Secret Admirer- Bad Conclusions

1.5K 42 0
                                    

Nagkatypo lang po sa inupdate ko sa isang author's note. 10 or more chapters pa po ata ito matatapos. Para maedit ko yung mga sabaw na chapters.

______________________________________________________________________

Chapter 64
**************

Casey Andrea Salvador's P.O.V.

"Andrea!" Tawag ni Kevin habang tumatakbo palapit sa akin.

"Bakit?" Walang ganang tanong ko.

"Bakit ka ganyan? Galit ka ba sa akin?" Oo nga. Bakit nga ba ako ganito? Move on. Move on Casey.

"Di naman. Pagod lang." Bigla naman niya akong hinila papunta sa dalampasigan. Tapos pinaupo niya ako sa puting buhangin. "Ano bang ginagawa natin dito?"

"I-enjoy mo na lang, okay? Para naman makarelax ka rin." Bakit parang ang saya saya niya.

Di ko tuloy maiwasang itanong sa kanya kahit alam ko naman siguro kung bakit. "Ang saya mo. May nangyari bang dapat kong malaman?" Haha. Mukha talaga akong tanga. Sinasaktan ko talaga ang sarili ko. Bakit di ko pa rin siya makalimutan? Meron na nga akong boyfriend.

Ngumiti siya. Bumilis tuloy yung tibok ng puso ko. Mga pasaway! "Nasabi ko na kasi ang totoo kong nararamdaman. Noon kasi wala talaga akong lakas na sabihin ito kahit kanino. Pero Andrea, nagawa ko. Kaya lang pakiramdam ko, malungkot pa rin ako."

"Huh? Bakit ka naman magiging malungkot?" Eh di ba nagkaaminan na sila ng kapatid ko?

"Kasi may parte pa rin sa buhay ko ang nawala." Parte sa buhay niya na nawala? Napansin ko na lang na bigla siyang lumuha. Agad naman niya yung pinunasan gamit ang kamay niya.

Yung mga lalaki talaga. Bakit ba sila takot na ilabas yung nararamdaman nila? Iniisip nilang mahina sila. Gusto nilang makita ng mga tao ng malakas sila kahit sa loob naman nila puno ng sakit. Pero para sa akin, nagiging malakas pa sila kung ipapakita at ilalabas di na lang yan kasi matapang nilang nababahagi ang mga masasakit na bagay sa buhay nila at mas lalo pa sila nagiging matibay.

"Kung sino man siya, alam kong pagtatagpuin rin ng tadhana yung mga landas niyo."

"Alam ko. Napakaliit lang ng mundo. Siguro kapag dating natin sa dulo, iiba lahat. Magbabago. Yung akala mong mababalik sa dati, hindi na talaga pwedeng balikan kasi wala na ito. Ikaw ba Andrea, masaya ka?"

"Ang totoo niyan, hindi. Pakiramdam ko naman, laging may kulang. Lagi akong may hinahanap. Di ko alam kung ano o sino yun. Lagi akong nalilito. Buti ka pa sigurado ka."

Pagkaharap ko, nakita ko na siyang nakatayo. Ngumiti siya ng nakakaloko saka ako binasa. "Hoy! Ikaw ha. Binigla mo ako doon."

"Masyado na kasi tayong seryoso. Tara!" Ngumiti ako sa kanya. Tapos sinalok ko yung tubig-dagat gamit yung kamay ko saka siya binasa.

Ngayon lang ulit ako sumaya ng ganito. "Ayan! Basang-basa na tuloy ako." Reklamo ko habang tumitingin sa dress ko.

"Gusto mong mag-racing tayo dito?" Alok niya. Kaya lang hindi ako masyadong marunong lumangoy.

Nung sampung taon pa lang kasi ako, kinuha ko yung puting kumot sa kwarto ng mga katulong at binalot ko iyon sa aking paa para magmukha akong sirena. Kaya lang, biglang di na na ako makalangoy. Muntik na akong malunod. Buti na nga lang, niligtas ako ni dad. Natakot na rin siguro ako. Kaya lagi lang ako nakatayo sa pool.

Napakamot ako ng ulo at tumungo. "Eh k-kasi di ako m-masyadong marunong lumangoy." Tumawa naman ito kaya pinatalsik ko yung tubig sa mukha niya.

My Cryptic Secret Admirer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon