Secret Admirer- Boys are like a Headache

2.9K 70 0
                                    

*************************************************************************

Casey Andrea Salvador's P.O.V.

"Dali na! Mas masaya kapag ito. Para maiba."

"Ano ba! Ayoko nga kasi."

"Sige na! Promise mag-eenjoy ka." sabay hatak sa akin papunta sa loob. Okay na yung mga binabasa ko. Basta wag lang makakita.

Paano ba naman horror yung ipinapanood sa akin nung Drake na yun. Nakakatakot kaya. Kanina pa niya ako pinipilit. Nagtataka na nga ako ha. Sinundan kaya niya ako kanina or sadyang coincident lang. Whatever! Basta, kailangan ko makatakas dito. It's like a nightmare. One time here, noong kami ni Ken. Tandang-tanda ko pa nung napilitan ako to watch horror films with him. Sabi niya kasi, as long as he's there. Wag daw ako matatakot.

Kaya ngayon, hirap na hirap ako. Lahat na lang kasi naaalala ko. Pilit ko ngang kinakalimutan. Pero sa tuwing may gagawin ako na parte ng alaala niya, bumabalik sa akin ang nakaraan. Aaminin ko, mahal ko pa siya. Di ko siya nakakalimutan. Naiinis na nga ako sa sarili ko. Kasalanan ko bang maging simple? Wala naman masama doon at isa pa ang importante lang naman sa LOVE ay kung nagmamahalan kayo. Pero siya, iba. Pinagpalit niya ako dahil PANGIT AKO. Ang babaw niya. Nakakainis!

Mahirap matulog pero madaling bumangon. Parang LOVE, madali MAIN-LOVE pero mahirap MAG MOVE-ON. Kung pwede lang tanggalin ang isang parte ng memorya ko. Tanggalin na. Nakakabanas kasi. Ang hirap pala magmahal ng sobra, dahil umasa ka. Ang sakit lang. Akala ko kasi siya na. Yun pala hindi. Umasa lang talaga ako. I am really stupid. Darn!

Naniniwala na lang ako na may tao pang mas karapat-dapat para sa pagmamahal ko. Yung tipong di ako sasaktan at ako lang ang mamahalin. Yung tipong tanggap niya kung sino ako at ano ako sa lahat ng pagkakataon. Yung pagkakatiwalaan at aalagaan ako palagi. Yung makakaintindi at madadamayan ko sa lahat ng problema. In short, yung taong yun ay tunay na mahal ako bilang ako.

"May naaalala lang kasi ako."

"Huhulaan ko. Ex mo noh?" <.<

"Paano mo nalaman?" Grabe. Baka kaibigan pa niya itong si Nerdy Hunk o sadyang kamag-anak lang ni Madam Auring.

"Kaya nga hula di ba? Wag mo na yun isipin. Ganito na lang, let change those bitter memories of yours to happy memories. Okay? Promise, papasayahin kita." Papasayahin sa horror ha. Talaga lang! Di kaya matakot ako sa loob. Hay! Pabayaan na nga. Ginusto niya yan e.

"Thank you ha! Siguro nga tama ka at kailangan ko 'to. Siguraduhin mo lang talaga na happy kasi baka mamaya inis memories ang maalala ko. Edi, lumala pa!"

"Sure, trust me. Okay? Ako ata ang pinakamagaling na clown sa balat ng universe. Kahit horror pa yan." Di ikaw na.

"O sige na. Basta talaga pag ano....alam mo na. Uupakan kita at aagawin ko ang titulo mo. Sige ka, mahilig pa naman ako mangagaw."

"Buti alam mo." sabi niya. Ang sama talaga, walang kupas. Bakit lahat ng lalaki ngayon, puro ganyan? Sinu-sino nagpauso nun? Magpakita na kayo. Ang dami niyo kasing alam. Wala na tuloy Gentleman bones ang mga lalake.

"Che!"

"Maganda ka sana, kaso lang MASUNGIT. Aw! Sayang." Iba talaga. Isa na 'to sa style nila. Mga BOLERO! Akala naman niya naniwala ako. Di naman ako maganda. Iiwan ba ako kung OO.

Loko-loko talaga si Drake. Dito talaga ako pinaupo sa harap. Eh, kung may gumapang dito. Siya ang saya-saya pa habang pinapanood yung movie. Ako nga halos mapasigaw na sa takot, tapos siya pa-cool. Mga lalaki talaga.

^v^ - <.O'?

Drake - Casey

"Hahahahaha! Tingnan mo O. Muntanga lang yung multo. Hahaha! Lipad ng lipad. May pakpak?" Ano daw? Nababaliw na ata yung katabi ko. Di kaya nasapian na 'to? Hala! Or kailangan ko lang talagang tumawag ng mental hospital. Pati ako din magpapasama, kasi sa tingin ko MABABALIW na rin ako sa pinagsasabi ng lalaking 'to. Kanina pa kaya yan. Ang sakit sa tenga.

My Cryptic Secret Admirer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon