Umaga pa lang,uminit na agad ang ulo ko dahil sa isinumbong sa akin ni Maine.Hinalikan daw sya ni Erica.Hindi naman sa dahil type ko itong si Maine,pero may rules kasi ako na kapag ginalaw mo ang pag aari ko...May paglalagyan ka.Kaya naman agad akong sumugod sa klase nila Erica kahit na may teacher pang nagtuturo sa kanila.
"Damn you Erica! Pipiliin mo ang babanggain mo!Sinasabi ko sayo,may paglalagyan ka sa akin! - Sigaw ko sa kanya sabay hawak sa kwelyo ng uniform nya.
"Miss Lorenzo!Hindi mo ba nakikitang nagka klase kami dito? Bakit basta ka na lang susugod dito na akala mo lahat ng tao dito pwede mong bastusin na lang! -Prof. Mendoza
Hah!Wag kang makialam dito old witch!Wala akong pakialam sayo kung nagtuturo ka.Baka gusto mong pati ikaw idamay ko?
-lingon ko sa kanya."How dare you!Wag mong sabihing porke isa kayo sa may ari ng eskwelahan na to,basta mo na lang ako gaganyanin! Umalis ka dito ngayon na!-Prof Mendoza
"Well,Sayo na din nang galing.Isa sa may ari ng eskwelahan.Kaya kayang kaya kitang ipatanggal kapag hindi mo pa ko tinigilan dyan sa kakasatsat mo!- hinila ko si Erica sa labas ng classroom at saka sinuntok pag labas namin ng room.
"Gil!Wait lang naman! Bakit hindi mo muna ako hayaang magpaliwanag?Hindi ako ang humalik kay Maine,Sya ang humalik sa akin! She even ask me to have a date with her daw pero tumanggi ako.-Erica. Pinunasan yung labi nya dahil may dugo.Napalakas kasi ang pag suntok ko.
Ikaw ba naman kasi ang gisingin habang sarap na sarap kang nagsi syesta sa loob ng opisina ng school building."Wooow!So mean to say,Si Maine ang umakit sayo ganun ba? Pwes,sayong sayo na sya.Hindi ako pumapatol sa nalawayan na ng iba!Magsama kayo.Alam ko naman,inggit na inggit ka sa akin dahil lahat ng babaeng magaganda at sexy dito,nagkakandarapa sa akin.-nakangising sabi ko.Madami ng estudyanteng nakapalibot sa amin.
"Gil!Tama na yan.We need to attend the Monthly meeting.Kailangan na nating maghanda.Lets go!
-Grant.(Tita Loren and Tita Irenne's lesbian daughter)"Hurry up guys!Padating na silang lahat.Sa private chopper daw sila sasakay.We need to change.Ayusin mo yang mukha mo Gil. Lagot ka na naman sa daddy mo pag nagkataon! -Gold (Lesbian daughter of Tita Amber and Tita Lora)
"Wala na naman akong time makapag poker nyan!Bakit ba kelangan palaging mag meeting pa,Hindi naman mababawasan ang kayaman ng mga magulang natin kahit di tayo mag meeting ah! -habang nakasakay kami sa elevator paakyat sa room.
May limang palapag ang G.LORENZO UNIVERSITY.My popshie Gian owns it, habang
Co founder ang mga lolo at lola nila Gold at Grant (Popsie Glenn and Popie Gwen)kaya meron din silang tig isang kwarto sa building.Sila daddy Grae,Ninang Loren at Ninang Amber na mga daddy din nila ang mga bagong nagpapatakbo ng University na toh..Na balang araw,sa amin din namang tatlo mapupunta.Naghanap ako ng matinong maisusuot.Madalas kasing white shirt at pantalong maong ang suot ko kapag papasok.I even smoke,
Drink and gamble.Mabait pa nga ako kasi hindi ako nagdrugs.
Pasalamat sila.Kung hindi,baka isa na kong drug lord ngayon.Nagshower lang ako at saka nagsuot ng polo na kulay puti din. Saka ako nagsuot ng blazer para hindi naman masyadong plain ang dating.Magsisinelas lang sana ko kaso baka masermunan na naman ako ni daddy.Minabuti ko ng magsapatos at maglagay na din ng pabango.Napalingon ako sa salamin at saka ako napatingin sa family picture namin...Namiss ko bigla si mom. Pero matagal na kaming hindi nagkikita mula ng maghiwalay sila ni dad...At mula din ng araw ng paghihiwalay nila,Saka ako nagsimulang magbago at natutong magrebelde...At mula din ng araw na yun,KINAMUHIAN KO NA LAHAT NG MGA BABAE.Para sa akin,Wala silang karapatang MAHALIN.Dahil sa babae kaya nasira ang pagsasama nila mommy and daddy.At dahil din sa babae kaya HINDI KO KASAMA ngayon ang mommy ko.
Flashback:5 years ago.
"Anak,Wait lang tayo dito sa kotse ha.Isu supresa natin si Dad. Sigurado ako matutuwa sya sa cake na dala natin.-mommy.
Naka abang kami sa labas ng presinto kung saan naka duty si Dad."Mom,Hindi ba si Daddy na yun?Come on,lets give her this cake.
-Tinawag ko si dad from a far,binaba ko yung salamin ng kotse para marinig nya ang pagtawag ko."Daaaddddy!Were here! We have a surprise for you!-sigaw ko.
Pero hindi yata ako nadinig ni dad,Saka sya biglang nilapitan ng isa ding pulis na babae at bigla syang hinalikan."Anak,Lets go.Sa bahay na lang natin antayin ang daddy mo. Sa palagay ko may pupuntahan pa sya.-Mommy Annie.
Nakita kong pinahidan nya ang mga mata nyang may luha para di ko mahalatang umiiyak sya.Bigla akong bumaba ng sasakyan at saka ako lumapit kay daddy na halata namang nagulat pagkakita sa akin."Dad!Mommy is crying right now.May hinalikan kang iba at hindi sya.Sino ba yang kasama mo dad? -Napalingon si dad sa kotse
Agad nya akong inilayo sa babaeng humalik sa kanya.
"Anak!Bakit kayo andito?May trabaho pa si daddy,Mauna na kayong umuwi ng mommy okey.Sige na,bumalik kana sa kotse at umuwi na kayo.-Daddy. Ni hindi manlang nya nagawang lapitan si mommy sa kotse para magpaliwanag."Mommy,Dont cry na.Dont worry,Akong mag aalaga sayo.Lets go home.You need to rest.-Niyakap lang ako ni mommy tapos pinaandar na nya ang sasakyan namin pauwi ng alabang.
Dalawang araw na ang nakalipas,Saka lang dumating si dad sa house.Nadinig ko lang silang nagsisigawan ni mom sa kwarto.
"Hindi kana nahiya!Sa kalsada pa kayo nagpapakita ng halikan nyo ng malanding babae na yun!I hate you Grae! Hindi ko na kaya lahat ng ginagawa mo sa akin!- mom. Mula sa itaas ng kwarto nila,nadidinig ko ang pagsigaw ni mom.
"Annie,Pwede bang wag kang mag eskandalo.Dinig na ng buong bahay yang pagsigaw mo.Tumigil kana!-si dad.
"Papano ako titigil? Hindi na ikaw ang dating Grae na nakilala ko.Anung kasalanan ko sayo para ganituhin moko?Ang kapal ng mukha mo,pati sa anak mo,pinakikita mo pa yang kawalang hiyaan mo!- mom
"Sino ba naman kasi ang nagsabi sayong isama mo pa ang anak mo sa presinto?Naka duty ako,magdamag akong hindi pa natutulog tapos ganyan ang isasalubong mo sa akin?Annie naman!Dont be so Childish! -Daddy
"Ako pa ngayon ang Childish?Ako pa ngayon ang hindi ka Iniintindi?Ang galing mo din anoh?Pagkatapos ng lahat ng pagsasakripisyo ko para sa pamilyang toh,Kahit halos hindi mo na kami magawang uwian ng anak mo,Inuunawa pa din kita,Pagkatapos,IPAGPAPALIT mo lang ako sa babaeng yun?
-mommy"E di lumabas din ang totoo,Nagsasawa kana sa kakahintay sa akin.Na hindi totoong naiintindihan mo ang trabaho ko...Na nagtitiis ka lang sa akin kahit ang totoo,gusto mo na kong iwan! Then go....Umalis ka pero IWANAN MO SA AKIN ANG ANAK KO!
-daddy"Aalis talaga ako!Magsama kayo ng babae mo!Babalikan ko ang anak ko,At ipapakita ko sayo na nagkamali ka na ipagpalit ako sa MALANDING BABAE NA YUN!- Mommy.
Kahit anong gawin kong pagkapit kay mommy,Hinihila ako ni Daddy papalayo sa kanya.Gustuhin ko mang sumama kay mommy,Ano naman ang magagawa ko kundi umiyak na lang habang tinatanaw ang pag alis ng pinakamamahal kong nanay...
BINABASA MO ANG
"KUNG IKAW AY ISANG PANAGINIP " (THE LAST DESCENDANT OF LORENZO'S)
RomanceSa unang tingin,hindi mo aakalaing galing sa mayamang angkan si GIL.Sanggano,brusko at arogante.Yan ang pagkakakilala sa kanya ng lahat.Hindi mo din sya makikitaan ng sensyales ng pagiging babae,Sa buhok,itsura,pananamit at kilos...Lalaki syang tign...