Abangan niyo. May bago akong character. Mga Chapter 16 siguro o 17.
Enjoy!
^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^
Casey Andrea Salvador's P.O.V.
"Hay! Salamat naman at tumila na ang ulan. Isa lang ang ibig sabihin niyan......" Nagkatinginan kami ni Kevin.
"UWIAN!!!" sabay naming sabi at nagapir kami. Isip bata lang!
"Kev, nagenjoy talaga ako dati. Naisip ko lang. Kung mag amusement park kaya tayo ulit. Ano?"
"Sure! Masosolo ko na bestfriend ko." sabi niya sabay akbay.
"Ganun? Kim, Jen, Ay....!"
"Sige na naman! Bonding time na rin natin 'to." Di kaya mahulog na talaga ako sayo ng tuluyan niyan? Pero, sige na nga. Bahala na si Dora.
"Oo na! Arte mo pa kasi."
"Tara!" Bigla niya akong hinila este kinaladkad papuntang sasakyan niya, dahil wala pa ako. Taghirap lang? Tsaka, ang sakit kaya nun. Kevin talaga. Gaya-gaya. Masyado naman akong idolo sa pagiging sadista.
*
"Diyan ka lang bibili lang ako ng makakain."
"Okay! Bilisan mo lang."
Mabuti na rin ito kasi sa makalawa na ang SATURDAY. Isama mo pa ang magaganap sa Sunday. Meaning magiging nanay ako for 2 consecutive days sa dalawang baby damulag na mga lalaki. Agh! Magiging losyang ako neto e.
Tumingin ako sa watch ko. Gabi na pala. Ang tagal na pala namin dito. Nahuhulog na tuloy ako sa kanya. Ang sweet kasi. LOL! Kinikilig na ako. Tama na! Napagiiwanan na si Andrei.
Bigla namang may nagsalita sa gitna ng pagiisip ko. Pagkalingon ko. Si Kevin lang pala.
"Ang lalim ata ng iniisip mo diyan." Oo malalim, kasing lalim ng pag-ibig ko sayo. Shet! Corny na.. (Tsaka, pagibig kaagad di ba pwedeng gusto muna?)
"Hindi naman. Namomroblema lang para sa makalawa."
"Oo nga pala. Well, Good luck na lang ulit sayo. Pero ikaw din... Baka nandoon yung destiny mo." Destiny ko? Di ba pwedeng ikaw na lang?
"Wala dun!" Kasi nandito siya at ikaw yun. Joke lang! "Mga maldito yung mga yun. Pero, wala yung palag sa akin."
"Halata nga. Sadista ka e!"
"Ah talaga? Gusto mo i-demo ko?"
"Wag! Thank you na lang. Kasi, nakarami na ako."
Naglakad-lakad kami hanggang sa makakita ako ng Bump Car.
"Kev, Bump Car tayo! Please?" With paawa effect pa yan.
"Ayos! Sige ba! Babanggain talaga kita." Ginagaya nga ako. Walang originality.
"Kaya nga, masaya 'to."
"Isip bata ka talaga."
"Nagsalita ang hindi. E, kanina lang pinapunta mo ako sa kid's section." Yung doon sa mga may balloon at slide. See? Sino kayang mas isip bata sa amin.
"Sumama ka naman."
"Kanino pa ba ako sasama, e ikaw yung kasama ko? So, malamang sasama ako SAYO." DUH!
"Magbump car na nga tayo. Magbabayad lang ako." Tumango na lang ako at pumila.
>>>>>>>>>>>>>
BINABASA MO ANG
My Cryptic Secret Admirer (COMPLETED)
HumorKwento ito ni Casey Andrea Salvador. After her break-up with her boyfriend, mapupunta siya sa Oxford Academy. Marami siyang makikilalang mga totoong kaibigan at makikilala niya din ang mga lalaki na magbabago ng buhay niya. She meets a bad boy, a s...