Secret Admirer- Remind me

2.4K 69 0
                                    

Next Chapter: 16 Abangan niyo doon yung Antagonist.

Support niyo po. Thanks!

==============================================================

Casey Andrea Salvador's P.O.V.

Gumagawa kami ni Andrei ng project. Gumawa daw ng report. By pair. So, Andrei and I are partners. Ang ewan pakinggan. Paano kaya kung partners kami sa love? Ang sweet! Pagpasensyahan niyo na mataas ang lipad ko. Kaya lang, False hope. Tama na nga ang pagda-daydream back to work.

"May Laptop ka?" tanong ko kay Andrei na nakaupo temporary sa tabi ko. Kaya nga partners di ba? Wala naman sigurong partners na magkalayo

"Oo, dala ko. Saglit lang. I'll just get it." Hinalungkat niya ang bag niya at kinuha ang laptop.

"Casey, yung sa company niyo na lang kaya. Doon tayo kumuha ng record. Pwede ba?" tanong niya. Pwede naman siguro.

"Tanong ko na lang kay Kuya Cyfer. Sa ngayon, sagutin muna natin yung mga questions dito." tumango siya at nilapit ang paper sa kanya.

Ang awkward mag brainstorm sa crush mo. Nakakailang! Lalo na kung ang cute ng partner mo. Sino ba kasi nagpapaclose sa akin sa mga gwapong lalaki na ito?

(A/N: Ako lang naman kasi!)

Napapadalas na tuloy ang pagba-blush ko. Siguro ang clingy ko talaga o sadyang malanding nerd lang. What a term! Pagpasensyahan si nerdy. Sa sobrang katalinuhan, ang daming alam.

"Are you blushing?" (-__-" ) Napansin niya yun? Nakakahiya! Pretend Casey, Pretend!

"Bakit naman?" Tinaasan ko siya ng kilay. Dagdag effect. Mamaya malaman niya. Nakakahiya talaga.

"Para kasing namumula yung cheeks mo." Gamitin ulit ang 'Palusot.com.ph' powers.

"Parang lang at isa pa talagang mapula yan. Rosy cheeks kaya ako." Napuri ko pa ang sarili ko. Pagbigyan at palusot lang naman.

"Ah, ganun ba? Ang cute mo naman. Sorry ha, akala ko..."

Bago pa niya matapos, ako na ang nagtapos ng salitang hindi niya pa natatapos dahil hindi niya natapos ang tatapusin niyang sasabihin, tapos. Ano daw? Sorry, di ko din maintindihan ang sarili ko. "Anong akala mo?" Hala! Pag nabuko talaga ako ipupukpok ko ang isang puno ng buko dito sa ulo ko. Ang sakit siguro sa bangs nun 'pag nanyari yun.

Andrei Gonzaga's P.O.V.

"Na crush mo din ako." I murmured. Nadulas pa. Wag mo sanang marinig.

"Ano? Volume kasi pakilakasan." Wew! Salamat naman. Muntik na.

"Ah, wala. Don't mind. Akala ko kasi naglalagay ka na ng blush-on." Yun na lang. Tama Andrei! Yun na lang talaga. "Let's start!"

"Saglit lang. Bumabagabag kasi ito sa isip ko. Wag kang magagalit ha?" Napatingin ako sa kanya. Napakaseryoso ata. "Girlfriend mo ba si Jen?"

"Pst....Hahahaha!" Di ko maiwasang tumawa sa tanong ni Casey. Is she Jealous? Wow! Pero, hindi rin. Tsaka, yung sabi niya imposible kasi di naman ako yung gusto ni Jen.

"Eh? Thank you ha! Sinagot mo ang tanong ko." Sarkastikong sabi niya. Sagutin na nga. Magtampo pa. Maturn-off sa akin.

"Hindi noh! May crush kaya yun."

"Sino?" Nag-shrug ako. Kasi, di ko naman talaga alam kung sino ang karibal ko.

"Malay ko. Ayaw niyang sabihin sa akin. Nahihiya daw kasi siya."

"Pwede ba yun? Eh, bestfriend ka niya."

"Oo pwede, katulad sa akin. May tinatago na siya. I wonder kung sino. May napapansin ka ba?"

My Cryptic Secret Admirer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon