Secret Admirer- Revealing Slowly

1.7K 46 1
                                    

Chapter 56

***************

Casey Andrea Salvador's P.O.V.

Tinawagan ko sila Kim, Ayana at Jen para pumunta sa bahay ko. Ang boring kasi. Hindi pa kasi ako kailangan doon para magmodel. Mamaya pa daw.

Maya-maya lang, may nag-doorbell na sa amin. "Manang! Pakibukas po. Tapos sabihin niyo nasa garden ako. Salamat." Utos ko. Dumiretso naman ako sa garden. Naghanda pa nga ako ng pasta sa kanila. Panigurado maglalaway si Ayana sa makikita niya. Speaking of her, paano ko sasabihin na nililigawan ako ng boyfriend niya? Wait.. I mean, di ba fake boyfriend ko na nga pala si Shin? Ayy!!! Mamatay na ako sa kaba. Wag ko na nga munang aminin. Baka dito pa ako sa sarili kong bahay paglamayan.

"Keyseee!!! Yoohoo!!! Andito na ang barney and friends." Sigaw ni Ayana. Binatukan naman siya ni Kim.

"Hoy!! Sino ba yung sumisigaw diyan?? Kitang natutulog eh. Psh. Istorbo! Doon ka sumigaw sa labas." Sigaw naman ng kuya kong ubod ng sungit. Naginuman kasi sila kagabi. Diyan na tuloy natulog sa sofa.

"Ayan tuloy Ayana. Nasigawan ka pa ng kapatid ni Casey. Ang ingay ingay mo. Mahiya ka din ha paminsan-minsan. Makasigaw ka kasi parang wala ng bukas. Eh, Saan na nga ba siya?" Tanong ni Kim. Pero nakatulala lang si Ayana dahil nakatitig....sa akin.

"Siya...OMG! Siya nga. Hala girl. May celebrity dito. Ay! Baka model ng mga Salvador. Waaahhh!! Ang ganda niya. Andrea!!!! Pa-autograph. Idol niyo po ako." Nagpormang 'O' tulog yung labi ko. Sikat na ako. Taray!

"Oo nga!! Di naman tayo nainform. Kaloka! Di ako makahinga. Tubig! Penge tubig. Nakakastarstruck naman siya."

Kinuha ko naman yung basong may lamang tubig. Tapos lumapit ako kay Kim at bingay yun sa kanya. "Salamat po. Kung kayo po si Andrea, malamang po kilala niyo si Kevin, I mean si Andy po. Yung partner niyo. Grabe! Lahat po ng damit sa store niyo binili ko. Tapos po si Andy pa. Alam niyo po greatest love po yan ng bestfriend namin." Aba! Anong greatest love pinagsasabi niya? Di ko pa rin kaya nakakalimutan yung asal nung Kevin na yun sa akin noh.

Hinayaan ko na lang yung sinabi ni Kim. "Binili mo talaga lahat ha. Buti di ka naubusan ng pera." Sabi ko ng medyo may pagtataray.

"Parang ang sungit naman niya Kim." Bulong ni Ayana kay Kim. Natawa tuloy ako. Patikim palang kasi yan.

"Ito Ayana naman. Joke lang. Di niyo ba ako nakikilala?" Tanong ko.

"Siyempre! Ikaw lang naman ang mukha ng Salvador Fashion Line. At nakita ko yung billboard mo. Tapos sa mga shop, ikaw rin ang model." Sagot naman ni Ayana.

"Partly. Pero di nga, ako nga talaga yung bestfriend niyo. Si Casey!" Tapos tinuro ko pa yung sarili ko.

Nagkatinginan naman silang dalawa. "Baka naligaw tayo. Tara uwi na tayo." Naglakad sila palayo pero humarap din ang mga shonga. "Ahhh!!! Ang ganda mo na!!" Sigaw nila tapos niyakap ako. "Ahhhhh!!!" Ay! Ano ba yan? Yung eardrums ko. May natambol atang luga. Paano sumisigaw sila sa magkabilang tenga ko?

"Actually, ninakaw ko lang yung bulaklak ni Mirabella. Kaya eto. Kapalers! So hindi ako maganda noon?" Nagpout pa ako. Yun lagi komento nila. Ang sakeettt!!!!

"Slight. Maganda ka noon. Kaya lang yun haggard version. Basta ikaw na ngayon ay version 2.0. Parang Sarah lang ang peg."

Pinaupo ko naman sila at pinakain. Tapos naisip ko yung plano namin ni Shin. Sasabihin ko ba? Ehhh!! Sa Oxford ko na nga lang sasabihin. Malalaman rin nila yun.

"Saan nga pala si Jen?" Una kong tanong nang mapansin kong sila lang dalawa ang pumunta.

"Ayun! Nakipagdate kay Andrei. Sila na kaya. Tayo na lang ngayon ang samahan ng may malalamig na pasko. Saan na kaya si Shin? Sabihin mo nga sa kanya, painitin niya ang pasko ko." -Ayana. Ano ba yan? Nagu-guilty ako dahil di niya pa rin alam. Bahala na nga ulit.

My Cryptic Secret Admirer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon