Vote and wag mahiyang magcomment :)
*
Chapter 71
**************Casey Andrea Salvador's P.O.V.
"Lumabas na kayo. May paguusapan daw." Utos ni Jasmine sa lahat ng tauhan.
Pagkalabas nila, lumapit siya sa akin at bumulong. "May nilagay na bomba sa buong paligid si ate. Hindi ko kaya makalagan kayo kasi baka mahuli ako. Ang gusto kong gawin niyo ay magisip ng paraan para makatakas rito bago bumalik si ate. Aalis siya mamaya."
"Yung mga pulis?" Kaloka naman kasi. Kanina pa siguro nila alam pero nawawala sila. Alam niyo yung feeling na laging sa ending dumadating yung pulis? Gano'n yung mga napapanood ko sa T.V. Eh kami kaya ganun rin o hindi kasi dito na habang buhay ang aming mga buto at bungo?
Paano na lang malalaman ng susunod na henerasyon na may na-exist na pala na magandang diyosa sa mundo nila? That's why I hate oblivion.
I hate bones. Iniisip ko na lang na dito kami mabubulok, kinikilabutan na ako. Ayoko kaya maging kauri ni Sadako at iba pa. Napakaganda ko naman kasi para maging multo. Walang matatakot.
This face? One word; Unique.
Ang vain ko na ngayon noh. Epekto ng malapit na mamatay.
"Yun na nga eh. Di lang nila hinarangan ang mga pulis, tinakot rin nila ang mga 'yon na papatayin kayo gamit ang isang trigger device na sa isang pindot niya lang ay sasabog na ang buong lugar na ito. Sa abot ng makakaya ko, susubukan kong hanapin doon si Zuri at iiwanan ko na ring bukas ang pintuan para makalabas kayo. Sana nga may paraan na kayo para makatakas rito. Patawarin mo ako Casey." Tinapik ako ni Ate Jasmine saka lumabas sa pinto.
Nabuhayan naman ako ng pag-asa sa mga sinabi niya. Hindi totoo yung kapag gusto mo ng sumuko at sa tingin mo wala ka ng magagawa ay yun na ang huling pagkakataon mo dahil hindi mo naman malalaman kung kailangan ka bibigyan ng panibagong pagkakataon at ng panibagong pagasa.
Ang tanong na lang, paano kami makakatakas kung nakatali ang mga kamay namin?
"Casey! Ikaw lang ang pala ang nakagapos rito na hindi tinali ang paa at ikinabit ang tali ng kamay sa upuan." Sabi ni Dad. Bigla kong naalala na naitali lang nila ang mga kamay ko pero hindi ang paa ko. Ako nga lang ang makakagala ng malaya. Pero kailangan ko pa ring matanggal ito.
Tumingin-tingin ako sa paligid. Napansin nila ang ginawa kong yun kaya nakatingin silang lahat sa akin. "Anong sabi niya sayo sis?"
"Mamamatay na tayo este may bomba sa paligid ngayon. Hindi rin siya traidor. Iniwan pa nga niyang bukas ang pintuan. Ang kailangan lang natin gawin ay magisip ng paraan para matanggal ang mga nakataling lubod sa atin. Ako ang kikilos at kayo naman ang magiisip ng pwedeng gamitin na matulis na bagay. Di na rin kasi tayo matulungan ng mga pulis ngayon dahil hawak ni Leila ang buhay natin."
"Tss! So, ano nagfe-feeling diyosa yung Leila na yun?" Inis na sabi ni Jen habang nakataas ang kilay nito. Tama naman siya. "Hindi siya ang magdidikta kung kailan tayo mamatay. Sasabunutan ko yun. Kahit bumisita pa ako sa hell para makipagsabunutan lang diyan kay Leila, gagawin ko." Nadamay pa sila ngayon.
"Easy Jen." Pagpapakalma ng sweety sugary boyfriend ni Jen na si Andrei. Kaingit.
"I know. Nakakainis lang talaga. Ipapako ko yun sa alambre para madala naman. Napakasama eh." Sabi niya pa.
"Next time mo na lang kalbuhin si Leila kapag nakawala na tayo rito. May balak rin kasi ako idonate ang buhok niya sa mga cancer kids. Sa ngayon, maghanap na lang muna kayo ng magagamit ko para tanggalin ito."
BINABASA MO ANG
My Cryptic Secret Admirer (COMPLETED)
HumorKwento ito ni Casey Andrea Salvador. After her break-up with her boyfriend, mapupunta siya sa Oxford Academy. Marami siyang makikilalang mga totoong kaibigan at makikilala niya din ang mga lalaki na magbabago ng buhay niya. She meets a bad boy, a s...