Secret Admirer- Another letter, Another Mystery

1.8K 56 0
                                    


Chapter 40
*************

Casey Andrea Salvador's P.O.V.

Kasama ko sina Kim, Ayana at Jen. Papunta kami sa locker room para alamin kung tama ba ang hinala nila. Nakausap ko na kasi sina Kim at Ayana tungkol dito kaya alam nila. At nung sinabi ko nga yun, di sila makapaniwala.

Kung totoo man. Hay naku! Bulag talaga yun. Dahil ako na walang hilig sa pagaayos, eh nakikitaan niya bilang isang pinakamaganda dito sa Oxford. Kawawang lalaki.

"As in Casey! Hindi ako makatulog sa sinabi mo. At sana naman noh tama yung hinala naming na para talaga sayo yun. Kasi love life na yun." Saad ni Ayana. Hopeless Romantic na bruha. Kung alam niya lang talaga na may gusto sa kanya si Shin Sungit, siguro magtititili na 'to sa harap ko ngayon.

"Oo nga. Napakaswerte mo talaga. Wala na Kasing masyadong sweet sa mundo. Buti na lang nakakalanggam yang manliligaw mo." -Kim

"Tama sila. Kaya kapag nakita mo na yang manliligaw mo na yan. Grab the chance. Baka siya na ang iyong Mr. Destiny. Ibig sabihin, pagkakataon mo na para magkalove life." -Jen

"Teka lang guys ha. Manliligaw? Di pa nga natin alam kung para ba talaga sa akin yun. Malay mo palakaibigan lang o kaya trip lang. Heler!! Ang dami kayang nambu-bully sa akin dito. Isa pa, di ba pwede magkamali? Malay mo disabled." Sabi ko naman sa kanila.

"Haisst! Wala ka ng pagasa." Umiiling pang sabi ni Ayana.

"Casey, edi tingnan mo na lang para magkaalaman na." -Jen

Tiningnan ko naman sila at ngumiti. Alam ko naming wala. Kasi kaninang umaga tiningnan ko na ang locker ko. Hahaha!! Umaasa na naman ang mga kaibigan ko. Pero sorry kayo.

Eto na.... (Binuksan ang locker)

"What.the.F." sambit ko dahil pagkatingin ko BOOM.

"Confirmed." -Kim

"Waaahhhh!!! I told you! I really told you! May nagkakagusto na sayo. And look! Flowers again. Kung kahapon Red Roses, ngayon naman Violets. OMG!! Basahin mo yung nakasulat girl." -Jen. Tiningnan ko muna yung gilid ng bulaklak. Buti naman at natandaan niya ng alisin yung price tag. Kashonga naman kasi. Akala ko nagbebenta lang kaya nilagay sa locker ko. Mamaya bayaran ko pa. Mahal pa naman. Kung nagtataka kayo kung bakit nakakalagay sila ng gamit dito. Ang sagot lang diyan ay nakaw susi. Ilang beses na yang nangyayari at mautak 'to at dinuplicate ang susi ko. Minsan naman sadyang bukas lang. Kasi wala naman akong nilalagay na importante dito.

Ayun na nga! Sunod ko naming tiningnan yung loob at nakita ko na naman ang maliit na papel sa loob ng bulaklak na yun. Ano na naman ang kakornihan ito?

******************************************

Roses are Red,

Violets are Blue,

How I wish you remember me.

Dahil sa part ko, talagang I dream of you.

Oo nga noon torpe at umiiwas ako

Pero ang totoo,

I really have a crush on you.

How about you?

Do you admire me too?

Casey, sana matutunan mo na din akong mahalin

hanggang sa handa na ako magpakita sayo.

-Secret Admirer

******************************************

Akalain niyo. Mas kinilig pa sa akin yung mga kaibigan ko. Edi kayo na ang binigyan. Ang corny niya. Tara! Uwi na tayo. Kung si Kevin lang yun eh. Tiyak mahihimatay na ako sa kilig.

My Cryptic Secret Admirer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon