"Saan kaba nanggaling Leli,Alam mo bang kanina kapa pinaghahanap ng mga tauhan nila Mikay?_Sunny.Na agad akong sinalubong pagkababa ko ng taxi dito sa entrance ng hotel.
"Nagpahangin lang at naglakad lakad.Hindi naman ako masyadong matagal naka wala ah.Sandaling oras lang._Ako.Sa kalamadong tono.
"Baka nakakalimutan mo na hindi tayo mga bisita dito para mamasyal ka.
Mga alipin tayo dito kaya wala tayong karapatang magpagala gala basta basta._Sunny."Bakit ikaw din naman nuon nakaka alis ka kasama ng ex boyfriend mo hindi ba?Minsan nga nakakapag shopping kapa kasama ng mommy ni Gold.Sandaling oras lang ako nawala,hindi naman isang araw._AkO.
Naisip ko kasi,na kapag nagkatotoong kawak na ni Miggs Mariano ang nanay ko,hindi na ko lalo makaka alis sa poder nila.Habambubay na talaga akong magiging sunud sunuran sa lahat ng pag uutos nila.Sinasamantala ko lang.
"At kelan kapa nag isip ng ganyan sa akin ha Leli?Si Moana lang ang alam kong nagtatampo sa akin kapag nakikipag date ako nuon,tapos sa loob loob mo din pala ganyan ang naiisip mo sa akin._Sunny.Nasa loob na kami ng elevator paakyat sa room ni Mikay.
"Mauna kana sa room natin.Ako na ang bahalang magpaliwanag kay Mikay.Matulog kana din.Alam kong napagod ka sa pagrelyebo sa akin sa pagbabantay._AKO.
"Mag uusap pa tayo mamaya Leli.Alam kong may dahilan yang mga hugot mo.Wag mong solohin kung may problema ka,Pare pareho tayo dito ng sitwasyon kaya dapat wala tayong lihiman sa isat isa._Sunny.
Bahagya akong napayuko sa sinabi ni Sunny.Guilty ako sa bahaging yun dahil kalahati lang ang katotohanang alam nila tungkol sa akin at sa misyon ko.Matapos akong pagbuksan ng pintuan ni Mikay,Agad akong pumasok sa loob ng room nya.Di hamak na triple ang laki ng room nya sa isang karaniwang room na meron sa hotel na ito.Mula sa sala,kusina at maging sa kwarto at wardrobe nakakalula ang mga bagay at halaga ng mga kasangkapang nakapaligid sa kanya.
"Sinabi ni Daddy na sandali lang daw kayong dalawa nakapag usap pero bakit natagalan ka bago nakabalik dito sa hotel?_Mikay. Nakaupo kaming magkatapat sa sofa sa pinaka sala ng room nya.
"Boss,pasensya na.Naisipan ko kasing maglakad lakad muna pagka alis ko sa mansyon nyo,kaya lang huli na ng mapansin kong naligaw na pala ko sa kalalakad._AKO.Nakayuko pa din.Baka kasi mahuli nya na nagsisinungaling ako.
"Nagtataka lang ako kung bakit mas pinili mong maglakad lakad sa layo ng pinuntahan mo.Hindi bat may kanya kanyang restday naman kayong tatlo para makapamsyal?_Mikay.
"Meron nga po boss,Hindi ko talaga sinasadyang maligaw ako.Alam nyo naman kapag sanay kang palaging naka kotse,hindi mo kaagad napapansin na sa ibang ruta ka na pala napapapunta.Pasensya na talaga boss._AKO.
"Hindi kaya may iba kang kasama kaya natagalan ka bago nakauwi?May dini date kaba?Umamin ka?_Mikay.
"Naku boss wala po!Sa sitwasyon ko ba namang ganito,maiisip ko pang makipag nobyo.Hindi ko pa po naiiisip yan ngayon.O baka kahit pa sa mga darating na panahon._Ako.
"Well,hindi ko naman kayo pinagbabawalan tungkol sa personal nyong buhay kagaya ng pakikipag nobyo.Wag lang dun sa kagaya ni Gold.
Kaya against ako sa relasyon nila dahil alam naman nating kaaway na mortal ng pamilya ko ang pamilya nila Gillianne na kaibigan naman ni Gold.Sa iba na lang sya ma inlove wag na lang sa may kaugnayan sa mga LORENZO._Mikay."Naiintindihan ko po boss.Pati na din po si Sunny ay ganun din po ang iniisip.Pasensya na po talaga.Pero totoo pong naligaw lang ako at walang ibang pinuntahan maliban sa malayong paglalakad._AKO.
May tinawagan muna sa telepono si Mikay at saka ako pina alis.Sigurado akong pinasundan nya ako sa mga tauhan nila.Kung si Mariano nga ang nagpagawa ng lagusan na yun na nagdudugtong sa bahay ng mga Lorenzo malamang alam na ni Miggs na nagkausap kami ni Gillianne Lorenzo kanina.
"Anong nangyari,Pinagalitan kaba ni Mikay?Sinaktan kaba o sinigaw sigawan?_Moana.Na halatang nag aalala pagkakita sa akin pagpasok.
"Okey lang ako.Wala naman syang masamang sinabi maliban sa pagkakabanggit sa relasyon nila Gold at Sunny nuon._AKO.
"ANO?At bakit naman pati ako nadamay sa galit nya sayo ha?_Sunny.
"Tinanong nya kasi sa akin kung baka kaya daw ako matagal na nawala ay dahil may kadate ako.Okey lang naman daw na makipag relasyon tayo basta wag lang daw sa may malaking kaugnayan sa mga Mariano._AKO.
"Bakit ba sila nakikialam pati sa lovelife natin.Sila ba ang magpapakasal?
Bwisit na buhay naman talaga,Habambuhay ka na ngang alipin,pati ba naman sa mamahalin mo sila pa din ang magpapasya para sa atin.
Mga hayup talaga sila!_Sunny."Sunny kumalma ka nga.Baka madinig ka ng mga tauhan nila at isumbong tayo kay Mikay._Ako.
"Wala akong pakialam!Mas mabuti pa ngang mamatay na lang ako para matapos na ang paghihirap ko.Nagpapa alipin ako sa kanila,pero wala naman akong kalayaan.Wala din akong pamilyang matatakbuhan. Kung anu man sana yung pagkakautang ng pamilya natin nuon sa kanila wag namang pati tayo ang ipambayad sana!Bwisit na buhay naman talaga oh!_Sunny.
Na napaiyak nalang sa sobrang sama ng loob.Alam ko hanggang ngayon,iniinda nya pa din ang sakit nag paghihiwalay nila ni Gold kaya ganun na lang ang galit na nadarama nya."Sunny tama na yan.Wala naman tayong choice kundi magpakatatag eh. Mas maige na nga ang lagay natin ngayon kaysa dati.Magtiwala lang tayo at makakalaya din tayo dito._Moana.Pinakakalma nya lang si Sunny na sige pa din sa pag iyak.
Gusto ko sanag sabihin sa kanila yung napag usapan namin ni Senador tungkol sa pamilya nila.Pero hanggat hindi pa kami nakakapag usap ni Sir Grae,hindi ko na muna yun ipaaalam sa kanila.Ayoko silang masaktan at umasa.Sampung taon silang nagdurusa sa kamay ng mga taong walang ibang iniisip kundi ang sariling pamilya lang nila.May buhay din kami, may karapatan din kaming maging malaya,pero dahil sa pagiging mahirap ng mga pamilya namin...Nanatili kaming alipin sa mga taong NASA MAY MATAAS NA POSISYON AT NAKATAGO SA PAGBABALAT KAYO.
"Ang mabuti pa,magsipahinga na tayo.Sunny,alam kong galit ka.Pero tama si Moana,kailangan nating magpaka tatag.Laban lang.Wag tayong sumuko.
Malalagpasan din natin tong lahat.Hindi pa naman huli ang lahat._AKO.At nag kanya kanya na kaming higa sa kanya kanya naming mga kama.
Mas pinili naming magsama sama na lang sa iisang kwarto pero magkakahiwalay ang kama.Mas okey na yung nagkikita kami at nagkakausap palagi kaysa sa magkakaibang kwarto.Mas nararamdaman naming magkakasama talaga kami kapag sa iisang room lang kami magkakasama.Sa isa pang kwarto naman namin inilagay ang mga gamit namin at mga damit.May sarili din kaming maliit na kusina at sala.Nakahiga na ako ng maalala ko si Gillianne Lorenzo.Sa tinagal tagal na palagi kaming nagkikita at nagtatagpo,kanina ko lang sya mas nakilala.Hindi pala sya ganun ka spoiled brat gaya ng nadidinig ko sa ibang tao patungkol sa kanya.Siguro nga madalas syang namimisinterpret na arogante at mayabang dahil sa madalas nyang mapatrobol.Pero kanina,Isang masayahing Gillianne ang nakaharap ko.
Hindi ko maipaliwanag kung bakit sa twing magdidikit kami at nalalapit sa isat isa,may kakaibang kilabot akong nararamdaman.
BINABASA MO ANG
"KUNG IKAW AY ISANG PANAGINIP " (THE LAST DESCENDANT OF LORENZO'S)
RomanceSa unang tingin,hindi mo aakalaing galing sa mayamang angkan si GIL.Sanggano,brusko at arogante.Yan ang pagkakakilala sa kanya ng lahat.Hindi mo din sya makikitaan ng sensyales ng pagiging babae,Sa buhok,itsura,pananamit at kilos...Lalaki syang tign...