Chapter 58
**************
Ayana Lopez' P.O.V.
Nagsisigawan yung mga tao sa baba. Aba! Ano kayang meron? At bilang isang dakilang tsismosa ng bayan, agad kong hinila si Kim at si Jen na hinila rin ang kanyang boyfriend. Taray!
"Ahhhh!!!!" Rinig na rinig mo pa rin yung sigawan. Ayy! Nakakacurious. Bumaba na kaming apat.
Tapos nakita namin ang isang imported na kotse. Wow! Sino yan? "Huy. Andrei, isa ba yan sa mga kamag-anak niyo?"
"Hindi ah. Di ko alam kung kanino yan." Sagot niya. Anu be yen?
Nagdrift ito sa isang parking. Tapos lumabas ang isang lalaking nakasuot ng shades. Guess who? Shin my loves!! Oh gahd. Ang hot niya talaga. Sa sobrang gwapo niya. Parang pandikit na siya na yung mata ko sa kanya lang nakatingin. Sa kanya ba yan? Waittt...may babae.
May pinagbuksan siya. Isang babae. Nambabae na siya. Kokotongan ko talaga ang lalaking yun mamaya. Grrr! Dahan-dahan siyang bumaba. Tiningnan ko muna ang mataas niyang heels at dahan-dahan ko ring inangat ang mata ko sa mukha ng babae. "Andrea?" With matching hangin effect pa at pagsway ng buhok ang entrada niya.
Tinginan naman sila. Yung mga babae halata na insecure at yung mga lalaki naman, konting-konti na lang at lalabas na ang mga laway nila.
"Para akong sinasaksak ng isang killer. Bakit siya pa? Bakit yung boyfriend ko pa?"
"Gaga. Yana, hanggang pangarap mo lang yun. Tara! Di natin siya pwedeng kausapin. Mahahalata ng iba." Tumango na lang ako at pumasok.
Bakit Shin? Anong meron sa inyo?
"Kira, bagay sila noh. Balita ko kasi boyfriend yun ni Andrea. Ang swerte naman talaga ng guy. Isang sikat na model yung nakatuluyan niya." Tsismis ng isang babae. Sasabunutan ko 'to. Magkaibigan lang sila. PERIOD!
Niyakap naman ni Andrea (Iniisip kong hindi si Casey yan) si Shin. Tapos eto namang isa binuhat ang bag ni Andrea.
So anong plano niya kay Shin? Gawing utusan?? Tagabitbit? My gosh. Pero bilang isang propesyonal (kahit hindi) na artista, kunwari wala lang sa akin yun. Kahit ang totoo, unting-unting nababasag ang aking puso. Meganon! Ano yun, baso?
*
Casey Andrea Salvador's P.O.V.
"Shin, nakita mo ba si Kevin?" Tanong ko sa kanya. Papunta kami ngayon sa classroom. Gusto ko sanang makita sina Leila at Kevin.
"Hindi. Wag mo na nga siyang hanapin. Yan ang mahirap sayo. Tingin ka ng tingin sa iba kaya di mo napapansin na ang nagmamahal sayo katabi mo lang." Tiningnan ko si Shin kung seryoso ba siya. Ang weird pa rin ng ganitong setup. Boyfriend ko siya sa harap ng marami. At isa pa, pinagiisipan ko kung anong gagawin namin nang hindi nila iisipin na kunwari lang. Kasi di ko naman siya kayang halikan o siguro makipag-holding hands.
Pagkapasok ko, nakita ko si Andrei na nakatayo sa gitna ng classroom. Ngumiti siya sa akin. Tapos pumasok na kami ni Shin. "Everybody, meet Andrea Salvador. Andrea, meet everybody." Kung nobody lang sa kanila si Casey, hindi nila mahahalata. Siyempre, pwera na lang sa mga kaibigan ko. Hindi ko rin masasabi na nagsinungaling ako kasi yun naman talaga ang pangalan ko.
Perks of this? Mataas ang tingin nila sayo dahil isa kang mukha o modelo ng pinakasikat na shop for clothing. Kaya ibig sabihin, lahat ng atensyon ng tao ay halos nasa iyo. Gagalangin ka nila at kahahangaan. Hindi ka na rin maaapi.
Naupo ako sa dati kong inuupuan. Wala namang nagreklamo kasi siguro si Casey sa kanila ay matalino lang na puro aral lang ang alam. Kaya nga di ko muna sinuot yung salamin ko. Sa susunod na lang kapag medyo ligtas na.
BINABASA MO ANG
My Cryptic Secret Admirer (COMPLETED)
UmorismoKwento ito ni Casey Andrea Salvador. After her break-up with her boyfriend, mapupunta siya sa Oxford Academy. Marami siyang makikilalang mga totoong kaibigan at makikilala niya din ang mga lalaki na magbabago ng buhay niya. She meets a bad boy, a s...