Chapter 62
***************
Casey Andrea Salvador's P.O.V.
Hello Philippines and Hello World!
Tunghayan natin ang himalang pangyayari kung saan ka-lunch ko si Leila.
Gusto ko tuloy magala- Tita Glo. Para.. *hawak sa gilid ng ilong. 'Walang himala! Hindi totoong may himalaaa!!!' Naiinis na kasi ang mga mata ko sa nakikita ko. Katapat ko pa naman. Sarap hagisan ng granada sa mukha. Naglilipstick pa sa harap ko. Lumalandi na naman. Gusto ko sabihan ng. "Mukha bang C.R. itong caffeteria? Kung balak mong ilabas yan sa isang kainan, bakit di mo na lang kainin yang lipstick mo?'
Wala dito yung mga 'boyfriend' namin kasi kinuha kami ng lunch. Niyaya lang ako ni Kevin. Pati nga si Ayana, Jen, Kim at Andrei di makapaniwala sa nakikita nila. Three tables apart lang kasi kami. At nahahalata ko yung mga tingin at nakabukas nilang bibig.
Pero sabi nga ni Elsa. "Let it go!!!~~Let it goooo!!" Kanta ko.
"Shut up, b*tch! Stop singing. You like like a kid." Kid? Di ba anak yun ng kambing? Bruhilda talaga. Mas kamukha pa kaya niya yung kambing. Ang haba kasi ng sungay. "Don't think were friends because I am just pretending. Alam ko namang ikaw rin ganun."
"Wag ka magalala Leila. Walang nagiisip na magkaibigan tayo. Bilib nga ako sayo. Ang galing mo kasi magpanggap na mabait. Pero di bagay sayo. Mukha kang abnormal na napilitan."
"I am not abnormal. You are the one who is abnormal. Wait a minute...." Tinitigan niya yung mukha ko. "You look like that Casey girl." Oh my! Sabi ko na nga ba dapat di ako nagpupuyat. Nandiyan na naman si eye bags.
"What?! I am not like her. Eww!" Loka-loka rin ako. Mandiri ka ba naman sa sarili mo. Shonga lang?
"You know her? Well, I don't mind. You really look like her. Kaya pala parehas kayong nakakabwisit." Minake-face ko nga. "Pansin ko lang din Andrea. Ang pangit mo." Unli 'to ha. Magiging model ba ako kung pangit ako?
"Ah, talaga? Di bale reflection mo lang naman ako." Sabi ko dito sabay irap.
"Then, you are pretty." Pagbabawi niya sa lait.
Step 4: Kapag nilait ka ng kaaway, laitin mo rin pabalik. Parang golden rule lang yan. "Do not do unto others, what you don't want others to do unto you." Oh di ba?
"Ay sorry. Joke ko lang din yung kanina." Magsasalita pa sana siya kaya lang pinutol ko. "By the way, thanks!" Pinandilatan naman niya ako ng mata. Siguro sa isip niya minumura-mura niya na ako.
"Pero di ka lang talaga pangit. Ang sama pa ng ugali mo." Ay! Ginagalit talaga ako. Masama lang naman ako sa masama sa akin. Ang bait ko kaya. Makajudge siya hindi naman siya judge.
"Siyempre mana sayo. Naglihi ata yung nanay ko sayo." Pangaasar ko pabalik sa kanya.
"Tss! Halata naman kasi na mas maganda pa ako sayo. It's super obvious that I'm better." Di siya na! At bakit nga pala niya sinasabi yun sa harap ko? As if I care. Di ko naman hinihingi yung opinyon niya.
"Leila, madaling sabihin na maganda ka. Ang mahirap lang ay yung hanapin kung saan banda. Masyado kang mahangin. Daig mo pa ang buhawi. Share ko lang din. Siguro kapag nagka-Zombie Apocalypse sa Earth panigurado ikaw lang ang ligtas."
"Is that compliment? Kasi ba malakas ako?" Ay tanga talaga.
"Hindi. Kasi wala kang utak. Panigurado walang kakaing zombie sayo. Kasi nga wala ka ngang brain."
"You are really irritating. Can't you accept that I am much better than you? Mahilig ka magsalita ng di naman maintindihan."
"Leila. Leila. Leila. Nagsasabi lang naman ako ng totoo. Kung natatamaan ka, umilag ka. Hindi yung puro ka dada ng mga bagay na wala namang katuturan at katotohanan. And also, why would I accept a defeat, if even in the first place, I am already a winner? Ang mga taong inggit laging pinapamukha sayo ang mga negatibong bagay samantalang sa kanila puro magaganda. Bakit Leila di ka muna tumingin sa salamin bago ka magsalita ng masama tungkol sa akin?" See! Nakahanap siya ng katapat niya. Si Girl Patama na ito!
BINABASA MO ANG
My Cryptic Secret Admirer (COMPLETED)
HumorKwento ito ni Casey Andrea Salvador. After her break-up with her boyfriend, mapupunta siya sa Oxford Academy. Marami siyang makikilalang mga totoong kaibigan at makikilala niya din ang mga lalaki na magbabago ng buhay niya. She meets a bad boy, a s...