ako. XD.
Bigla namang bumukas yung pintuan at pumasok yung tatlo na hingal na hingal.
"Guys! Guys!" Sigaw nila. Kailangang isigaw? Di naman kayo excited magsalita?
"Relax kasi. Ano ba yun?" tanong ni Jen.
"Sino yung tatlo sa baba? Transferees, patapos na first sem ah?" tanong ni Casey.
Bago pa kami makasagot, umeksena na ang pa-epal kong bestfriend na si Ayana. "Guys, take note of this." So, Ayana kailangang isulat? Ano yan lesson? "Ang HOT ng lalaki at may dalawang chicks pa. Ang ganda at ang gwapo nila! Parang artista. OMG!!!" Fan girl din ang isang 'to. Ngayon lang nakakakita nun, first time? E, bakit di ako ang tingnan mo? Talbog sigurado ang mga yun sa beauty ko. Joke! Ang kapal ko lang.
"Guys! Masama 'to. Dumating na ang mga Black Angels." Di ba ganster yun?
"Black Angels, yung mga gangster?" tanong ko kay Andrei.
"Hindi! Tropa sila ng pinsan ko. Black Angel kasi mga mukhang anghel, pero ang iitim ng budhi."
"Grabe naman! Bakit pa kasi nandito yang pinsan mo?" Anong balak ng mga yun?
Umiwas ng tingin sa amin si Andrei at napabuntong hininga. Then, tumingin siya kay Kevin. "Ang totoo niyan...i-it's because of Kevin." sabi niya.
Dahilan upang mapatingin kaming lahat kay Kevin na walang kamuwang-muwang, dahil sa nakasalpak na earphones sa tenga niya. Psh! Pasarap masyado. Di ba niya napapansin na siya ang topic?
"Ano? Ano meron, guys? Bakit, first time niyong makakakita ng gwapo?" Kevin talaga. Seryoso kami, tapos se-segwey. "Joke lang! Ang seryoso niyo kasi. Ano ba kasi yun?"
"Wala!" Basta Kevin ilalayo kita sa Black Angels. Kung yun lang ang paraan para makabawi ako, gagawin ko.
Kung ganon, bakit ba nila ito binabalak? Ang pakay lang ba talaga nila ay ang paibigin si Kevin?
Basta, kakaiba ang nararamdaman ko. Darkness surrounds on that group. Sila na siguro ang magiging kontrabida at gugulo sa buhay namin. I know! Ang weird ng feeling ko. Pero hangga't kaya ko po-protektahan ko ang tropa namin.
Ang friendship kasi na dumedwelo sa puso ko ay ang natatangi kong hawak para alisin ang anumang pagtatangka na mabuwag ito. Ayokong dumating sa punto na may nasasaktan at may manakit sa ni-isa sa amin.
Pero ang tanong,
Sino o Ano ba talaga ang Black Angels?
Ano ba talaga ang tunay nilang pakay?
*
Andy Kevin Aragon's P.O.V.
"Class, we have transferees here. So, please keep quiet." sabi ni Mrs. Feliciano at sumenyas na pumasok sila. Yun siguro ang pinaguusapan nila. Ang mga transferees. I wonder kung bakit ganun sila makatitig kanina sa akin.
Pumasok yung tatlong newbie at yung isa tumingin sa akin at nag-wink? Iba talaga ang charm ko. Dumadamoves!
Ang ganda niya ha. Tila anghel na bumaba dito sa lupa upang bihagin lang ang nangungulila sa pagmamahal kong puso.
Nagiging makata ata ako. Di kaya crush ko na siya?
Pinapunta sila sa gitna at isa-isa naman silang nagpakilala.
"Nico Viajer. (Viyaher)" Cold na pagkasabi ng lalaki at umupo agad sa bakanteng lote sa likod.
"My name is Shelo Amilee Louis. Add me on Facebook. Wag niyo lang tingnan ang aking DP at baka kayo ay ma-mesmerize sa aking beauty."
"Lastly, I am Leila Acata. Yun lang. Tara Shelo!" sabi naman nung babaeng nag-wink sa akin. Hinila niya yung kasama niya at umupo na din sa tabi nung lalaki kanina. Pero, napansin ko for the last time na napa-glance din si Leila sa akin.
Leila pala ang pangalan niya. Ang ganda niya talaga. Kinalabit ko tuloy si Casey.
"Oh?" Bored niyang sabi. Tumingin siya sa akin at naghintay ng isasagot ko.
"Ang ganda niya noh! Yung Leila."
"Psh! Oo na lang. Bakit crush mo?"
Hindi ako sumagot. Di ko alam kung sasabihin ko ba o hindi.
"Crush mo noh? Ano? Sabihin mo na. Dali!" Pangungulit niya at kiniliti pa talaga ako. Casey talaga. Walang pinagbago. Makulit pa din.
"Oo! Oo na! Happy? Tsk.." Smirks. Alam niyang weakness ko yun. Yang ang mahirap sa masyadong close, kasi alam nila kung saan ka titirahin. Hay! Napaamin tuloy ng wala sa oras.
"Sabi na e." Pero, bigla ata lumungkot ito. Panigurado ko, nagseselos yan. Ang cute! Selos bestfriend ko.
"Wag ka na magselos, ikaw pa din bestfriend ko. Di kita ipagpapalit. Crush lang yan." Ngumiti naman siya at humarap sa binder niya.
Ako naman binuksan ko yung binder ko kasi, magrereview ako para sa pre-test namin. Grabe! Ang tagal ko na din hindi nagkagusto sa isang babae ha. Well, konti kay Casey. Pero iba 'to. Kakaiba si Leila. I want to know her more.
Di ko tuloy mapigilan at nakwe-kwento ko ang kabaliwan ko sa katapat ko. Which is Casey. Pabayaan niyo yan. Pinapaselos ko eh.
^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^
BINABASA MO ANG
My Cryptic Secret Admirer (COMPLETED)
HumorKwento ito ni Casey Andrea Salvador. After her break-up with her boyfriend, mapupunta siya sa Oxford Academy. Marami siyang makikilalang mga totoong kaibigan at makikilala niya din ang mga lalaki na magbabago ng buhay niya. She meets a bad boy, a s...