Chapter 38
***************Shin Joshua Fuentabilles' P.O.V.
Another day sa Music Class namin. Nasa music room kami ngayon. Napasulyap ako at nakita si Casey na pina-pluck ang string ng gitara niya. Kitang-kita mo na masaya talaga siya. Kaya napangiti ako at saka pumunta sa Teacher namin para magpaalam. Siya kasi ang nagtuturo sa Music.
"Sir. Pwede po bang sa Rooftop na lang kami magkantahan ng kaibigan ko? Nahihiya po kasi ako. Magpapractice lang po muna ako."
"Okay, you may. Just get here on time." Sabi ni Sir. "At siyempre dapat music yang atupagin mo. Mamaya Mr. Fuentabilles panliligaw na yan ha. Babae ba ang kasama mo?" Dagdag niya pa.
"Yes Sir. Music lang." Music lang na may kasamang panliligaw. "Thank you!"
"Saang yes yun? Yung oo dahil manliligaw ka o yung oo dahil babae ang kasama mo?" Pwedeng both?
"Sir, wala po doon. Oo po na music lang yung aatupagin." Kahit hindi naman.
"Okay!"
Yes! Mukhang maso-solo ko na ata siya. "Casey!" Napalingon naman 'to sa paligid niya na para bang hinahanap ang tumatawag sa kanya. "Stupid Girl! Hoy!" Tinuro niya naman ang sarili niya. "Ako?"
"Oo ikaw nga. Magtataka ka pa kung ikaw. Eh ikaw lang naman ang may pangalan na ganun. At ikaw lang naman ang stupid diyan." At ikaw lang din naman ang Casey na stupid na mahal at nilalaman ng puso ko. Okay corny yun...
Tumayo naman siya at lumapit sa akin dala-dala yung pink niyang gitara. Ang weird niya! Hindi kasi siya girly manamit o kumilos pero 'pag dating sa gamit niya. Sobra! "Sorry naman! Di kita masyado marinig eh. Ang dami kayang nagpapatunog dito. Masyadong maingay. Bakit mo nga pala ako tinatawag?"
"Basta!" Sabi ko. Tapos, hinila ko siya. "Teka nga! Saan mo ba ako dadalhin ha?" Tanong niya. Napatigil tuloy ako at hinarap siya. "Pupunta tayo ng Rooftop doon tayo kakanta." Sagot ko dito.
"Bakit doon pa?" Para masolo kita.
"Eh kasi di ba maingay dito? Kaya ayun!" Palusot ko.
"Nagpaalam ka na ba kay Sir Valenciano o kay Miss Kris man lang?"
"Oo kay sir. At pumayag naman siya. Basta music lang ang aatupagin." Pero ang totoo naman niyan liligawan lang naman kita ng palihim at gusto ko lang naman marinig ang boses mo. Aish! Tama na nga 'tong iniisip ko. "Kaya halika ka na."
"Ha?"
"Sabi ko halikan na!" Sabi ko nang pasigaw at medyo mabilis. Dahil di na nga kami masyado magkarinigan dito.
"Ano kamo? Halikan na?" Nakakunot-noo niyang tanong.
Napasapo na lang ako ng ulo. "Sabi ko tara na! Punta na tayo. Kung ano-ano na naman ang naiisip mo." Sagot ko.
"Eh sa di ko marinig. Malay ko ba. Tara na!" Tapos naglakad na kami patungo sa pinakataas ng building. May elevator naman. Kaya di naman as in naglakad kami papunta doon.
Pagkadating doon, agad-agad na pumunta si Casey sa gitna. "Wow! Ang tahimik dito. Doon tayo!" wika niya sabay hila sa akin papuntang bench. Naupo naman kaming dalawa.
Pinwesto niya ang gitara sa harap niya at nagsimula na mag-strum.
(A/N: Kunwari gitara at babae muna yung kumakanta. Play niyo na lang po para masabayan niyo.)
(Mahal Kita Pero Di Mo Lang Alam - Rocksteddy)
Matagal ko nang gustong malaman mo
BINABASA MO ANG
My Cryptic Secret Admirer (COMPLETED)
HumorKwento ito ni Casey Andrea Salvador. After her break-up with her boyfriend, mapupunta siya sa Oxford Academy. Marami siyang makikilalang mga totoong kaibigan at makikilala niya din ang mga lalaki na magbabago ng buhay niya. She meets a bad boy, a s...