Chapter 53
***************
Casey Andrea Salvador's P.O.V.
Nasa labas ako ng buliding ni ate. Nararamdaman ko yung malamig na panahon. Parang may matigas na yelo sa paligid ko na nagpapanatili sa aking malamig. Pero siyempre di pa rin katulad sa ibang bansa na super lamig na aakalain mo buhay na bangkay ka. Dito sa bansa, wag ka ng magtaka kung gaano katirik yung sikat ng araw na kahit alam mong padating na yung amihan eh papawisan ka pa rin sa sobrang init. Buti na nga lang medyo malamig at nabawas-bawasan na yung init.
Tapos naalala ko ulit. Christmas is fast approaching. Malapit na. Napapadalas nga yung mga pagsisimba namin. Isang magandang bagay kasi kasama ko palagi yung pamilya ko.
Lumapit ako sa isang Fortuner na nakapark sa tapat. Nagpaalam akong gamitin yung kotse ng kompanya para makita ko yung billboard na sinasabing gawa na. Siyempre ako naman ngayon ang laki-laki ng ngiti ko ngayon. Para akong nanalo sa lotto o kaya naman para akong sikat na artista.
Sumakay ako sa may driver's seat at kinuha yung susi mula sa maliit kong pouch. Nilagay ko yung pouch sa tabi ko at nilagay yung susi sa bukasan para makapunta na ako sa site.
*
Hininto ko yung sasakyan. Sobrang lapit ko na sa pupunta ko sa totoo lang. Kaya lang......
*growls *growls *growls
Para namang tigreng nakawala sa hawla itong tiyan ko. Sabagay, di pa ako nakakain sumula kaninang umaga. Medyo busy rin kasi.
Kaya naman wala akong ibang nagawa, kung hindi pumasok sa isang restaurant at mag-take out ng kahit isang hamburger man lang.
Lumabas ako sa may gilid ng tapat ng pinto ng restaurant. "Ang sarap sarap! Hay!! Ganito talaga 'pag gutom, lahat masarap." Dahil sa sobrang saya ko, naglakad-lakad ako kahit di ko naman kung saan ako pupunta. Kahit para akong lakwatserang negra na si Dora na palakad-lakad sa daan.
Tumigil lang ako nung mapunta ako sa isang lugar na 'dead-end' dahil sa wall na nakaharang. Kaya naman humarap ako sa dati kong pinanggalingan. Kaya lang... "Arrrfff!! Arrfff!! Grrrfff!!!!" Nice timing. Bakit aso pa? Huhuhu! Katupusan ko na. Sumisigaw na yung isip ko ng. 'Ahhhhh!!!!'
Lumapit siya sa akin. Yung mukha niya galit na galit. (Kapal! Di ko naman siya kilala tapos galit sa akin. Buti pa si scooby-doo. Mag-ala multo lang ako dito, takot na.) Parang gusto niya ako kainin ng buhay. Help me Lord!!
At sa natutunan ko, hindi ko siya tiningnan sa mata. Pero kinausap ko. "Doggie! Ia-aling donesia finger kita kapag di ka tumigil. Kalma ka doggie! Ang bait mo di ba?" Sigaw ko nang hindi pa rin tumitingin sa mata ng aso. Tumahol na naman ito. Tapos unti-unti akong umusod palapit pero palayo dito. Umusod rin naman ito. Kaya yung pwesto namin ay nagkapalit. Siya ngayon ang nandoon sa kanina kong pwesto.
Kung tatakbo ako, makakatakas ako pero may posibilidad na kagatin niya ako. Kung hindi naman, may posibilidad na mapaamo ko siya pero pwede rin namang kagatin niya pa rin ako. Do or die ba ito?
Somebody help!!!! Pero sabi nila, kaya daw ng aso na malaman kung takot ba tayo sa kanila. Kaya nagrelax lang ako. Huminga ako nang malalim. Pero alam ko na ang desisyon ko... "Doggie! Gusto mo ba ng burger ko? Masarap 'to. Mas masarap pa sa akin doggie. Fetch!!" Tapos binato ko yun sa likuran niya. Aw! Yung burger ko. Pero siyempre mas importante pa rin yung buhay ko noh. Nung makita kong kinuha niya yung burger at kinain, tumakbo ako. Pero ilang segundo lang, hinabol niya pa rin ako. Kung ako si Dora, sumigaw kaya ako ng 'Doggie, no swiping! Doggie, no swiping!'
At tingnan mo nga naman, nakatingin pa sa akin yung mga tao habang yung iba kung hindi ako vini-video eh tumatawa naman. Loko-loko! Ano ito lokohan? Kayo kaya magpakagat at magpahabol sa aso! Titingin lang sila. Para tuloy akong si Shomba na nagsasabing 'Watch me Die.' Yung mga tumatawa naman diyan parang ewan lang. Mukha silang pasyenteng kalalabas lang sa mental. Ginawang movie itong runaway ko. Ano? Gusto pa nila ng popcorn?
BINABASA MO ANG
My Cryptic Secret Admirer (COMPLETED)
HumorKwento ito ni Casey Andrea Salvador. After her break-up with her boyfriend, mapupunta siya sa Oxford Academy. Marami siyang makikilalang mga totoong kaibigan at makikilala niya din ang mga lalaki na magbabago ng buhay niya. She meets a bad boy, a s...