Secret Admirer- Bad Trip

2.2K 66 8
                                    

A/N: Eksena ng nga Kontrabida ang chapter na ito at sa next chapter na yung start ng weird date niya sa Saturday at yung sa Sunday.

Good luck na lang sa PT ko bukas. Sana makapasa. Wish me luck!! Aral mode!

Enjoy reading!

***********************************************************************************************************

Casey Andrea Salvador's P.O.V.

Nakakainis naman talaga. Yung feeling na laging babanggitin ng crush mo yung crush niya at wala kang ibang magawa kun'di magpanggap na masaya ka. Ouch!

Uwian na at magkakasama kaming bumaba at pumunta malapit sa gate. Umalis na yung iba at natira kami ni Kevin. Kanina lang, napapansin ko din na ginagawa na ni Leila yung balak niyang paibigin si Kevin. Kapag, di talaga ako nakapagtimpi, kakalbuhin ko yung babaeng yun. May Black Angels pa silang nalalaman, dapat wala na lang angel at palitan nila yun ng devil. Kasi dapat lang na Black Devils ang itawag sa kanila. Ang hahaba kasi ng sungay. DINAIG PA SI SATANAS. Maka-irap kasi, complete revolution. Dukutin ko yung mga mata nila eh! Maka-irap pa kaya sila! HMP!!

"Highblood ka ata. Ano meron?" Wala namomroblema lang naman sayo. Ang gwapo mo kasi. Ang dami tuloy mangaagaw. Kaya Kevin, kapag ba sinabi kong crush kita, lalayo ka?.....Lalayo ka sa kanila at magiging akin ka.

"Wala! Yung sa bukas lang. Tsaka, baka nakakalimutan mo na birthday ko bukas. Ipapaalala ko lang yung gift mo ha."

"Di ba pwedeng kiss na lang?" Oo! Kaso nakakahiya.

"Ngayon?" Kailangan talagang itanong kung ngayon, di ba pwedeng bukas na lang?

"Pwede din para....ADVANCE."

"ASA! Mangarap ka." Pakipot much. "Wala ka lang pera eh. Excuses mo, di na uso."

"Wala daw pera. Tingnan lang talaga natin, Ms. Salvador. Watch and learn. Pagkatapos ng DATE niyo,puntahan mo ako sa meeting place natin, Ok?" Kailangan talagang ipaalala ang date na yun. Nakakaimbyerna kaya.

"Okay!" sagot ko.

Tumayo siya sa inuupuan niya at tumango. "Sige! Aalis na ako. Bye!"

"Bye! Tsupi ka na and start to earn Mr. Aragon."

"I will and I promise that I would be the one to give you your most unforgettable birthday ever."

"Dapat lang! Pa-english english ka pa. Ano ka Amerikano?" Ngumiti lang siya at tuluyang umalis.

Tiningnan ko lang siya hanggang mawala na siya sa paningin ko. Pagkalingon ko sa gilid, agad na tumambad sa paningin ko ang Black Angels. Sakto mapuputol ko na ang mga sungay nila.

"Miss, alam mo para kang linta?" Bopols din 'to eh. Kitang tao ako tapos, linta. Yung totoo! May pinagaralan ka te? Saang school ka galing? Sayang tuition!

"Excuse me?" Baka ikaw yun.

"Linta, kasi dikit ka ng dikit sa taong alam mong di mapapasayo. Sa AKIN lang si KEVIN o gusto mo lagyan ko pa siya ng name tag na nagsasabing akin siya." Inirapan pa ako ukit nung Leila. Yabang! Feeling anghel, demonita naman.

"Sinong nagsabing sayo siya? Ang pangarap mo! Bakit miss, kayo ba?" Ikaw nga ang linta diyan. Dikit ng dikit. Malandi!

"Hindi! Pero, malapit na. So, lumayo-layo ka na habang maaga pa." Paano kung gumabi? Anong gagawin mo ha? WEAK!!

"At sino ka naman para utusan ako? Nanay ba kita?"

"No, kung tinatanong mo kung sino ako. Pwes makikilala mo kasi, ako lang naman ang FUTURE GIRLFRIEND NIYA. Tatak mo yan sa slow mong utak, nerdy girl." Aba! Tumawa pa ang isa niyang alagad. Mamatay ka sana sa kakatawa. Che! Sumusobra na ang mga demonita na ito ha. Kapag, di talaga ako nakatiis! Ibabalik ko kayo sa impyernong pinanggalingan niyo. Lalo ka na Leila, titirisin pa kita na parang kuto. LANDIIN MO SI LUCIFER, WAG SI KEVIN!!!

My Cryptic Secret Admirer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon