Casey Andrea Salvador's P.O.V."Kuya Sam, pakihatid na lang po muna si Shin ha. Thanks!" utos ko sa driver namin. Isinabay ko na kasi si Shin pauwi.
"Sige po, ma'am!" sabi niya.
Pagkaandar ng kotse, napansin kong biglang bumukas ang gate, kaya naman pumasok na ako.
Pagkapasok ko, agad na tumambad sa harap ko si Kuya Luke na may gulat na ekspresyon sa mukha.
"Totoo nga! How? Magkaayos kayo ni Shin?" Halata naman di ba? Alam kong sinampal ko siya dati. Kaya nga, di ko pa din alam kung bakit bigla nalang yun nawala sa isip niya. Ang weird din nung lalaking yun. May Amnesia. Pero ok na din. At least di niya maalala.
"Oo! Inaasar mo pa ako ha. Pero, sorry ka na lang kasi WA EPEK!!" sagot ko.
"Kahit na. Panget ka pa din." Pang-aasar niya.
"Wala akong paki! Mas panget ka pa din." Pang-aasar ko din pabalik.
"Ikaw ang mas panget. Mukha kang tae!"
"Ikaw mukhang asong ulol!"
"Mukhang palaka!"
"Mukhang tiyanak!"
"Mukhang taong grasa!"
"Mukhang bading!"
"Muk--"
"Hoy! Magsitigil nga kayong dalawa diyan! Kung magaaway kayo doon kayo sa face to face. Wag dito sa pamamahay ko. Bangayan pa kayo diyan gabing-gabi na. Magpapasaway pa kayo. Mukha ba akong si Tyang Amy ha?" pagtitigil sa amin ni Dad.
"Eh, dad yang anak niyo pong kamukha ni SHREK ang nauna." Sinamaan naman ako ni Kuya Lance ng tingin. "Di niya po kasi MATANGGAP na ka-close ko yung akala niyang bad boy na si Shin. Duh dad! Gusto niya akong pahirapan." saad ko.
"Wag mo ng pansinin yan. Pero, si Shin ba kamo? Magkasama kayo kanina?" Tumango naman ako. Paano ba naman si Dad yung reaksyon niya parang kinilig pa ata. "Really anak? Wow! I'm so happy for you. Sabi na nga ba at nasurprise ka kanina. Grabe! Boyfriend mo na yun kaagad. Ang bilis naman niyang dumamoves." What?! Sinong may boyfriend? Ako?!
"Huy dad! Di po noh! Magkaaway po talaga kami. Di ba po may kasabihang 'Keep your friends close but your enemies closer'? Kaya yun po ang ginagawa ko. Tsaka dad, yun! Magkakagusto po sa akin? Haha! Asa po kayo."
"Ay ganun! Pero anong asa asa ka diyan? Ang cute niyo kaya. Bigyan niyo na nga ako ng apo anak."
"Hahaha, tama si dad! Casey, singkwentang anak ha?" pang-aasar ni Kuya Luke. Wala ding magawa ang isang 'to noh.
"In your face! Ikaw kaya ang manganak? Pero teka nga, bakit kasi ganyan yung topic niyo? Isa pa, Anak kaagad wala pang asawa. Ano yun PBB teens? Landi agad bago aral. Hindi noh! Madami pa akong pangarap."
"Edi, pakasalan mo!" -Dad.
"Dad! Ang bad niyo po. Pinapamigay niyo na ako niyan eh. Pwes dad di pa ako ready noh. College pa lang po kaya ako dad. College!"
"Siyempre hindi! Hehe! Nagbibiro lang naman ako. Sige eto na lang si Luke. Ano musta na anak yung nililigawan mo? Sinagot ka na ba? Wag mong sabihin na di umepekto ang kagwapuhan at damoves ng mga Salvador."
"Teka, bakit ako naman ang naging topic niyo? Tss! Bahala kayo. Di ko yan sasagutin. Never dad!" sagot niya.
"Asus! Di ka lang sinasagot ni Ate Jasmine. Kasi, nasusuka na daw siya sa pagmumukha mo." pagsisingit ko.
"Heh! Shut up, little brat! Just wait and see." sabi niya. Pero, inirapan ko lang siya at saka ako pumasok sa loob ng mansion. Oh di ba? Ang taray ko noh!
BINABASA MO ANG
My Cryptic Secret Admirer (COMPLETED)
HumorKwento ito ni Casey Andrea Salvador. After her break-up with her boyfriend, mapupunta siya sa Oxford Academy. Marami siyang makikilalang mga totoong kaibigan at makikilala niya din ang mga lalaki na magbabago ng buhay niya. She meets a bad boy, a s...