Chapter 65
**************Casey Andrea Salvador's P.O.V.
"And....Cut! Perfect! Bagay talaga kayong dalawa." Komento ng direktor pero di pa rin kami kumakalas sa yakap namin.
May pride ako noh. Siya ang unang kumalas.
Napairap na lang ako nung tinanong niya ako. "Enjoying huh?" Nakangisi pa ito. Apektado na naman ako. Sobrang gwapo niya ngayon na para bang napakaswerte kong babae ngayon. Tapos ang tigas pa ng muscles niya. Minental batok ko tuloy yung sarili ko. Hibang na ako. Di ako lumalandi ha.
Kumalas ako. "Tss! URUR! Baka nga ikaw diyan. Hinihintay ko lang kasi baka di pa nago-off yung camera."
"Kung gusto, may paraan. Kung ayaw, maraming dahilan." Pagpaparinig niya sa akin. Oh balbuning matsing. Di ako desperada noh.
Hinila na naman ako. Ano? Feeling ko lang ha. Gusto niya talaga akong ikaladkad. Halata siya masyado. "See! Sinong nageenjoy diyan? Sino bang nakahawak sa kamay ko?" Nilapat naman niya yung hawak niya sa kamay ko sa wrist ko.
"Di pa rin. Sino diyang humahawak sa balat ko? Pero wag ka! Makinis yan. Derma papaya na nilagay sa bato ang pinangkiskis ko diyan na nilagyan ko pa ng lotion na may vitamin e at---" Tinapat niya yung daliri niya sa labi ko na para bang pinapatahimik ko.
"Di mo na kailangan gawin yun. Maganda ka naman lagi sa paningin ko."
"So sa iba hindi? Anong gusto mong sabihin ha?"
"That even your imperfect to somebody's eyes, still, you are always perfect and beautiful in my eyes." Nakakahiya naman. May nakarinig pa naman sa kanya. Sinasadya niya ito. Swear.
I smiled sheepishly. "Are you kind of...seducing me? Well, sorry ha. So so sorry. Wala kasi talagang epekto yan sa beauty ko. Ang ganda ko kaya!"
Hinila ko naman siya papunta sa walang tao. Nakatitig kasi sila sa amin na parang may something fishy. "Ano bang pinagsasabi mo? Totoo kaya yung mga sinasabi ko."
"Sabi nila, 'Truth hurts'. Eh bakit hindi naman ako nasasaktan?" Napa-face palm pa siya. So tanga ako, ganun? Bakit ba kasi nauso sa akin yang sabi sabi na yan? Kaloka.
"Sino ka ba talaga, Andrea?" Naku po! Maghanap ng palusot. Diyan ako magaling eh.
"Duh! Nasabi mo nga yung pangalan ko tapos tatanungin mo pa ako kung sino ako. Wag ka ngang ganyan. It's very obvious."
"You are really like her. Nung una kitang nakilala, ibang tao ka talaga. Pero ngayong nakakasama kita madalas at nagiging komportable na tayo sa isa't-isa, alam kong hindi ikaw ang pinapakita mo dati."
"Ano bang mga pinagsasabi mo Kevin?"
"Katulad mo siya! Kahawig mo siya! Sino ka ba talaga?!" Tumaas bigla yung tensiyon sa aming dalawa. Nagulat pa nga ako nung hinawakan niya ako sa dalawang braso nang mahigpit. Gusto niya talagang malamang yung totoo.
"You need to cool off Kevin." Nakakatakot siya na parang gusto ko siyang ilagay sa freezer para lumamig lang.
"It's very brief for us. But you are acting that you know me a lot. Why are you like her?! Why?" Napansin niya na napakalakas ang boses niya na tumatayo na yung balahibo ko sa sobrang kaba. "Sorry. You remind me of her. Di ko mapigilan yung sarili ko. Naiisip ko tuloy na iisa kayo." Siya na ang kusang lumayo.
What was that?
Hinabol ko siya. I have the urge inside myself to stop him. "Kung kailangan mo ng kausap, lagi mo naman akong pwedeng lapitan." Confused and Frustrated. Yun ang emosyon na ipinapakita niya sa mukha niya.
BINABASA MO ANG
My Cryptic Secret Admirer (COMPLETED)
HumorKwento ito ni Casey Andrea Salvador. After her break-up with her boyfriend, mapupunta siya sa Oxford Academy. Marami siyang makikilalang mga totoong kaibigan at makikilala niya din ang mga lalaki na magbabago ng buhay niya. She meets a bad boy, a s...