Chapter 37
***************Casey Andrea Salvador's P.O.V.
"Class, eto na talaga. Matutuloy na ngayon ang practice natin. So, please fall in line at pupunta na tayo sa Dance Hall." Saad ni Ms. Kris.
Eto na nga ba ang sinasabi ko. Ayan na! Ayokong sumayaw noh. Pero para sa grades. Aja!
Pumila na kami at pumunta sa Dance Hall. Sa katunayan, ngayon lang talaga ako nakapunta dito. Ang lawak ng sayawan niya. Parang yung mga hall sa prom. Ganun!
May pumunta naman sa gitna at kinuha ang microphone doon. "Hi I am Sir George and this is Shaleen. We are your Dance Instructor for today. Una, manonood muna kayo sa gagawin namin. Then later kanya-kanya muna tayo sa pagpa-practice ha. Maliwanag ba 'yon?"
"Yes Sir!" Sabay-sabay naming sagot.
"Good. So, magsta-start na kami ni Ate Shaleen." sabi niya. Nagposisyon naman silang dalawa sa gitna ng maliit na stage sa harapan. Bigla namang tumunog ang music at kasabay nun ang kanilang pagsayaw na dalawa.
So ganyan ang gagawin ko kay Kev? Ang tititigan siya? Di naman kaya matunaw siya. LoL! Ang sweet naman kasi masyado. Malilintikan na! Why him?
Pinagmasdan ko ang napakagraceful nilang sayaw hanggang sa ito ay matapos. Napakagaling! Sana ay masabi ko din yan sa aking sarili noh. "Ayan! Kung anong natandaan niyo sa sayaw namin ni Sir George ay yun ang gagawin niyo. So make spaces and be with your partner. Enjoy! Walang malisya 'to. Okay? Tandaan niyo sayaw lang 'to. Alam kong College na kayo. So sana naman walang mailang." Sabi naman ni Ate Shaleen. Pero ako? Ate nakakahiya promise! At walang mailang? Eh partner ko nga yung crush ko.
Pero kaya ko 'to. Tiwala lang! Tiwala lang! Sayaw lang yan. Walang malisya sabi nga ni ate. Sayaw lang talaga 'to. Practice kung saan siya ang partner mo. Kaya relax lang. Okay?
Ilang sandali lang, napansin kong naglakad na si Kevin papalapit sa akin. "Ready? Mukhang kinakabahan ka ata." Tama ka. Sobra! At take note, dahil sayo yun.
"Oo!" Inilagay niya naman ang mga kamay ko sa balikat niya tapos nilagay naman niya ang kamay niya sa baywang ko. At bigla niya akong inilapit sa kanya. Fudge! Kailangan ganito ka-close? Di pwedeng konting distance?
"Relax. Just move yout feet from side to side. Sundan mo lang ako. Move to the beat. Okay?" Tumango naman ako. Sinunod ko naman siya.
Napatingin naman ako bigla sa gilid ko at nakita si Shin at Ayana. Nagtatalo sila sa pwesto nila. "Kadiri talaga! Ayoko kayang humawak sa babaeng nagsulat ng pangalan ko sa panty niya." Wika ni Shin kasabay ng pamumula ng pisngi ni Ayana.
"Excuse me? Kadiri ka talaga. Bakit di ba pwede maging brand yun? Kaya Shut up ka na nga lang. Pwede? Nagkataon lang naman na yun yung nabili ko. Kaya again, stop being so feeler. Ang kapal kasi ng mukha mo daig pa ang encyclopedia, dictionary at kung anu-ano pa." sabi naman sa kanya ni Ayana.
"At may brand talaga ang pangalan na Shin sa mga panty ng babae ha. Tsaka, sa gwapo kong 'to. Magkakagusto sayo? Haha! Asa ka, Pathetic Girl!" Inirapan naman siya ni Ayana.
"Hoy Mr. Hangin. Tumigil ka nga sa kaka-panty mo. Pwede? Kalalake mong tao. Bakit gusto mo ba makita ang panty ko?"
"Ayaw!"
"Kaya Itikom mo na lang yang bibig mo na amoy kanal at magsimula na lang tayo. Kasi kung hindi mo ako titigilan, ibubudbod ko lahat ng libag ko sa paa sa bibig mo ha. Gets mo ba? O gusto mo ulitin ko pa?" Di na muling nagsalita si Shin at tinuloy na lang nila ang pagpa-practice. Haha! Natakot.
Napatingin naman ako kay Kevin. Nakangiti lang siya habang nakatingin din sa akin.
"Ang weird talaga ni Ayana pag nainlove." Biglang saad niya. Tumitingin din pala siya kanina sa kanila.
BINABASA MO ANG
My Cryptic Secret Admirer (COMPLETED)
HumorKwento ito ni Casey Andrea Salvador. After her break-up with her boyfriend, mapupunta siya sa Oxford Academy. Marami siyang makikilalang mga totoong kaibigan at makikilala niya din ang mga lalaki na magbabago ng buhay niya. She meets a bad boy, a s...