Casey Andrea Salvador's P.O.V."Babae!" sigaw sa akin ni Drake. "Hatid na kita sa inyo. Gabi na. Baka, kung may ano pang mangyari sayo sa daan. Kargo pa ng konsensiya ko. Tsaka, kung di mo alam. Gentleman kaya ako!"
"Shut up! Basta kapag namatay ako...MUMULTUHIN KITA!! Kaya, dapat lang noh. Ikaw na din magbayad ng pamasahe ko. Di ba sabi mo naman Gentleman ka? Tsaka, as if naman magkakandarapa sa akin yung mga tambay na sinapian ng demonyo diyan."
"Maganda ka kaya. Kaya nga ako nain---. I mean kaya nga kita gusto maging kaibigan di ba?" Tumawa naman ako sa kanya.
"Bakit?" pagtataka niya. May amnesia na talaga ang mga tao ngayon.
"Eh, di ba nung una kita nakita sabi mo you'll make me your girlfriend? Tapos, ngayon kaibigan lang. Ano ba talaga?"
"So, gusto mong tuparin ko yung sinabi ko sayo na I'll make you mine? Sabihin mo lang, kasi gusto ko." Ngumiti-ngiti pa ang loko.
"Ang sabihin mo may gusto ka na talaga sa akin. Chicks kasi ako. Anak ng manok."
"Paano kung sabihin ko sayo 'yon. Dahil, handa ako maging tandang para sayo."
"HAHAHA!! Di rin! Nagiisip ka ba? Dahil, may nakita ka na bang sisiw na papatulan ang ama niya? Kung meron, pwes matakot na tayo."
"Age doesn't matter." Aniya niya. Weh? May age pala yung mga manok.
"Pinagpipilitan mo talaga eh! Manligaw ka muna, kung gusto mo."
"I prefer to be your secret admirer in the near future. Tsaka, di na kailangan ng ligaw-ligaw. Kasi, relationship ang pinapatagal hindi ang panliligaw. So, kapag nainlove na ako. Doon pa lang kita cha-chansingan."
"Seryoso ka?" Pero, nag-shrug lang siya. Ano kaya yun?
*
Pagkaalis ni Drake, lumapit ako sa may gate namin. Pero, may nakita akong babae na nakatayo sa tapat ng gate namin. Buhok pa lang alam ko na kung sino siya. Si Sydney Delos Reyes. Kapit-bahay namin.
"Sydney! Bakit ka nandito? May kailangan ka?" tanong ko kaya napalingon naman ito sa akin.
"Nothing! I just want to give you back your guitar. Thank you ha, Casey." sabi niya sabay abot ng guitar na pinahiram ko sa kanya for almost 3 months I think. Ang tagal na noh.
"Thank you din, Syd. Ah, si Zander pala nasaan na? Bakit mailap na kayong magkasama?"
"Actually, we already broke up." malungkot niyang sagot. Nakakaawa naman.
"Sorry! I didn't know."
"Ok lang, sige I'll need to go." tumango na lang ako sa kanya at pumasok sa loob.
(A/N: Sydney is a fictional character from the story of FudgeBaby: In a Relationship with the Death Prince.)
Pagkapasok ko, ginawa ko na ang dapat gawin. Pagkatapos, pumunta ako sa veranda ng bahay. Magpapahangin muna ako sandali. Para naman matanggal ang mga nakakalokang STRESS.
Isa pa, I will admit na nami-miss ko na din si Kevin. Super cold ko kasi ako sa kanya. Pinapakita ko na hindi ako naaapektuhan. Kahit na ang totoo. SOBRA! Sobra na akong nasasaktan.
Hindi naman ako manhid para makita ko na hindi ako mahalaga para sa kanya. Wala naman kasi siyang ginawa para magkaayos kami. As in wala talaga. Akala ko, I'm special for him dahil sa lahat ng efforts niya.
Pero, I think hanggang akala ko lang lahat ng yun and nothing else...
Napagtripan ko tuloy kumanta ng kinantang nilapatan ko ang lyrics. Ibo-broadcast ko sa lahat ng kapitbahay ko yung feelings ko. Bahala sila! Magreklamo na lang sila sa barangay.
BINABASA MO ANG
My Cryptic Secret Admirer (COMPLETED)
HumorKwento ito ni Casey Andrea Salvador. After her break-up with her boyfriend, mapupunta siya sa Oxford Academy. Marami siyang makikilalang mga totoong kaibigan at makikilala niya din ang mga lalaki na magbabago ng buhay niya. She meets a bad boy, a s...