27.GIL

1K 41 2
                                    

Cervantez,Hidalgo at Nuñez...Tatlong taong labis na pinagkakatiwalaan ng lolo nuong nabubuhay pa sya.Bago pa man nangyari ang aksidenteng kumitil sa buhay ng lola at lolo,Inihabilin na niya sa kanyang mga tapat na tauhan ang pangangalaga sa minahan.Na sa kasamaang palad,ay pinag interesan ng mga kasosoyo nyang sila Garcia at Mariano.Kaya naman,kasabay ng pagbaon sa nakatagong vault sa ilalim ng minahan...Nabaon na din sa limot ang mga nangyari sa nakaraan.

"Honestly,I dont see the point of your lolo sa paghahati hati nya ng password sa kanyang mga tauhan.Pero ngayon ko lang naisip na siguradong may kinalaman ang pamilya ng mga iyun sa nilalaman ng vault na ibinaon ng lolo mo._Grant.

"Actually,napapahanga ako sa ginawang yun ng lolo Manolo eh.Imagine kung gano pinahalagahan yun ng mga tauhan nya sa loob ng 50 years at maging sa kahulihulihang apo nila kahit ilang buhay na ang naging kapalit.Yun ang hindi kayang bilhin ng SALAPI NG MGA MARIANO._Ako.

"Yeah!Agree ako duon...At saka hindi maikakaila na kahit gaano pa kayaman ang mga Mariano...Kung hindi nila gagamitin ang pera at kayaman nila,wala silang kaibigan at mga tauhang totoong tapat na naglilingkod sa kanilang pamilya._Gold

"Pero saan naman natin mahahanap ang tatlong tao na may hawak nung password na yun?Ni idea kung babae o lalaki ang mga iyun,wala tayong alam._Grant.

"Mas mainam siguro kung magpa imbestiga ulit tayo.This time,sa background naman ng tatlong family na nabanggit.Pero habang hindi pa natin alam ang pagkakakilanlan nila,palagay ko kailangan na nating kumilos para masagip ang mga batang hawak ng mga sindikato._AKO.

"Speaking of sindikato,Nakausap ko na nga pala si Sunny.Nasa poder na din daw sya ni Mikay.Si Dana nga daw ang kumumbinsi kay Mariano na kuhanin sya._Gold.

"Mabuti naman kung ganon.Nararamdaman kong hindi kalaban si Dana.
Kung tama ang kutob ko,may sarili din syang misyon sa mga Mariano.Kaya pala ganun na lang ang pakiramdam ko kapag nagkakatagpo ang mga mata namin.Parang may kakaibang pakiramdam._AKO.

"Really,Baka naman inlove ka lang talaga sa kanya at hindi mo yun maamin sa sarili mo?Ang ganda ni Dana,Para syang babaeng version ni tito Grae.Hahahha.Kaya siguro may kakaiba kang nararamdamang paghanga sa kanya._Grant.

"Hahahaha.Baka nga!Anyways,mabalik tayo dun sa mga tutulungan mo kamong mga batang lansangan,papano naman tayo makakasiguro na myembro yun ng mga sindikato ng BSG?_Gold.

"Kailangan kong makausap yung pekeng madre.Si sister Leli.Sya ang nakakakilala sa mga batang hawak ng BSG,pati na din sila Sunny at Moana._AKO.

"Well,ngayong na kay Mikay na silang tatlo,mahihirapan na tayong makalapit at makipag usap sa kanila.Lalo kana Gold.Kapag ginawa mo yun,tyak na mapapahamak yang gf mo._Grant.

"Alam naman nila ang tungkol sa amin ni Gold.Wala silang magagawa.
At saka wala akong pakialam kung mapahamak man ako,basta ill make sure na makawala na sa lalong madaling panahon si Sunny sa poder ni Mariano._Gold.

"Hey!Alam mong hindi ganun kadali yun Gold.Kailangan natin ng ebidensya.Kahit nga si Mikay,hindi alam kung tatay nya nga ang mastermind sa grupo ng BSG eh!_Grant.

"Thats right!Kahit nga mismo sila Star,Moana at Sunny,walang alam kung sino ang nasa likod ng sindikato.Kaya wala tayong magagawa kundi maghintay na lang muna sa mangyayari._Ako.

"Ang hirap naman kasi ng wala kang magawa para mailigtas ang gf mo sa kamay ng hayup na si Mariano eh!Bakit ba kasi sa dinami dami ng tao sa mundo,si Sunny pa ang kailangang malagay sa ganung sitwasyon.
Anung silbi ng pera ko,ng talino ko at ng kakayahan ko kung wala din naman akong magawa para sa taong minamahal ko._Gold.

"Cuz,Maghintay lang tayo ng kaunti pang panahon.Im sure may paraan si God para i lead tayo sa tunay na may sala.Hindi na din magtatagal,isa isa ng lalabas ang tunay na kulay nila Mariano._Grant.

"Guys,pasensya na kayo.Pati tuloy kayo nadadamay sa problema ng pamilya ko.Dont worry guys,ill make sure na gagana ang kapangyarihan ng salapi at hindi ng dugo.Pinapangako ko sa inyo na this time,Wala ng buhay na magbubuwis.Kung si Mariano,nabubuhay ngayon dahil sa kayamanang kinamkam nya...Lalabanan ko din sya ng salapi._Ako.

"Magkakaibigan tayo Gil.Mula pa sa mga magulang ng mga lola natin.Para na din tayong magkaka pamilya.Kaya naman kung anong laban mo,laban din namin.At tama ka,dahil tayo ang pinaka huli sa lahi ng mga angkan natin,Tutulungan ka namin sa maganda mong layunin para sa ikatatahimik ng lahat.Sana nga,matupad mo ang maganda mong hangarin._Gold.

"Wag kayong mag alala,kapag nakita na natin ang micro chips.Ako ng bahala sa lahat.Isang click lang,tapos ang maliligayang araw ng pamilya Mariano._Grant.

"I'll make sure na mareresolve natin ang password kasama ng chips.Basta wag lang tayong tumigil sa paghahanap ng mga impormasyon._Gold

"Ang mabuti pa,magkanya kanya tayo ng pag iimbestiga.Mas mabilis gumalaw kapag may kanya kanya tayong source.Sa ngayon,hindi nila tayo dapat mahalata na may alam.Sa eskwela na lang tayo ulit magkita kita.
Gaya ng dati,sa pag aaral muna tayo mag focus.At saka nga pala,malapit na magsimula yung foundation.Balak ko sanang magsimula sa mga out of school youth muna.Para may pagkaka abalahan sila kaysa tumambay at malulong sa mga bisyo._AKO.

"Pero papano ka naman nila paniniwalaan kung pati ikaw mismo nakikita nila sa kung saan saang mga sugalan?Like I said,hindi magandang halimbawa sa mga kabataan ang pagsusugal.Kahit pa sabihing may purpose ang pagpunta punta mo sa mga ganung lugar,hindi pa din maiaalis sa mga tao na pulaan ka nila at ang pamilya mo._Gold.

"Hey!Hayaan mo na lang muna si Gil.May pinagdadaanan kasi sya.Yan lang yung way nya para magpapansin sa mom and dad nya.Tama ako diba Gil?Pati pakikipag basag ulo at pambababae,lahat yun front mo lang hindi ba?_Grant.

"In a way,yes!Pero later on ko lang din narealize na hindi lang pala pera ang nagpapatakbo sa mundo.Madami din akong nakikilala at nakakasalamuhang tao na salat sa salapi pero masaya,at madami din akong nakikilalang mayayaman pero puno ng kalungkutan sa buhay.
At alam nyo ba kung sino ang pinaka magandang halimbawa ng sinabi ko?_Ako.

"SINO???_sabay na tanong nila Grant at Gold sa akin.

"Si MIKAY!_Ako.

"Wheew!May point ka dyan.Nakikita ko nga sa kanya yun.Actually,naaawa nga ako sa kanya talaga.Parang kahit na anong gawin ng kayamanan nila, bilhin man nila ang buong Pilipinas,hindi pa din nila kayang bilhin ng salapi ang mga taong totoong nagmamalasakit sa kanila._Grant.

"Come to think of it,sa palagay nyo ba si Dana totoong sincere sa kanya?
Para kasing totoo naman lahat ng concern at pinapakita ni Dana kay Mikay eh._Gold.

"Maybe yes,pero hindi tayo dapat pakasiguro duon.After kong makausap sya at sabihin ang tungkol kay Sunny hindi bat agad agad na napasakamay ni Mikay si Sunny ng ganun kabilis?Natitiyak kong may iba ding misyon si Dana sa mga Mariano...Ang hindi ko lang tyak,kung kanino sya nagtatrabaho..Kay Momshie Bianca ba or kay dad._AKO.

"Ohhh! I think i got it! Sa LA nga pala sya galing hindi ba?Siguradong kay momshie Bi sya nagwowowork!Hahahaha.Tama ako hindi ba?_Gold.

Saka kami nagkatinginan ni Grant.Kundi ako nagkakamali,May sariling plano din si Momshie at  gayun din si Daddy Grae.Kung tamang si Dana ang tauhan ni Momshie,Kung ganun,sino naman kaya ang tao ni Dad?

"KUNG IKAW AY ISANG PANAGINIP " (THE LAST DESCENDANT OF LORENZO'S)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon