Secret Admirer- Disappointment

2.2K 70 0
                                    

Dagdag na naman sa mga characters. Dami kasing nagre-request sa akin. Ayan! Tinutupad ko na po isa-isa.

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Someone's P.O.V.

Another boring life here at wala akong ibang babagsakan kun'di ang MALL! What a life! I miss the bitch life. I wanna have some fun. Di ko alam! Miss ko, pero gusto kong takasan. May dahilan lang ako kung bakit pa ako kasali sa grupo ng kadiliman. I have reasons kung bakit ako nagkakaganito. Same teen story.

I had to pee or something. So, I went in the comfort room to satisfy myself. Pagkapunta ko, ang daming nakapila. May modo naman ako kahit pa-paano. So, I waited for my turn impatiently.

After waiting for a billion years! Finally, I was going to be next in line. But then, a girl approached me.

"Miss, pwedeng sumingit? Naiihi na talaga kasi ako eh." I smirked. Ibang klaseng babae rin 'to.

Sabi ko. "May utak ka ba? Eh, ano ba sa palagay mo ang dahilan kung bakit kami naririto at pumipila?" Inirapan ko nga.

"Ang sungit! Nakikiusap lang."

"May sinasabi ka?"

"Wala naman! Tsaka, Bakit ganyan ka makatingin?"

"Eh, ikaw bakit ang sama mong tingnan?" Inirapan ko ulit siya at pumasok na ako sa loob.

Nang lumabas na ako, bigla na lang ako may nakabunggo. Malas na araw talaga! Lahat na lang.

Nahulog yung Prada niya. So, pinulot niya. "Di ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo! Bulag ka ba?!" Galit na tanong niya.

Nang makita ko ang pagmumukha niya. Nagulat ako, pero hindi na ako nagtaka sa ugali niya. "Leila? Leila Acata? It's been a long while." Matagal-tagal ko na din hindi nakita ang kakambal ko sa kasungitan. Likewise, Black Angels are the most darkest group pagdating sa katarayan. She is the one who leads us. Tinulungan niya ako, but the consequence is this. Ang matubuan ng sungay. Wanna know why I join? Dahil yan sa pagrerebelde ko. Bagay ako dito. I belong to a group full of sins. Wala ng pag-asa. I already destroyed my life. But the weird thing every little bit of it. Hindi ko pinagsisisihan...sa ngayon. But in my life, I feel so much regret. Nagpakatanga ako. Naiinis ako. Bakit kasi naging mahina pa ako noon?

"Oh! Another bitch is here. Well, may balak ka pa bang maging active sa group? You know naman na I like someone and I will do everything to GET him." Same old Leila. Ganun pa din. Walang pinagbabago. Naninira pa rin ng buhay ng iba. Gagawin ang lahat at di titigil hangga't di niya nakukuha ang gusto niya. Among the members, siya ang mysterious. Walang nakakaalam kung bakit siya ganyan. Napaka-secretive!

"Likewise! Ano pa bang inaasahan ko sa isang Leila Acata? Don't say na pati si Nico nagawa mong paikutin."

She laughed. Yung kakaiba! Lahat na lang ng tao sa paligid niya kaya niyang tapakan. Wala siyang sinasanto maliban sa amin. Minsan kahit sa amin masama pa din siya, but mas malala kung hindi ka niya kakampi or more like kung ikaw ang hindrance sa pagkuha niya ng gusto niya.

"Oo, kahit si Nico pa yan. Pati na rin si Shelo at....ikaw. Kaya ko kayong paikutin at paglaruan. Kaya, wag niyong subukang banggain ako. Kasi, you don't know me much." Di nga kita kilala, pero aalamin ko ang baho mo. Dahil, ang bagoong kahit anong takip mo doon. Lalabas at lalabas pa rin ang baho nun. Kaya ikaw, katulad ka lang nun. Walang lihim na hindi nabubunyag. Hindi lang sa pagrerebelde, pero sa katagalan gusto ko ding maghiganti sa babaeng ito sa isang dahilan. Pero, di ko pa kayang ibunyag ngayon.

Ginamit lang ako ng babaeng ito. Pinaikot! Kaya ngayon, siya naman ang paiikutin ko. Hindi ako tanga katulad niya.

Kung kaya niya akong paglaruan kaya ko rin siyang paglaruan. Napakasama niya. Pero, makakawala din ako sa impyernong ito at kapag nangyari yun handa na ako para baguhin ang sarili ko kahit alam kong ginawang imposible ng babaeng 'to ang gusto ko.

My Cryptic Secret Admirer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon