42.Gillianne

999 38 0
                                    

Sikretong lagusan patungo sa burol,Micro chips at password na kailangang mahanap at mapagtagpo tagpo.Bakit ba ganun na lang kahiwaga ang kaugnayan ng mga MARIANO at LORENZO sa isat isa?
At bakit palagi na lang kaming pinagtatagpo ng babaeng ito sa mga hindi kanais nais na sitwasyon?

"Mabuti pala at nakalabas ka ng hawla ngayon,paniguradong pinaghahanap kana nila Mikay ngayon nyan.Matagal tagal ka na ding nawawala sa paningin nya_AKO.Inaya ko na muna syang pumasok sa Mansyon para makapag pahinga at makapagrelax.

"Sinadya ko talagang maglakad lakad pansamantala para makalanghap ng sariwang hangin.Kahit alam ko na sa pagbabalik ko,kagagalitan ako ng amo ko._Leli.

"Bakit hindi mo subukang magsumbong sa mga pulis tungkol sa sitwasyon mo,May hawak ba si Mariano na myembro ng pamilya mo kaya hindi ka maka alis alis sa poder nila?_AKO.

"Hindi!Walang ganun...Sadya lang talaga sigurong ganito na ang kapalaran ko pati nila Moana at Sunny kaya hindi kami makaka alis bilang mga tauhan ng pamilya ni Mariano._Leli.Napansin ko ang lungkot sa mga mata nya.
Saka ko sya napagmasdan ng maigi habang naglilibot ang mga mata nya sa pagtingin sa kabuuan ng bahay.Maganda at maamo ang kanyang mukha.Para syang bida sa isang teleserye dahil sa maningning pero mapungay na mga mata na bumagay sa maliit nyang mukha.Matangos ang ilong at pantay pantay ang mapuputi nyang ipin.Makipot ang labi at mapula kahit walang bahid na anu mang kolorete sa kanyang mukha.

"Gusto mo bang ihatid na kita pauwi sa hotel nila Mariano?_AKO.

"Hindi wag na.Hindi ba pinagbawalan ka ng pumunta duon.At isa pa,ayokong malaman ni Mikay na nagkita at nag usap tayo.Baka kung ano pa ang isipin nya.Aalis na din ako agad.Salamat ulit sa lahat._Leli.Saka sya tumayo na at nauna ng lumakad palabas ng pinto.

"Ikaw ang bahala.Ihahatid na lang kita sa labas.Malayo layo din ang gate palabas dito sa mansyon.Ipinatawag na din kita ng taxi,baka nasa labas na yun o paparating na._AKO.

May kalayuan ang gate mula sa mansyon kaya gumamit ako ng motor para maihatid sya palabas.

"Kumapit ka lang.Wag kang mag alala,hindi ko iisiping nananching ka lang sa akin.hahahha._AKO.Pero sa totoo lang,bakit para akong kinuryente sa paglapit ng bahagya ng mga katawan namin.

"Ayos lang ako,malapit lang naman ang gate palabas kaya kahit di kita kapitan hindi naman ako malalaglag basta basta._Leli.

"Parang ngayon lang yata tayo nagkita na hindi nagbangayan noh? Mas okey pala kapag walang tao na nakakakita sayo,hindi ka nagsusunget.
Hahahah._AKO.

"Hindi naman ako talaga masunget,malakas ka lang kasi mang asar kaya nakakapikon ka madalas.Sige aalis na ako.Maraming salamat sa lahat.
_Leli.At saka sya agad sumakay ng taxi na kanina pa nag aantay.

Pagbalik ko ng mansyon,Agad akong bumaba sa underground.
Bigla kong naalala yung singsing na hugis bituin na nakita ko sa mga alahas na nakatago sa vault ni momshie.Agad ko syang hinanap dahil parang bigla akong kinabahan at kinutuban.Pero laking pagtataka ko ng hindi ko na sya ulit makita.May kumuha ba ng singsing?Pero sino naman ang kukuha nun samantalang ako lang ang nakapansin ng kakaibang hugis ng singsing na yun.Agad akong nagpasya na umuwi ng LOBISA.
Simula ng maging okey na kami nila mommy,Hindi na din palagiang bumisita sa L.A sila momshie at Popshie.Madalas na silang nasa Lobisa na lang mag asawa.

"Hello Momshie,Sup Popshie?How was your day?_AKO.then sabay ko silang inakbayan sa likod at salitang hinalikan sa pisngi.
Kailangang hindi ako magpahalata na yung singsing ang pakay ko.Baka kasi bigla silang magtaka at ma curious,hindi pa ako sigurado sa naiisip ko.

"We're okey honey.Kauuwi lang nila Sam and Lori kaya halos kakatapos lang naming magchikahan.Alam mo na ang mga oldies,kwentuhan lang masaya na.hahahah._Momshie Bi.

"Kaya nga ako naman itong naririndi sa kadaldalan ng mga yan.Wala kasi sila Glenn at Gwen kaya wala akong nagawa kundi maupo lang habang panay ang daldalan nilang magkakaibigan._Popshie.

"Hahahaha.Kawawa ka naman pala Pops.Sana tinawagan moko para may nakabonding ka.Nasa Alabang lang ako maghapon eh!_AKO.

"Naku,alam ko naman na hindi ka nag eenjoy sa usapang matatanda.Kahit nga ang daddy mo,kapag magkakausap kami nila Gwen at Glenn nuon ayaw na ayaw nyang nakikinig._Popshie.

"Ano namang usapang pang matanda yun?Hoy Gianna Lorenzo,hindi pa kami matatanda anoh!_Momshie.

"Naku sya,hindi na kung hindi.Sya nga pala Gillianne,Nagkausap na ba kayo ng daddy mo?Ibinilin ko sa kanya yung mga kailangan mong pirmahan pati sila Gold at Grant.May ilan na akong naipasok na sponsors para sa foundation nyo,at malalaki na din ang mga pledges na ipinaabot nila._Popshie.

"Really Pops?Thats great!The best ka talaga Popshie.Dont worry po,bukas na bukas dadaan ako sa headquarters ng daddy para pumirma._AKO.

"Oh,no need to do that darling!Sa University kana dumiretso.Remember, its our monthly meeting tomorrow kaya dun na natin pag uusapan ang lahat.Tungkol din dun sa mga wishes nyo,gusto na din naming malaman kung ano yun para mapaghandaan._Popshie.

"Dyan ako kinakabahan sa "Wishes" na yan eh!Kayo talagang mga lolo ang pasimuno sa kalokohan na yan.Kapag napahamak ang mga apo namin,humanda kayo._Momshie.

"Pabayaan mo na,Matatanda na kami.At ang mga anak naman namin,established na din at may mga napatunayan na.Mga apo naman ang gusto naming mapagbigyan.Kaya Gil,apo.Pag isipan mo maige ang kahilingan na gusto mong matupad,Asahan mong GAGAWIN ko ang lahat para matupad yang hiling na gusto mo._Popshie.

"Thanks Pops!Actually,sa dami ng mga bagay na meron na ako,feeling ko sobra sobra ng blessing ito para sa isang kagaya ko na papatapos pa lang ng pag aaral..hopefully.hehehhe.Wala akong particular na bagay na gusto ko pang hilingin sana pero since nakasalalay ang kahihiyan naming tatlo nila Gold at Grant sa pagsasayaw,sympre dapat deserve ko din yung wish na hihilingin ko...hehehhe._AKO.

"Naku honey,Wag naman sanang hilingin mong mag asawa agad ha.Ayoko pang magka apo sa tuhod.Wag na muna.I enjoy mo muna ang buhay single._Momshie.Na niyakap ako at hinalik halikan sa mukha na parang baby.

"Hahahah.Mukhang malayo pang mangyari yun Momshie.Wala pa nga akong natitipuhan sa ngayon eh!_AKO.Pero agad namang pumasok sa isip ko ang mukha ni Leli habang nakangiti sa akin.

"Gillianne,hindi mo naman kailangang mag asawa kaagad.Pero hindi ba mas maganda kung may inspirasyon ka man lang sana sa buhay?
Hindi kami natutuwa ng momshie mo kapag nababalitaan naming naglalagi ka sa mga sugalan at mga bar ng dis oras ng gabi at madalas nakikipag basag ulo.Pero dahil sa mahal ka namin,Inuunawa namin ang kalagayan mo.Sana lang,bawas bawasan mo na ang pakikipag away.
_Popshie.

"Pero Pops hindi naman sa akin palagi nagsisimula ang gulo.Madalas na iginaganti ko lang yung mga naagrabyado.Anyways,Sorry sa mga troubles na dinadala ko sa family natin.Basta Popshie,as much as kaya kong hindi makialam sa mga nangangailangan ng help ko,pipigilan ko ang sarili kong makisali sa mga gulo.Okey na bang promise yun?_AKO.

"Ano pa nga bang masasabi ko kundi sana nga.Basta Gillianne,wag na wag mo lang masyadong ini spoiled yung mga taong malalapit sayo na nananamantala lang at hindi naman talaga totoo ang pinapakita sayo.
Hindi masamang magtiwala at tumulong sa kapwa,basta siguraduhin mo lang na hindi ka mapapahamak.Dahil kapag nangyari yun,Ako ang makalaban nila._Popshie.

"I know that Pops.And Im so thankful na kayo ang naging grannie ko.Sobrang blessed ako for having you both pati na din sila mom and dad.
Sana lang dumating na din yung araw na makumpleto na talaga tayong pamilya at magkasama sama.Iloveyou both,Momshie and Popshie._AKO

"KUNG IKAW AY ISANG PANAGINIP " (THE LAST DESCENDANT OF LORENZO'S)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon