Chapter 49
***************
Casey Andrea Salvador's P.O.V.
"Ikaw?! Sinusundan mo ba ako?" Parang luluwa yung bituka ko sa taong kaharap ko. Si Unggoy.
I give him a 'frown look'. "Hoy unggoy, sinundan kaagad? Hindi pa pwedeng coincidence muna? Tsaka, para sa kaalaman mo hindi mo ako stalker. At mabalik sa unang tanong," panimula ko at tinuro muli ang matanda sa harap namin. "Hahayaan mo lang ba na makita ang isang matanda na magdusa?" Hinihiling ko na lang na sana ang kaharap ko ngayon ay yung dating Kevin. Yung mabait at mapagbigay. Kasi kung hindi, hindi ko na talaga alam ang gagawin.
Bingay naman niya yung dyaryo sa akin. "Ayan! Itakip mo sa mukha mo yung dyaryo para di mo makita at ako naman, pipikit na lang ako dito para di ko din makita."
"Tao ka ba talaga?" Tanong ko. Di talaga ako makapaniwala. Pero siyempre di rin naman ako nagulat.
"Hindi. Ikaw rin nagsabi na unggoy ako." Walang reaksyon yung mukha niya. Di ko tuloy alam kung biro ba yun o talagang bwinibwisit ako ng lalaking ito.
"Tama! Hayop ka talaga. Sa english, Animal. Buti alam mo." Pero hindi na siya nagsalita, pumikit na lamang siya katulad ng sinabi niya. Binato ko naman sa kanya yung dyaryo pabalik at tiningnan muli yung matanda. Sa mukha niya, nakaramdam na naman ako ng awa, takot na takot talaga siya na para bang ngayon lang siya nakasakay ng tren. Sumigaw ako, "Lola! Lola!" Nakuha ko tuloy yung atensiyon niya.
"Umupo na ho kayo rito. Tatayo na lang po ako." Ngumiti naman ito nang malapad sa akin at dali-daling nakipagsiksikan at lumapit sa kinauupuan ko. Tumayo naman ako at pinaupo siya. "Salamat ija." Muli siyang ngumiti at tumango na lang ako.
Napakasaya lang ng pakiramdam na nakatulong ako sa iba. Humawak na lamang ako sa bakal na nakakabit sa tren para sa mga pasaherong nakatayo. Bumalanse na lamang ako. Ito ang pinakaunang pagkakataon na naranasan ko ang ganitong sitwasyon. Kadalasan kasi, nakakotse ako o kung sa tren man ay nakaupo.
Nakita ko na binuksan ni Kevin yung mga mata niya. At ilang sandali, nagkasalubungan yung mga mata namin. Inirapan ko ito sandali at tumingin sa ibang direksiyon. Pinakiramdaman ko na lamang yung mabilis na paggalaw ng tren.
Sa di katagalan, naramdaman ko ang pagkawala ng balanse ko. Sinubukan kong hawakan ng maiigi yung bakal ngunit huli na dahil naramdaman ko na babagsak na ako. Pero bago pa man tuluyang mangyari iyon, may biglang humawak sa akin para alalayan ako. Naramdaman ko na lang na inupo niya ako sa isang upuan. Tiningnan ko naman kung sino yun. "Kevin--" Tiningnan ko yung mga mata niya kanina. Nagalala ba siya? I just shake off that thought in my head. It's not even possible.....as far as I know.
Pero umaasa pa rin ako na sana nagalala nga siya. Siguro umaasa ako dahil mahal ko pa siya.
"Sige na nga. Umupo ka na diyan miss. Baka mahulog ka na naman sa akin..." Teka! Literal ba yun o ang ibig niyang sabihin eh mainlove ako sa kanya? "I mean.. baka sabihin mo naman na hindi ako gentleman." Tiningnan naman niya ako mata sa mata. "Wala man lang bang.....thank you?"
Magsasalita na sana ako ng di maganda sa kabila ng pagtulong niya kaya lang, "Tama siya. Naku! Naaalala ko tuloy yung first love ko." Napatingin tuloy ako kay lola na pinaupo ko tapos kay Kevin na ngayon ay pinipigilang tumawa at kay lola ulit. "Ganyang-ganyan din. Siya ang aking 'Light and Shining Armor.' Tagapagtanggol ko sa lahat ng bagay at trahedya. Kung sana ay hindi lang siya namatay ng maaga, siguro nandito siya ngayon, katabi ko upang tanggalin ang lahat ng kalungkutan ko. Alam mo ija? Bagay kayo. O kung hindi man ako nagkakamali ay kilala mo siya. Boyfriend mo ba siya ija?" Kung may kinakain lang ako ngayon, swear, nabulunan na ako.
BINABASA MO ANG
My Cryptic Secret Admirer (COMPLETED)
HumorKwento ito ni Casey Andrea Salvador. After her break-up with her boyfriend, mapupunta siya sa Oxford Academy. Marami siyang makikilalang mga totoong kaibigan at makikilala niya din ang mga lalaki na magbabago ng buhay niya. She meets a bad boy, a s...