Secret Admirer- Thinking about US

1.9K 73 3
                                    


Thank po talaga sa mga nagbabasa.

Don't forget to comment and vote!

*

Casey Andrea Salvador's P.O.V.

"Paano tayo aalis? May pasok kaya, tapos last day na natin 'to." tanong sa akin ni Drake.

Hindi ako sumagot ng ilang segundo. Nagiisip kasi ako kung paano kami makakaalis dito. Nang biglang may sumagi sa isip ko.

"Alam ko na!"

"Paano?"

"Si Kuya Lance! May deal kami nun na gagawin niya lahat ng iuutos ko. Since, natalo ko siya. Uutusan ko siyang i-excuse tayo. Ang gagawin lang natin ay magkunwari na may lagnat."

"Nice! Pero, paano natin gagawin yun? Paano tayo magkakalagnat?" Ay! Slow lang. Whatever! Basta ako, I have a plan.

"Trust me! Watch and Learn."

*

"Mr. Del Mundo and Ms. Salvador! May excuse kayo mula sa Kuya mo Casey. May lagnat daw kayo. Gusto kong makasigurado. Kaya, go to the clinic. Kapag nalaman ko na pinaglololoko niyo lang ako. I will give you zero sa test niyo." saad ni Mrs. Feliciano.

"Ma'am, sige po. Ang sakit po talaga ng ulo ko eh." Pagkukunwari ko. Siyempre, may drama dapat.

"Huy! Ano bang binabalak mo? Hindi nga tayo mainit." Nagpapanic na bulong ni Drake.

"Pwede ba magrelax ka! Watch and Learn nga eh. Ang kulit!" bulong ko sa kanya pabalik. "Tara na!" sabi ko at hinila siya palabas. Masyadong kabado. Kape kasi ng kape.

"Nasaan na yun?" Hinahanap ko kasi si Kuya Lance.

"Sino?" tanong niya.

"Si Kuya Lance. Teka...ayun siya. Tara!" Hinila ko ulit siya papunta sa direksyon ni Panget.

"Yung inutos ko?"

"Eto! Isusumbong talaga kita. Pasaway!"

"Nakakalimutan mo na ba na servant kita? Kaya ngayon, thanks for reminding. Kasi, iuutos ko sayo na wag mong sasabihin ito habang buhay."

"Ibang klase ka din noh. O, ito!" sabay abot niya sa akin ng inutos kong bagay sa kanya.

*

*beep *beep *beep

"40 degrees Celsius! May lagnat nga kayong dalawa. I suggest na you better go home and rest. May excuse slip na kayo di ba?" tanong ng nurse namin. Haha! Ang ganda talaga ng plano namin. I mean ako lang pala.

"Opo, meron na po kami. Thank you po." sagot ko.

"Sige! Ingat na lang kayo. Can you two manage?"

"Opo, kaya na po namin. Thank you po ulit." sabi naman ni Drake. Tapos, binigay na sa amin ang pass.

Bigla niya naman akong inakbayan. "Ayos! Ang galing mo."

"I told you." I smirked. "So saan na tayo niyan? Ayoko sa puso mo ha!"

"Edi, sa isip ko!" Hay! Mga lalaki talaga.

"Gusto mo makatanggap ng Rasengan ko?"

"Sabi ko nga! Kaso, di ko alam." Face palm! Push mo yan.

Flashback <<<<<<<<<<

Binigay sa akin ni Kuya ang inutos ko at tsaka naglakad papuntang classroom niya. Isang towel na binabad sa hot water.

My Cryptic Secret Admirer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon