Chapter 36
***************
Drake Del Mundo's P.O.V.
"Ang galing! Naalala ko. May sasabihin nga pala ako sayo."
"Ano yun?" Tanong ko.
"143."
Nagulat naman ako at bahagyang namula. "143? I love you? Mahal mo ako?" Tanong ko.
Itinulak niya naman ako. "Ah! Joke lang yun noh?" Akala ko naman mahal mo din ako. Pero bakit ang sakit na biro lang?
"Hindi." So mahal niya ako?
"So mahal mo nga ako? 143 eh. Di ba I love you yun?"
"Oo mahal kita." Seryoso? Natulala lang ako at tinitigan siya. Ilang sandali biglang may humampas sa noo ko. "Huy!" Sigaw niya.
"Okay ka lang?" tanong niya.
Napahawak tuloy ako sa noo ko. "Aray naman Casey. Seryoso ka ba?" Umaasa ulit na tanong ko.
"Gagi ka kasi! Hahaha! 143. Ang ibig kong sabihin ay yung utang ko sayo. Tatlong piso sa kanin, 40 sa bbq, 80 sa steak at 20 naman sa softdrinks. Baliw ka talaga! Aral muna kasi bago landi. Pwede?"
"Ah, ganun ba? Akala ko pa naman parehas na tayo." Bulong ko sa huli kong sinabi.
"Ano? May sinasabi ka?" Nalungkot lang ako. Akala ko yun na eh. Maling akala lang pala.
"Sabi ko akin na. Libre ko na sana eh pero makulit ka. Kaya yan bayaran mo ako."
"Haha! Okay." Sabay abot niya sa akin ng P143. Naimbento pa kasi yang 143 na yan! Umaasa tuloy ako. "Tsaka, Ayaw kaya kitang maging prince charming. Di bagay!"
"Bakit? Pangit ba ako?" Tanong ko.
"Hindi! Nanghihinayang lang talaga ako kasi baka ako pa yung maging palaka eh."
"Joke yun?" Pabirong tanong ko. Di naman siya panget ha. Di lang talaga palaayos. Ano kaya ang itsura niya pag nagayos?
"Kung natawa ka, joke yun. Natawa ka ba? Seryoso kasi yun."
"Hindi. Ang corny mo lang talaga. " Ngumiti naman siya. Bakit ganito yung puso ko? Ang bilis na naman ng tibok. Umiwas naman ako ng tingin.
Napansin kong niligpit naman niya yung mga gamit niya at tumayo. Bigla namang naramdaman ko na may tumabi sa akin. "Casey. O, bakit ka pumunta dito? Ali--" Bigla naman niyang sinandal ang ulo niya sa balikat ko. "An---" Napatigil ulit ako kasi itinaas niya ang isang darili at tinapat yun sa labi ko,
"Shh! Matutulog muna ako. Patulog ha." Tiningnan ko naman siya at payapa ng natutulog.
Pinabayaan ko na lang siya sa ganung pwesto hanggang sa ako rin di ko na namalayan na inaantok na din pala ako dahil sa sobrang pagod. Napapakit na lang din ako.
*
Ayana Lopez' P.O.V.
"Tara! Balikan na lang natin si Casey. Sabi niya kasi gagawa na lang muna siya ng mga assignments natin doon. Malamang nandoon pa yun. Okay na ba yang pinamili natin?" tanong ko kay Kim.
"Oo, okay na 'toh. Kompleto na lahat. Tsaka, sige balikan natin siya para matapos na 'to." Sagot niya.
Bumili kasi kami ng mga materials sa project. Since maaga naman ngayon ang uwian, naisipan namin na doon na lang gawin sa school. Kasi magkagrupo naman kaming tatlo ni Casey at Kim. At di kami marunong dito. Magpapatulong na lang kami.
Habang naglalakad kami. Bigla akong may naisip. "Kim, malapit lang naman yung store. Bakit di ka muna bumili ng pagkain natin?"
"Okay. Sige mauna ka na. Nasa garden yun malamang." Tambayan kasi namin yun.
BINABASA MO ANG
My Cryptic Secret Admirer (COMPLETED)
HumorKwento ito ni Casey Andrea Salvador. After her break-up with her boyfriend, mapupunta siya sa Oxford Academy. Marami siyang makikilalang mga totoong kaibigan at makikilala niya din ang mga lalaki na magbabago ng buhay niya. She meets a bad boy, a s...