May moment na sila ni SECRET! Waah!! Baka mainlove na naman si Casey niyan. Ang gwa-gwapo niyo eh.
Thank you din sa mga nagbabasa.
Love lots and Enjoy Reading, guys!! :)
Bagong moments ang manyayari sa chapter na 'to. Have fun!
========================================================================
Chapter 20
**************Lance Salvador's P.O.V.
Tawa ako ng tawa. Yung kapatid ko kasi kikitain yung kaibigan kong hilaw. Ang sungit kasi. Nagsapakan pa nga kami nun. Kaya, natatawa ako kasi kikitain niya yun. Mapatino niya kaya yun? Good luck na lang talaga kay Panget. Epic fail!! Yan ang term niya ngayon this day. Malamang di na niya makukuha ang gusto niya at isa pa magiging servant ko siya. Laughtrip!! Ang sama ko lang talaga. Pero, kahit na. Nakakaasar kasi. Tsaka, siya kasi ang bunso. Ang sarap pagtripan. Hayaan niyo na ako. Di naman ako kontrabida. Kapatid ko pa rin naman siya, kahit na bali-baliktarin man natin ang mundo.
Bumaba ako para uminom. Pumunta ako sa kitchen. Kumuha ako ng isang basong tubig, binuksan ko ang ref at kinuha ko ang pitcher. Binuhos ko ang pitsel na may tubig sa baso ko. Ininom ko na yun nang may nakita ako pagkalingon ko. Okay. Mahabang eksplenasyon yun ha.
Nailabas ko tuloy ang tubig sa bunganga ko. "S-sino ka?" Wow! Ang ganda niya. Kaibigan ba siya ni Casey? Shet! Natapunan ko siya. Tumakbo ako at kinuha ang tissue sa cabinet.
Lumapit ako. "Sorry miss! Di ko sinasadya." Ano ba yan? Turn off kaagad ako sa kagagawan ko. Ang tanga lang kasi. Bakit ba kasi ang ganda niya?
"Sira ulo! Kuya, kadiri ka. Talsikan ba naman ako ng tubig sa damit. Haler! Sumbong kita kay mommy diyan. Tsaka, anong miss ka diyan? Upakan kaya kita. May pangalan ako. Pero sabagay ako din naman may tawag sayo. Ano nga-nga ka lang diyan? Kadiri ka. You're saliva is GROSS!" Reklamo niya.
"Ca-Casey?!"
"Yeah! The one and only. Bakit? Nagka-amnesia ka na ba?" Di ko siya nakilala. Tama nga si Dad! Bakit ganyan? Ang ganda talaga ng kapatid ko. Di ko ma-imagine na maging girly yan. Ang tanga ko na talaga. I-damoves ba naman ang kapatid. Pero, sorry naman di ko nakilala eh.
"Ahh! Sino ka? GF mo Lance?" Isa din 'to si Kuya eh. Ok lang yan kuya. Alam ko yung pakiramdam na magulat ka sa kung sino ang makikita mo. Imba pala gumanda si Casey!
"ASA! Si Jasmine lang ang nasa puso ko. Tsaka, si Casey yan. Baliw! KAPATID natin. KAPATID! Ano papatulan ko?"
"Sabi ko nga. Hi Casey! Ang ganda mo talaga. Hihihi! Joke ko lang naman yung kanina." sabay tawa nito. Abnormal!
"Ah ganun ba! Hoy..yung deal ha. Pinapaalala ko lang sayo. Baka nakalimutan mo." Siyempre, di ko makakalimutan. Alam ko namang panalo ako.
"Casey naman. Pinaparemind mo naman sa sarili mo na talo ka. Mamaya pala ha. Pakibili mo nga ako nito mamaya sa mall. Okay?" sabay bigay ko sa kanya ng mga listahan ng materials ko sa school. Talo naman siya for sure. Ina-advance ko lang.
"Kapal! Di pa ako talo kaya sayo muna yan. Pag talaga ako nanalo, humanda ka talaga sa akin." sabay bigay ulit sa akin ng papel.
"Umaasa ka pa din ba mahal kong kapatid? Advice lang ha. Payong kapatid. Wag ka ng umasa habang maaga pa. Kasi, sa huli baka matalo ka lang."
"Ay! Ang ganda ng advice mo. Nakatulong. Promise!" sarkastikong sabi niya.
"Kayo talagang dalawa. O, Casey punta ka na doon. Baka hinahanap ka na nila Dad. I'll just go now to SGC. Sige na! Pupunta ka pa kanila mamita. Good luck na lang. Ikaw naman Lance, wag mo na yang asarin." Ayoko nga.
BINABASA MO ANG
My Cryptic Secret Admirer (COMPLETED)
HumorKwento ito ni Casey Andrea Salvador. After her break-up with her boyfriend, mapupunta siya sa Oxford Academy. Marami siyang makikilalang mga totoong kaibigan at makikilala niya din ang mga lalaki na magbabago ng buhay niya. She meets a bad boy, a s...