Secret Admirer- Missing every bit of Her

1.9K 68 0
                                    



Andy Kevin Aragon's P.O.V.

Patapos na silang kumaing lahat. Ako naman ngayon. Eto, naghihintay ng tiyempo para makausap si Casey ng masinsinan.

Alam niyo ba yung feeling na hindi kayo pinapansin ng isang taong espesyal sa buhay niyo?

Yung babaeng nagpasaya sa'yo at sa mundo mo.

Di kasi siya makatingin sa akin at di niya na ako masyadong pinapansin.

Hindi na katulad ng dati...

Yung may tawanan at kulitan.

Yung kayo lang dalawa na para bang may sarili kayong mundo.

Yung kapag may tampuhan agad nasosolusyunan.

Kapag may problema nandiyan kayo para sa isa't-isa, magkaagapay sa lahat ng problema.

Nandiyan siya parati tuwing kailangan ko siya.

Tuwing may problema at nalulungkot ako isang sabi niya lang at isang tawa pa lang niya nakakalimutan ko na lahat ng problema ko.

Gusto ko mabalik yung dati. Kahit, it takes a billion years or my whole life to say sorry to her.

Gagawin ko! I miss her. No one knows how much. Pero, SOBRA!

Gusto ko yung pinapansin niya ako at kinakausap. Yung freely niyang nae-express yung nararamdaman niya.

Di ko alam, pero nakatatak na siya sa puso ko.

Yung tuwing gabi. Iniisip ko kung okay lang ba siya? Kung maayos pa ba namin 'to? O kung hanggang kailan matatapos 'to.

Ang iwan at saktan siya ay ang pinakatangang ginawa ko sa buong buhay ko. Pero, nagawa ko lang yun. Kasi, I left having no option.

Alam kong nasaktan siya ng sobra dahil sa akin, kahit di niya man sabihin sa akin RAMDAM ko.

Ang sakit lang kasi ngayon nakikita ko na hindi na ako parte sa mga taong dahilan kung bakit siya NGUMINGITI.

Imbis na ako yun. Ako pa yung naging dahilan kung bakit siya nalulungkot.

Feeling niya lahat na lang ng tao iniiwan siya.

Kung kaya ko lang talaga ibalik ang nakaraan.

Gagawin ko at ang pipiliin ko ay ang gawin siyang masaya.

Kung siguro di pa ako nagmahal, di kami ganito eh. May times din na pinagsisisihan ko. Pero, di ko din kayang saktan ang isa.

Ang unfair lang! Kasi, kapag may isa kang pinili. May masasaktan at masasaktan pa din.

Di ba pwedeng lahat maging masaya?

Tsaka, Oo! I miss her so much na araw-araw siya ang iniisip ko.

Para ko na nga siyang girlfriend. Ganun ko siya minahal. Ganun ko minahal ang isang babaeng naging parte ng puso ko. Napakaespesyal niya.

Kahit anong gawin ko, siya pa rin ang hinahanap ng mga mata ko.

Kahit, may girlfriend na ako, iba pa din ang naging friendship namin.

Tumayo siya mula sa kinauupuan niya. "Guys, magccr lang ako ha." sabi niya at tumango naman sila.

"Excuse me din." sabi ko sabay tayo. Eto na lang yung pagkakataon ko. Umaasa ako na kahit konti bumalik na yung dati.

Hinabol ko siya. "Casey! Wait!" tawag ko. Napalingon naman ito at humarap sa akin.

"Bakit? May kailangan ka?" tanong niya habang di nakatingin sa akin. Siguro, galit siya.

My Cryptic Secret Admirer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon