Secret Admirer- Good Love News

2K 62 0
                                    

Casey Andrea Salvador's P.O.V.

I am busy fixing up myself. Pasukan na kasi namin ngayon after two long weeks. I can say that it's worthwhile din naman at masaya. At least may kwenta namang nangyari sa loob nun.

Bumaba ako at nakita ko ang parents ko na kumakain sa dining kasama sina Kuya Cyfer at Kuya Lance.

"Good Morning!" Bati ko.

"Good Morning din!" Bati din nila.

"Casey, I have a good and good na bad news nga pala sayo." sabi ni Mommy. Good and good na bad news?

"Anong good na bad news? Yun muna nga po ma."

"I am near to give you your dream car but, I can't give it to you this month. So, learn to wait." What???!! Excited pa naman ako.

Tapos....WAAHH!!! Pero, ok na din. At least may driver at di ako haggard mag-commute.

"Ok lang po. How about the good news?" tanong ko.

Napangisi naman si Dad. "The good news is we have a suprise for you. Kasi, natuwa ako sa kwento ng mommy mo and take note NILANGGAM ako. Ang sweet niyo princess. May prince ka na talaga." Huh? Ano bang pinagsasabi ni Dad?

I give them a curious look. "Ano naman po yun? Makikipagkita ako sa kung sinong lalaki. May galit po ba kayo sa akin? Nako dad! Di pa ako ready magkaroon ng isang dosenang anak. Aral muna noh bago landi!" saad ko. Hay! Sana naman talaga maganda yan. Kasi, last time DATE, DATE, DATE! Puro date! Ano next niyan? Kasalan na?

"Secret! It's for you to find out. I am sure matutuwa ka. Isa pa, hindi ka namin ipamimigay noh. Di mo pa nga alam naga-assume ka na agad. Anak, Assuming?" sagot ni Daddy. Hala ha!! Assuming daw. Nacu-curious lang ako. Pasurprise-surprise pa kasi. Di na lang sabihin. Ang tanong lang talaga masusurprise ba talaga ako?

"Tama yung dad mo Casey. I'm sure you'll be happy." Pagsang-ayon naman ni Mommy.

"Hahahaha!" Bigla namang tumawa si Kuya Panget. Hinamapas tuloy siya ni Kuya Cyfer sa braso. Buti nga sayo!

"Aray!" reklamo niya.

"Bro!! Bakit mo ba kasi pinagtatawanan?" tanong ni Kuya Cyfer. Oo nga! Baliw ata! May topak!

"Kasi, naman yung-- Uhm! Bawal palang sabihin. Tingnan lang natin talaga. Kinakawawa niyo talaga si baby damulag ha." sabi niya at nag-evil smirk pa.

"Kaasar ka talaga!" Tirisin kita diyan eh. Tawa pa!

Pagkatapos kong kumain at gawin lahat-lahat. Nagpahatid na ako sa driver ko papuntang Oxford Academy.

*

Pagkapasok ko sa gate ng school namin. Agad hinanap ng dalawang mata ko ang mga kaibigan ko. But, it seems early, kaya wala pa siguro sila. Kaunting estudyante pa lang kasi ang nakikita ko.

Pupunta na lang muna ako sa rooftop. So, naglakad ako patungo doon. Nang mapansin ko ang isang pamiyar na mukha. Si Drake!

"Hey! Drakula!" tawag ko. Lumingon ito. Pero, humarap ulit at naglakad. Bakit di niya ako pinapansin? Anong nangyari doon?

"Pssssttt!!!" Lumapit ako sa kinaroroonan niya at sinabayan ang paglalakad niya.

"Huy!!" sigaw ko. Pero, wala dedma pa rin. Winave ko tuloy yung kamay ko sa harap ng mukha niya.

"Ano ba?! Stop it!" galit niyang sabi. Ano bang nagawa ko?

"Ano ba kasing problema mo?" tanong ko.

"Basta! Nagtatampo ako. Alis! Ayoko sa nerdy." Bakit siya ganyan?

"Saan? Ano bang ginawa ko?" Nagiinarte pa kasi.

My Cryptic Secret Admirer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon