Secret Admirer- The Start of a Beautiful Change

1.7K 55 1
                                    

A/N: Pasintabi po sa mga taong galit sa mga lait. Wala eh! Susungit na siya. Good Girl No More ang peg niya on future chapters.

*

Chapter 51

Casey Andrea Salvador's P.O.V.

Pagkatapos ng isang linggo, inimbitahan ako ni Ate Mia sa isang event kung saan gusto niya ako maging model ng isang brand para sa mga babae na ila-launch niya.

Nalulungkot pa nga ako para sa kanya nung nakaraan, kasi may nanira sa kanyang event. Kaya ngayon, madaming mga bantay na nakapaligid.

It will start at 4:00 P.M. Ngayon nandito ako sa isang kwarto na di ko naman alam kung para saan nung bandang 12:30 P.M. Ngayon, nandito kami sa buliding niya. 10th floor. Hindi ko alam kung anong meron dito pero malalaman ko na rin mamaya.

"Ate, okay ka na ba?" Tanong ko pagkatapos niyang ibaba ang phone niya. Kinakausap niya siguro yung mga staff nung araw na iyon.

"Ah yeah. Ang sama naman ng gumawa nun. Well, lay down sis." Humiga naman ako sa isang kama. Baka naman beauty rest lang. Asus! Matatanggal na kayo mga eye bags. Hahahaha! Good bye sa inyo. Sa susunod na pagtira niyo ulit sa ilalim ng mata ko. See you soon!

"Ate, sigurado ka ba na kapag nakatulog ako matatanggal ang mga eye bags kong patuloy na lumalaki?"

"Uh-uh. You're not gonna sleep. We will just reveal your true beauty sis."

"Ay like ko yan! Sige! Gawin niyong least chaka ang mukha kong manang-mana kay chaka doll. Push!"

May tinawag naman siyang apat na babae na may kung ano sa kanilang mga kamay. Parang toothpaste na ewan.

"Sige na! Gawin niyo na." Teka! Anong gagawin nila?

Lumapit sila sa akin. Yung dalawa sa kamay ko at yung natirang dalawa sa paa ko. Pinahid nila yung puting bagay na yun sa flawless skin ko at sinimulang ipahid yun gamit ang scrubber?

Sigaw ako ng sigaw na parang asong nakawala. Ang sakit kaya! Pulang-pula na yung balat ko. Tapos ilang saglit pa malalaman ko na may gagawin sila sa mukha ko. Tinanggal nila yung glasses na binigay sa akin ng kababata ko at nilapag iyon sa tabing lamesa.

May tinurok at nilagay naman sila ng kung anu-ano sa mukha ko. Hayy! Hinaharass nila yung mukha ko. Ano na lang kaya ang mangyayari sa mukha kong cute?

Sunod naman nilang nilagay ay facial mask at isang pipino sa bawat mata ko. Ang lamig sa pakiramdam. Eto na siguro yung papatay sa mga inalagaan kong eye bags sa loob ng mahabang panahon. I will miss them.

"Matulog ka na lang diyan ng isang oras. Gigisingin na lang kita mamaya." Sabi ni Ate Mia at naglakad na siya paalis. Kaya ipinikit ko na lang ang mga mata ko hanggang sa makatulog na ako.

*

"Waaahhhh!!! Ang ganda mo sis! Maiinlove sayo lahat ng mga tao. Magkamukha na tayo at---" Nilagay ko yung hintuturo ko sa labi niya.

"Ang ibig sabihin ba nun di tayo magkamukha dati?"

"Ah, eh... h-hindi naman. Pero sis! Ang ga--" Binigyan ko siya ng pauso kong 'Shut up' look. Kaya tumahimik na ito at pinatayo na lang ako. Kinuha ko naman yung glasses ko at sinuot yun.

Naglakad naman siya at pinasunod ako sa isa na namang lugar. Punong-puno ng buhok yung sahig. Kaya saan pa ba kami? Edi sa salon. Taray! May salon sa loob ng building niya. "Upo ka dito ma'am." Sabi ng isang magandang bakla. Nalaman ko lang yun dahil sa pangangatawan niya. Pero ang ganda niya. In fairness!

"Ah hindi po ako magpapagupit. Kasama ko lang po yung ate ko. Siya yung mangyari."

"Haha. Day, sabi ng ate mo. Aayusan ka daw namin." Sabi niya. Ang daming pakulo ni ate. Umupo na lang ako sa malambot na upuang tinuro niya. May malaking salamin pa nga sa harap ko. Wow! Pumuti ako ha.

My Cryptic Secret Admirer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon