Thriller muna tayo bago aksiyon.
Sorry sa mga mura diyan. Censored na lang.
*********************************************************************************************
Chapter 68
**************Casey Andrea Salvador's P.O.V.
It's Friday. Nandito ako ngayon sa hallway ng Oxford papunta sa classroom namin. Nagtsu-tsunami walk pa nga ako dahil sa bukas ay walang pasok at dahil hindi naman uniform day, feel na feel ko ang suot ko ngayon. Isang subject na lang at tapos na ang paghihirap. Paghihirap talaga.
Kahit nakikita ko si Shin at Ayana, ngumingiti na ako. Wala naman kasing mangyayari kung magagalit ako at iiyak sa tabi habang nakalahad ang buhok ko sa harapan (magmumukha lang akong multo). Mabuti nang patawararin ko sila at ibalik ko yung dati naming masayang pagkakaibigan.
Kay Ayana naman, naguusap na kami. Pero di katulad ng dati na ang saya at ang kulit namin.
Napagdesisyunan ko na rin na makipagayos kay Shin sa Linggo. Masaya ako na habang tumatagal ay lalong nawawala yung sakit.
I guess, I am in a process of moving on.
As usual, nakikinig lang ako. Tungkol sa pagmamanage ang pinaguusapan namin ngayon. Kaya interesado ako. Ito kasi yung sa tingin kong pinakamain.
Minsan lang, mapapalingon ako sa likod para makita ang mga mapupungay na mata ni Leila.
Malapit ko na mahuli ang tunay niyang pagkatao. Para lang siyang isdang maliit na sa sobrang bilis hindi mahuli-huli.
"Class dismissed. You may go now." Anunsiyo ni sir kaya lahat ng estudyante ay tumayo na at lumabas sa clasroom namin. Yes!!
Kasama ko yung tropa sa kantina. Wala nga lang si Shin dahil alam niya naman na kailangan ko ng space.
Bumili ako ng isang sandwich at isang grape juice drink. "Anong balita?" Tanong ko kay Andrei.
"Kakaiba yung pinsan ko. Bumisita kasi kami kahapon kay Tita Fina. Masyado siyang busy." Sabi ni Andrei marahil ay pinakiusapan ko siyang tingnan kung may iba bang ikinikilos si Leila.
Kumagat ako sa sandwich ko at nginuya muna yun bago magsalita. "Busy? Is she involve on some of the business of Acata family?" Tanong ko. Kasi kung wala, maaaring may binabalak siya sa akin.
"Wala nga. Nakakapagtataka. Di ko rin naman siya tinanong dahil alam niyang magkaibigan tayo." Saad niya.
"She is a freak. Nabalitaan ko yung ginawa niya sayo. Matindi talaga ang multiple lahi parang sinasaniban ng Alien." Natawa na lang ako sa sinabi ni Ayana. Buti naman at ganyan ulit siya.
"I don't really know."
"Casey, ano naman yung di mo alam?" Tanong ni Kim habang nginunguya yung burger niya.
"Yung galit niya. Di ba yun na yung dati nating tanong? Para kasing may pinanghuhugutan siya. Ayaw niya mang aminin pero may mali sa mga nangyayari. Yun yung hinahanap ko."
"Basta magiingat ka. Don't fall for her trap." Tama si Jen. I promise I won't.
Pumunta ako sa locker room at dumiretso sa locker ko. Gusto ko makita kung may letter ba si Kevin para sa akin. Yun pa. Overload sa sweetness yung lalaking yun.
Luckily, yes. Kinuha ko yun at binasa.
Smile.
- Nabukong Admirer
BINABASA MO ANG
My Cryptic Secret Admirer (COMPLETED)
HumorKwento ito ni Casey Andrea Salvador. After her break-up with her boyfriend, mapupunta siya sa Oxford Academy. Marami siyang makikilalang mga totoong kaibigan at makikilala niya din ang mga lalaki na magbabago ng buhay niya. She meets a bad boy, a s...