85.GILLIANNE

865 35 3
                                    

After kong makapili ng maisusuot sa ball,Si Leli naman ang pina assist ko para magsukat ng damit na isusuot nya.Habang nakaupo lang ako dun sa couch at nagche check ng email ko sa ipad na gamit ko.

Napaangat ako ng ulo ng tawagin ako ni Sophie.Hindi ako nakapag salita ng makita ko si Leli habang nakasuot ng gown.Para syang Prinsesa sa itsura nya considering na wala pa syang make up ng mga oras na yun.

"Boss Gillianne,What can you say about her,diba bagay na bagay sa kanya ang gown?Para syang model talaga nitong creation ko hindi ba?_Sophie.
Gay fashion designer sya na pinsan ni ninong Amber.Isa ito sa mga boutique nila Gold.

"Uhmmm,Maganda nga sya Miss Sophie.Bagay na bagay sa kanya.
Sige yan na ang kukunin namin._AKO.

"Pero Gil,i mean Boss Gil naman,ang mahal mahal naman nitong gown.Meron naman akong mahihiramang gown kaya kahit di mo na ko kailangang bilhan._Leli.

"Hahahha.Naku iha,Kapag naisukat na dito hindi na pwedeng ibalik. At saka hindi naman papayag yang si Gil na pagsuotin ka lang ng hiram, dapat designer clothes talaga.Wag ka ng mahiya dyan sa jowa mo kasi deserve mo naman ng mamahalin dahil ang ganda ganda mo!_Sophie.
Npansin ko naman ang pamumula ng pisngi ni Leli pagkasabi ni Sophie na jowa ko sya.

"Naku,nagkakamali po kayo.Hindi po ako jowa ni Boss Gil.Bodyguard nya po ako._Leli.

"Really?Hindi ba kayo magjowa nito Gillianne?Aba,bakit naman hindi pa
Wag mo ng pakawalan to,sige ka baka maunahan kapa ng iba.Ang ganda ganda nito at ang amo ng mukha.Bagay na bagay kayo Gillianne!_Sophie

"Hahahah.Bodyguard ko nga yang si Leli Tita Sophie.Ikaw talaga,lahat naman ng makita mong kasama ko sinasabi mo bagay sa akin eh._AKO

"Ofcourse not!Yung mga nakikita kong kasama mo nuon sinabihan ko lang na bagay kayo para bumili sa boutique ko,pero etong si Leli,kakaiba sa lahat.Napakagandang babae na,mukha pang anghel.Tahimik lang at simpleng babae.Hindi kagaya nung mga nakikita kong idini date mo,mga harot na,mga retokada beauty pa._Sophie.

"Hahahha.Kaya nga mga hindi tumatagal kasi puro fake pala.Anyways, pakidala na lang sa kotse yung gown tapos yung sa akin paki padala nalang sa hotel.We have to go na,may pupuntahan pa kami._AKO.

"Sure darlin!Ako na ang bahala sa suit mo.Paki kamusta na lang ako sa pamangkin kong gwapo din like you._Sophie.Si Gold ang tinutukoy nya.

"Makakarating Madam!Salamat din._AKO.Sabay kindat sa kanya.Kumaway din ako sa mga tauhan nya habang papalabas kami ni Leli sa boutique.

"Boss,Ako na po ang magda drive.Para naman hindi kayo masyadong mapagod._Leli.Na papunta na sana sa driver seat pero pinigilan ko.

"Sumakay ka nalang at ako na ang bahala.Hindi naman ako pagod kaya okey lang na ako ang magdrive.Maghanda ka at may pupuntahan pa tayo.
_Ako.Napatingin ako sa sapatos na suot nya,sapatos na goma ang suot suot nya.Napaka simpleng babae.
Bumaba kami sa isang sikat na mall at saka kami pumasok sa loob.
Actually,hindi ako personal na namimili ng mga pangangailangan ko lalo na sa mga damit na isusuot dahil may naka assign si Mom na taga pamili ko at taga pamahala ng mga order mula sa ibang bansa.Basta may bagong labas na damit mula sa brand na paborito ko,ipinapa order ko lang yun at darating nalang.

"Boss Gil,bakit andito tayo sa mga sapatusang pambabae?_Leli.

"Sympre bibili tayo ng sapatos mo.Alangan namang naka gown ka tapos naka rubber shoes ka?hahaha.Mamili kana dyan ha.dito lang ako._AKO.Naupo lang ako dun sa upuan nila habang inaassist si Leli nung saleslady.Sa malayo ko lang malayang napagmamasdan si Leli,Hindi sa malapitan at hindi sa nakikita nya.Ewan ko ba,bakit kahit alam ko namang gusto ko sya,natatakot akong sabihin ang nararamdaman ko...Dahil siguro sa trauma ng pamilya ko.Yung paghihiwalay nila mom and dad.

"Sir,Ito na daw po ang gusto ni Mam.Pero i suggest na mas bagay po kasi sa kanya itong isa dahil bukod sa matibay na,ito din po ang pinaka bagong labas naming item._Saleslady.

"Kukunin ko na lang yang dalawa miss para sure na.Here's my card.
Pakisabi sa manager mo,bigyan ako ng discount ha._Ako.Ex gf kasi ni Jamie ang manager nitong shop kaya kilala ko.

"Ohh my gosssh,Gillianne ikaw pala yan!Kundi pa sinabi nung cashier ko na LORENZO ang may ari nung card,hindi ako maniniwala na ikaw yan.
Nakakapanibago,Ikaw mismo ang nagshopping.Para sa GF mo?_Pia.

"Hahahha.Gusto ko lang makahingi ng discount sana.Btw,This is Star.sya yung binilhan ko ng shoes.Leli,sya naman si Pia._AKO.Hindi ko na lang binanggit na ex gf ni Jamie.

"Naks naman,Kaya pala napa shopping ka ng di oras...Ang dyosa naman pala kasi ng GF mo,deserve naman talagang irampa.Hello Madam,Nice meeting you.Sa wakas,may nakabihag na din sa puso ng nagiisang Lorenzo._Pia.Kumamay sya kay Leli na pulang pula na naman.

"Naku,hindi po ako girlfriend ni Boss Gillianne.Alalay nya po ako._Leli.

"Hahahah.Ayan na Gil,dini deny ka na agad ng gf mo.Ang dami mo daw kasing chiqs eh.Naku miss Leli,Bantayan mo maige yang jowa mo,kasi malingat ka lang ang dami ng hihila dyan dito sa mall._Pia.

"Hahahha.Hindi ko nga kasi sya GF kaya dinideny ako.Bodyguard ko yan.
Ikaw talaga.Sige na,aalis na kami.Sabihin ko na lang kay Jamie na nagkita tayo.Sasabihin ko din na di kapa din nagbabago,chismosa kapa din._AKO.
Inayawan kasi sya ni Jamie dahil sa pagiging palengkera nya.Maingay kasi sya at mahilig sa chismis kaya palagi silang nag aaway nuon ni Jamie.

"Boss Gillianne,Pasensya kana kung napagkakamalan nilang lahat na GF mo ko.Hindi mo na kasi dapat ako pinamili pa.May mga damit naman ako at sapatos.Pwede din akong manghiram na lang kila Sunny at Moana kung sakali.At isa pa,ang mamahal nung mga pinamili mo.Sayang lang dahil isang beses lang gagamitin._Leli.

"Bakit naman hinihingi mo ng pasesnya kung napagkakamalan nilang GF kita?Kasalanan mo ba yun.hahahha.Natutuwa nga ako sa mga reaksyon nila eh,Wala na silang sinasabi kundi bagay tayo,magkamukha tayo.Sa palagay mo ba,totoong bagay nga tayo?Para kasing hindi ko yun makita eh
Tungkol naman sa mga damit at sapatos na binili ko sayo,Sabihin na nating dahil ako ang kasama mo,dapat maging elegante ka din sa paningin nilang lahat.Kumbaga,dapat bongga ka din dahil ako ang kasama mo.
Kung nanghihinayang ka sa presyo,pwede mo naman syang ibenta after mo gamitin._AKO.

After nung mga sinabi ko kay Leli,Napansin ko ang pananahimik nya.
Alam ko nainsulto sya sa mga sinabi ko pero wala akong magagawa.
I just have to pretend na wala lang sa akin ang lahat.Na hindi ako naaapektuhan sa mga papuri ng mga tao sa amin,Na halos lahat nalang ng makakita kapag magkasama kaming dalawa,SINASABING PERFECT MATCH KAMI NI LELI.

"KUNG IKAW AY ISANG PANAGINIP " (THE LAST DESCENDANT OF LORENZO'S)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon