Chapter 44
**************
Casey Andrea Salvador's P.O.V.
Nasa langit na ba ako lord? Kasi feeling ko po oo. Dahil tila isang anghel po ang katabi ko ngayon. Hinulog niyo po ba ito sa akin? Pwede pong walang bawian? Akin na lang po. Kaso po 'I will not share my blessings' ha?
May nararamdaman kasi akong kakaiba. Eto na ba yung feeling ng nagmamahal. Ang saya pala. Feels like a place of infinity. Chos!
Moment goes on and my world stops when I'm with him. My bestfriend and the person I want to be all my life. "Oh, ang emote mo naman ata diyan Casey." Nagulat ako dahil nabasag ang katahimikan at ang pageemote ko dahil kay Kevin. Awtsu! Nakakahiya.
"Naku! Masyado bang halata?" Tigil na kasi. Baka kiligin ka naman diyan Casey. Hayyy!!! Moment Overload.
"Haha. Oo. Ano ba kasi ang iniisip mo?" Ikaw.
"Naaalala ko lang yung dati nating pinagsamahan." Sagot ko. Siyempre! Hanggang pantasya ko lang siya.
"Really? Dahil din naman sayo yun kasi ginawa mo akong payaso. Payaso na ang tangi lang gusto eh mapasaya ka."
"Asus! Wag mo nga akong banatan Aragon. Oo nga pala, naalala ko lang, akala ko ba isasako mo ako? Hanggang salita ka lang pala Kevin."
"Paano naman kita isasako kung hindi mo naman kamukha yung bigas? At kakayanin pa ba ng konsensiya ko na isako ang isang magandang dilag na 'tulad mo."
"Okay. Tama na! Tama na! Nakakablush ka alam mo yun?"
"Haha. Okay. Kahit alam kong gusto mo naman. Teka! Trapik naman. So, hiritan mo nga ako ng joke." Hala! Anong gagawin ko? Hindi nga ako magaling diyan.
"Ummhh...Ah eto na lang. 10 20 30 40 50 60. Anong sunod ng 60?" Tanong ko sabay ngiti ng malaki sa kanya.
"Hmm...70?"
"Hahaha! Mali! Edi 61. Malamang. Yun naman talaga di ba?"
"Oo nga noh." Bulong niya. Napangisi tuloy ako. Ang corny ko eh. "Tatawa na ba ako? Ha.ha.ha. Nakatatlong tawa ako. Joke yun?" Psh... May kasunod pa pala.
"Hoy! Linya ko yun ha. Mangaagaw! Lagi kang ganyan ha. Gaya-gaya." May naisip naman ako bigla. "Teka! Pansin ko lang, Tambalang popcorn talaga tayo noh."
"Tambalang popcorn? Bakit naman?" Tanong niya.
"Kasi di ba corny ako tapos ang cheesy mo edi popcorn tayo. Remember the first day? Ganun tayo di ba?" Humarap naman ako sa kanya. Nakangisi lang ito sa akin habang nakatingin sa daan. "Okay. Alam kong corny ako. Tama na! Aawat na. Eto na o. Mananahimik na."
"Okay lang. Kahit corny ka, di pa rin magbabago ang tingin ko sayo."
"I knew it! Cheesy ka! Cheesy! Magdrive ka na nga lang diyan." Tumahimik naman siya. Buti naman baka kasi may maramdaman na naman akong kilig.
Tumingin na lang ako sa madilim na kalsada na napaiilawan lang ng mga ilaw mula sa mga kotse. Napansin ko naman na lumiko ang kotse ni Kevin sa isang lugar kung saan puno ng mga halaman sa tapat. At sa mga halaman na yun, kumukuti-kutitap ang mga ilaw ng christmas lights. Napansin ko tuloy, malapit na nga pala ang pasko.
"Finally! We're here. Ipa-park ko lang yung kotse." Tumango naman ako.
Nang maipark niya yung kotse niya, agad-agad siyang bumaba at tumakbo sa harap ng pintuan ko at pinagbuksan ako. "Mr. Gentleman ka ngayon."
"For you." Tapos kumindat pa ito sa akin.
"Isumbong kita sa girlfriend mo eh." Pagbabanta ko.
"Be my guest. Kung ikaw ang dahilan, sige ka! Sasabunutan ka nun. Ikaw rin. Not my lost. Siyempre, pipiliin pa rin niyang patawarin pa din ako." Anong klaseng lalaki 'to? Sure na sure siyang papatawarin siya ng GF niya. Maswerte siya kung ganun. Pero di lahat ng babae, kaya pang tiisin ang kahit na anong sakit na ginawa ng isang taong minahal nila. Kaso di ba parang pagsisira yun ng tiwala?
BINABASA MO ANG
My Cryptic Secret Admirer (COMPLETED)
HumorKwento ito ni Casey Andrea Salvador. After her break-up with her boyfriend, mapupunta siya sa Oxford Academy. Marami siyang makikilalang mga totoong kaibigan at makikilala niya din ang mga lalaki na magbabago ng buhay niya. She meets a bad boy, a s...