Belated Merry Christmas guys!
--------------------------------------
Chapter 34
***************
Casey Andrea Salvador's P.O.V.
Bumaba na ako papuntang cafeteria. Naglakad ako papuntang counter nang biglang may nambato sa akin ng itlog. Shems! Ang lagkit ko na tuloy. Ang lakas din ng trip niya ha!
Napatingin naman silang lahat sa akin at bigla namang tumawa. Sumigaw naman yung lalaking nambato sa akin ng itlog. "Hahahaha! Hiniling mo eh." Hiniling? Nababaliw na ba siya? Bakit ko naman gugustuhin na mabato ng itlog? Seryoso ba siya?!
Biglang may nambato pa sa akin. "Tsaka, sabi ni Ms. Beautiful, mangaagaw ka daw. You deserve it. Yan ang nababagay sa mga katulad mo." Sigaw ng isang lalaking sumunod na bumato sa akin.
Hanggang sunod-sunod na sila. Di ko alam kung bakit nila ito ginagawa.
"Mangaagaw!" Sigaw nila. Napayuko na lang ako habang nakacover sa sarili ko ang mga kamay ko.
Bigla kong nakita sina Shelo at Leila....
Ngumingisi at nakatingin lang sila sa ginagawa sa akin. Sila siguro ang may pakana ng lahat ng ito.
Bigla namang may nagcover sa akin. "Boo! Umalis ka diyan. Nakakatawa na siya eh! Alis!" Sigaw ng mga tao sa loob.
Tumunghay ako at nakita si Shin. "T-thank you." Napapaiyak na kasi ako. Konti na lang bibigay na ako. Bakit ba nila ako gustong saktan?
"Sabi ko naman sayo di ba kapag kailangan mo ng tulong nandito lang ako. Hindi kita pababayaan. Kung dati ako yung bad boy, ngayon ako naman ang hero mo." Kahit gusto ko ilabas ang mga luha ko di ko maiwasang mapangiti.
"Ang corny mo! Sorry kung nadamay pa kita. Pero ibang klase ka din ano! Feeling mo naman kasi na superhero ka."
"Ayaw mo nun parehas na tayo magiging tortang itlog." Napatawa naman kami sa sinabi niya habang iniilagan ang mga itlog na sunod-sunod na nababasag sa uniform namin.
Napatigil naman silang lahat nang lumapit si Leila. Tiningnan niya ako habang nakataas ang dalawang kilay niya.
"Enjoying?" Nakangiting tanong niya. Napangiti naman ako ng mapakla.
"Hoy! Kahit babae ka papatulan na kita. Ang yabang mo ha! Bakit mo siya ginaganito ha?" Sigaw sa kanya ni Shin.
"Oh! Wait! Wait! Wait! She ask for it don't you know? Look!" Inikot naman niya ako patalikod kay Shin.
"See! Nakasulat diyan 'Throw me some eggs.' Kaya bago ka manisi pwede ba tingnan mo muna yung dahilan?" Sabi niya. May tinanggal naman si Shin sa likod ko.
Isang papel na di ko alam na nakadikit sa akin. Malamang! Nung tinulak ako ng bruhildang 'to, idinikit niya sa akin yun.
Nilukot ni Shin ang papel at tinapon sa sahig....
Napasmirked naman siya. "Tss! Ikaw ang may pakana niyan noh?" tanong niya.
"No! Bakit ko naman gagawin yun sa kanya di ba?" sabi niya sabay tingin sa akin.
"O, Ano masaya ka na?!" Sigaw ko sa harap ng pagmumukha niya.
"Oo, bakit? I mean..Hindi. Naaawa nga ako sayo kasi ang sama talaga ng gumawa sayo nito." Oo masama kasi ikaw yun. "Look! You're like a chick na bagong panganak." Magtimpi ka Casey! Magtimpi ka lang. Kalma!
"Isa pa pala, bawi ka na sa akin. Di ba you flirt with my boyfriend? Yan lang ang nababagay sayo. Gusto mo gawin pa kitang cake? Eto pa o!" Bigla naman siyang may kinuha sa kamay ni Shelo. Ibinuhos niya naman sa ulo ko.
BINABASA MO ANG
My Cryptic Secret Admirer (COMPLETED)
ComédieKwento ito ni Casey Andrea Salvador. After her break-up with her boyfriend, mapupunta siya sa Oxford Academy. Marami siyang makikilalang mga totoong kaibigan at makikilala niya din ang mga lalaki na magbabago ng buhay niya. She meets a bad boy, a s...