Masaya yung chapter natin ngayon. Enjoy!!
Medyo ihuhuli ko muna yung main story. Ipapakilala ko muna yung mga characters. Next time na yung dramahan chu chu ha. Sa gitna ko na lang gagandahan. Tiisin niyo lang.
Casey Andrea Salvador's P.O.V.
Lakad lang ako ng lakad sa Campus. Free time namin ngayon hanggang uwian. May meeting kasi yung mga professors. Ang lungkot ngayon. Wala akong kasama. Paano ba naman. Snob ako ngayon kay kiss stealer. Tapos, tinanong pa ako kung bakit. Ano siya may amnesia? Wala na nga ang first kiss ko e. AHH!
Nang maramdaman kong may umakbay sa akin. Lumingon naman ako sa kanya.
"Loner ka ata ngayon!" Humakabang siya papalapit at nilapit ang mukha niya sa tenga ko.
"Or gusto mo para di ka mag-isa....tayo na lang?" Tinadyakan ko nga. Kanina pa kasi 'to. Kanina pang umaga ako sinasabihan ng kung anu-ano.
"Aray! Aray! Wooh! Black belter ka ba? Kasi...ang SAKIT!!!" Oo, kaya try mo lang bumanat ulit. Magiging double dead na baboy ka ngayon.
"Last ko na 'to talaga. Tae ka ba?" Yuck! Wala bang iba. Kadiri! Pweh!
"Hindi, bakit? Halata kasing tao ako."
"Ano ba yan? Panira lang!"
"Edi...bakit?"
"Kasi........mahal kita-e."
Dahil nga sa may gusto akong iwasan, kinausap ko na rin itong pesteng kindat ng kindat. Di naman daw siya manliligaw.
"Maiba tayo. Ano bang gusto mo sa babae, Drake?"
"Bakit?"
"Sira! Sagutin mo. Pero in three words."
Hinawakan niya yung baba niya na para talagang nagiisip. Alam kong hindi eh! "Simple lang!"
"Three words ba yun?" Three words nga kasi. Tsaka, bakit ko pa kasi tinanong in the first place?
"Di pa kasi ako tapos. Patapusin mo muna kasi, pwede? Ang gusto ko sa babae ay simple lang...........YUNG TULAD MO!" Tapus kumindat pa ito. Casey! Pigilan mo. Pigilan mo yan! Lahat na lang nahuhulog ka. Ano 'to man hole ang mga lalaki at nahuhulog ka Casey?
"Tss! Galing talaga mambola. Ikaw na! Ikaw na tito boy." Bigla naman 'tong tumawa.
"Ahihihihihi! Ikaw na!" Tito Boy?
"Bakla!"
"Kailangan ko pa bang ulit-ulitin? Sobrang gwapo ko para maging bakla. Umaapaw na nga. Di na ma-reach."
"Ahem! Di ikaw na. Ang feeler mo masyado. Pero, okay lang yan naiintindihan ko. Parehas tayong PANGET eh." nagshrug pa ako.
Tinaasan niya ako ng kilay. "Ms. Salvador, alam mo bang wala sa bokabularyo ko ang salitang panget. Gets mo? Tsaka, nandamay ka pa. Ikaw lang yun ano." Ang kapal talaga nito.
"Ah talaga! Edi Ugly! :P"
"Anong ugly ka diyan?" Tanong niya? See! Nagaral ba 'to? Ugly na nga lang. Yung kinder nga nasasagot 'to. Siya pa kaya.
Tumakbo ako bigla naman niya akong hinabol. Nang.....
"Casey!"
"Tara alis na tayo!" Hinila ko si Drake papalayo.
"Wait lang! Iniiwasan mo ba ako dahil sa nangyari kagabi?"
"May NANGYARI sa inyo?! At talagang sa harap ko pa ninyo sinabi. Konting hiya naman diyan." Grabe maka-react.
BINABASA MO ANG
My Cryptic Secret Admirer (COMPLETED)
HumorKwento ito ni Casey Andrea Salvador. After her break-up with her boyfriend, mapupunta siya sa Oxford Academy. Marami siyang makikilalang mga totoong kaibigan at makikilala niya din ang mga lalaki na magbabago ng buhay niya. She meets a bad boy, a s...