Casey Andrea Salvador's P.O.V.
Humiwalay na kami sa grupo at nakakahiya kay Kevin. O///////O. Kikiligin na ba ako? Or what? Nababaliw na siguro ako. Kasi, kahit di niya nakikita. Alam kong nakangiti ako. Kung kailan naman man-hater ako doon pa ako nagiging close sa mga boys. Ang gulo ko rin noh. Nagsimula lang 'to sa banggaan and then, bestfriends na kami. Wag niyong sabihing relationship ang kasunod. Asa talaga ako. Ganito lang yan e. Pangit ako, gwapo siya. Di kami talo. Hanggang kaibigan lang. Aw! Friendzone? Ngayon alam ko na yung nararamdaman nila.
"Kev, mabigat ba ako?" tanong ko. Kanina pa ata niya ako binubuhat. Pinagtitinginan na kami. Akalain mo sinabi sa amin ang sweet daw namin at nakakakilig. Buti pa nga yung ibang tao minamatch kami samantalang ako Waley! Musta love life? Ayon wala. Walang binatbat. May prinsipe bang papatol sa alaga niyang aso. Nakakainggit tuloy si Cinderella may prince charming, kasi maganda siya. Ako kaya? Kailan gaganda. Kung mag pa-belo kaya ako, para masaya.
"Oo! Tabatchoy ka kasi. Taba!" Di naman. Kinurot ko nga. Sadista talaga ako.
"Huy! Gusto mo ba mahulog tayo? Wag ka ngang magulo. Edi, ikaw na sexy."
"Thank You!" Dear diary, pinuri ako ni crush. Ang saya-saya! Hala......anyare sa akin. Imagination ko ang lawak. Tama na nakakabaliw.
"Kinabahan ako doon ha. Wew!" Kinabahan? Bakit naman siya kakabahan?
"Bakit?"
"Kinakabahan ako kasi baka... humaba yung ilong ko. Nagsinungaling kasi ako e." Aba!
"GUSTO MO TALAGANG MASAPOK. ANO KA SI PINOCCHIO? So, di totoo yung kanina. Nag-thank you pa ako. Bwisitt!!"
"Lola, yung alta-presyon niyo po baka tumaas."
"GUSTO MO BA TALAGA MAWALAN NG BUHAY KEVIN? ANO? KIKITILIN KO NA. SABIHIN MO LANG!!!" Pinagtitinginan na kami.
May lumapit naman na mga kabataan sa amin. "Ang sweet! PBB teens! Kaso, May LQ?" tanong ng isang babae. Aba, anong LQ?? Kami ba? Kung tadyakan kaya kita diyan. Di pa ako tapos!
May sumabat naman na hipon. "Ay gora lang girl. May warlalu ang mag-jowa na itech. Gorabels! Ang mga inlababo nga naman na itey. Kalerkie!" Sabi ng bakla na nagaalien language. Google paki-translate. Impakta naman Kasi. Ano kami dito celebrity? Ini-interview.
"CHHEEE!!! Magsilayas nga kayo kun'di babato ko sa inyo ito." Ampalaya na ako. Kaloka yung mga yun. Walang magawa.
"Ay ang harsh!! RUN FOR YOUR LIVES!!!" sabay nagtakbuhan ang mga loko.
"Hahahaha!!!" Kanina pa 'to tawa ng tawa. Di man lang ako tinulungan.
Naglakad pa siya hanggang sa makita namin yung sasakyan niya. Hay salamat! Wew! Sumasakit talaga ulo ko. Lalo pang pinapalala. Yung puso ko!! Mamamatay ako ng maaga neto e.
SERYOSO MODE::::::::::
"Ay salamat nakarating na. Tara! Kaya mo pa ba?"
"Medyo thanks. Ang dami ko na tuloy utang na loob sayo."
"Gusto mo makabayad? Kiss mo muna ako." O//////O
Ano daw? "Next time!" Sabi ko. Siyempre, ako naman ginusto ko. Charot!
"N-next time?" Gulat at nauutal niyang sabi. So, naniniwala siya?
"Joke ASA!!" Bawi ko.
Sumakay na kami sa kotse. Baka mamaya di ko mapigilan yung sarili ko at mahalikan ko talaga 'to. Di pa rin kasi ako maka-move on kanina. LQ talaga? Yun ba yung feeling. Well, parang Rebisco lang. Ang sarap kasi ng feeling!!! O\\\\\\O Nakakakilig! Akala ko sa movie lang ito napapanood pati pala sa malanding real life ko nangyayari ang mga sweetness na ganito.
BINABASA MO ANG
My Cryptic Secret Admirer (COMPLETED)
UmorismoKwento ito ni Casey Andrea Salvador. After her break-up with her boyfriend, mapupunta siya sa Oxford Academy. Marami siyang makikilalang mga totoong kaibigan at makikilala niya din ang mga lalaki na magbabago ng buhay niya. She meets a bad boy, a s...