Secret Admirer- Kidnap to Kill or Kidnap to Date?

1.9K 62 3
                                    

Chapter 32

***************

Casey Andrea Salvador's P.O.V.

Matapos sabihin ng lalaking yun na kidnap 'to.....

Aba at tinotoo nga!

Paano ba naman nilagyan pa niya ako ng blindfold. Saan naman kaya ako dadalhin ng lalaking 'to?

Naramdaman kong tumigil ang sasakyan sa isang lugar. Ibinaba niya ako at saka inalalayan pababa at sa paglakad.

"Hoy lalaki! Joke ba 'to o may balak ka talagang kidnapin ako? Ang yaman yaman mo na nga mangingidnap ka pa. Sugapa ka ata. Ano bang kailangan mo sa akin? Saan mo ba kasi ako dadalhin ha?" Pero ang loko hindi man lang ako inimikan.

Isang masarap na simoy lang ng hangin ang nararamdaman ko habang may humahawak sa kamay ko. Patuloy lang kaming naglalakad. Di ko talaga alam kung nasaan ako. Pero kasama ko siya. Ang awkward! Tsaka, Magmomoment pa ba ako kung ang kidnapper ko ay ang taong laman ng puso ko.

"Hello? May kausap ba ako? Sagot ka naman po. Bakit pa kasi may ganito ka pang nalalaman? Daming arte. Hoy kidnapper! Kanina pa tayo naglalakad ha. Tsaka, teka nga, bakit parang ang damo? Tanggalin mo na nga 'to." Turo ko sa blindfold ko na nakatakip sa mata ko. Ipapasalvage niya na ba ako? Oh no!

"Lalaki! Joke lang naman yung sinabi kong gusto kong magpakamatay. Hehe! Kev naman! Wag mo namang totohanin. Huy! Diyan ka pa ba? Hey! Joke nga lang talaga yun. Di ka ba natawa? Siyempre, di naman ako tanga para magpapakamatay di ba? Joke lang talaga. Promise!"

"Anong joke?" Hay! Nagsalita na din after 100 years of waiting..."Joke pala ha. Well totohanin na natin. Akala mo ha! Ililibing kita ng buhay dito. Wag ka magalala, sisikat ka din naman. Bukas na bukas din panuorin mo ang bangkay mo sa TV ha." Ay tae ng kabayo! Sinapian na ba 'to? Ayoko pang mamatay noh! Wag ngayon! Mamahalin pa kita. Joke! Sabay ganun eh.

Bago pa ako mapatay ng lalaking yun sinubukan kong tumakas at kumawala sa pagkakahawak niya. Pumiglas talaga ako. Pero ang lakas talaga niya eh.

"Try mong tumakas. Di man kita mapapatay. Tingnan lang talaga natin kung di ka kainin dito ni Slender Man." Kevin naman eh! Nanakot pa.

"Oo na! Oo na! Pero Kev request lang ha. Pwede ba pakisabi na lang sa pamilya ko na mahal na mahal ko sila? The best talaga sila! Pati sa tropa. Paalam sa inyo. Mami-miss ko talaga kayo. Okay Kev, handa na ako. Paalam na talaga!" Huhuhu! Katapusan ko na talaga. This is it! Hingang malalim. Breathe in, breathe out.

Pero wala akong nararamdaman ni matulis na bagay na nakatutok sa akin. Ni baril di ko marinig pumutok. Ni kahit ano as in WALA! Wala talaga!

"Kev?" tanong ko pero nakarinig lang ako ng isang bungisngis. "Hoy! Tumatawa ka ba?" tanong ko sabay tanggal niya sa blindfold ko.

"Hahahaha! Grabe! Dapat pala vinideohan ko 'to. Hahaha! Laughtrip ka. Ang sarap mong pagtripan. Uto-uto ka kasi eh." Kaya ayun! Pinaghahampas ko nga. "Mama, Papa. Paalam po! Hahaha!" sabi niya in a girly tone.

"Bwisit! Lang 'ya ka talaga, Kev! Kahit kailan eh noh." sigaw ko sabay hampas sa kanya ng ilang beses. Kainis 'to!

"Aray! Aray! Teka lang! Ako naman ang mamamatay niyan eh. Relax ka lang. Bakit ba di mo maintindihan? Ang labo mo din. Alam mo naman kasing di kita kayang saktan di ba?" Okay! Kikiligin na ba ako doon sa sinabi niya o magagalit pa din?

Kikiligin. Chos! "Bwisit!! Kidnap kidnap ka pang nalalaman diyan. Upakan kaya kita." Siyempre magagalit. Di niyo ba alam nagpapapansin lang talaga ako? Kunwari tatampo pero ang gusto lang naman talaga eh i-comfort ka ng taong yun.

My Cryptic Secret Admirer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon