Secret Admirer- Snobbing Me is the Most Painful Thing

1.4K 54 0
                                    

Chapter 46
**************

Casey Andrea Salvador's P.O.V.

"Uyy! Uyy!" Unti-unti kong dinilat yung mga mata ko at nakita si Jen, Ayana at Kim.

"Girl! Tulog ka ng tulog diyan. Hello? Exam na po kaya bukas. Nagreview ka na ba?" -Jen.

"Yun na nga. Puyat nga ako sa kakaaral."

"Kakaaral o kakaisip sa nangyari?"

"Tss! Wag mo na ngang ipaalala ang di dapat maalala."

"Alam mo Casey---"

"Di! Di ko pa alam." Pilosopo kong sabi kay Kim bago pa man niya matapos ang sasabihin niya kaya inirapan ako nito.

"Duh! Seryoso kaya ako. Kaya tigil-tigilan mo yan. Anyway, sinasabi ko lang na masasaktan ka lang kung patuloy ka lang magapapaapekto. Alam naman natin na ginawa mo yun para sa kabutihan niya. Para sa tama."

"She's right!" Pagsang-ayon naman ni Yana. "Tsaka girl. Ang mga lalaki ano yan eh...."

"Ano?"

"Ang mga lalaki yan ano mga taong walang magawang matino. Di ba? That's why it takes a risk to love a man. Kasi yung mga lalaking yan... Manloloko. Slash. Manggagamit. Slash. Ningas-Kugon at higit sa lahat mahilig manakit ng damdamin ng mga babae. A.K.A. Mga Bading!"

"What?! Paano? Eh di ba 'The more you hate, the more you love'. Kaya ba nila tayo sinasaktan eh dahil mahal nila tayo?"

"No! Mga bading sila. Well Some! Eh kasi....Una, nananakit sila ng babae. Ibig sabihin, inggit sila kasi mas maganda ka kaysa sa kanila. Pangalawa, ang tunay na lalaki ay yung taong magsasakripisyo para mapasaya yung babaeng mahal nila. Eh kung mananakit sila, eh ibang usapan na yan. Ang ibig sabihin nila ikaw yung magpakalalaki at magsakripisyo dahil sila ay mga feeling babae na kailangan sila dapat ang pasayahin. Pangatlo, di ba may mga lalaking madaming babae. Pwes! Wag niyo agad isiping gwapo sila. Malay mo di ba friends niya lang yun kasi gusto nila maging binabae. At isa pa, ang ibig sabihin nun hindi babae ang hanap nila kundi mga kapwa nila. Oh di ba? Taray!! Confirmed. Naiintindihan niyo ba ako guys?"

Nagkatinginan naman kami ni Kim at Jen. "Guys, Oo na lang." Saad ko. Kaya tumango-tango na lang kami.

"Good. Mabuti ng malinaw." Komento niya.

"Hoy Ayana! Tama ba yung narinig ko? Ano kamo ang opinyon mo tungkol sa aming mga lalaki? Grabe ka naman. Di naman lahat. Parang ako lang." Biglang singit ni Drake na kanina pa pala nakikinig.

"Oo nga di lahat. Pero asa ka namang kabilang ka sa mga di kabilang na yun. Kaya Drake, tigil-tigilan mo ako. Kasi di mo pa nararanasan ang magkagirlfriend. Tsaka kung matino ka, dapat meron ka na."

"Eh paano nga ako magkakagirlfriend kung yung babae namang gusto ko....ay may mahal ng iba?" Tapos napansin ko ang saglit na pagtingin niya sa akin. Hindi! Wala naman sigurong kahulugan yun. Kasi di namang masamang tumingin.

"Pero di nga Drake? May nagugustuhan ka na talaga?" Nagtatakang tanong ni Kim. Pati nga rin ako. Di ko talaga alam. Ang weird talaga nila kanina ako yung pinaguusapan tapos ngayon kung saan-saan na. Pero mabuti na rin yun para maiwasan ko yung ayaw kong pagusapan namin.

"Ah ano...joke lang yun." Joke nga ba?

"Akala ko kung ano na." Sabi ni Jen.

At dahil ayaw ko muna ng mga girl talk, nakiusap na lang ako Drake. "'Pag pumayag siya, Girls! Excuse us ha. Drake, pwede mo ba akong samahan?"

"Sure!" Mabilis niyang sagot.

Kaya agad kaming tumayo at lumabas sa silid-aklatan.

"Casey."

My Cryptic Secret Admirer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon