Sa hinaba haba nga naman daw ng prusisyon,sa simbahan din ang tuloy.Ikinasal na nga tuluyan sila Grant at Moana at masaya ng naninirahan sa GRANT HOTEL na pagmamay ari mismo ni Grant bago pa sila nagpakasal.Solong pinatatakbo ni Grant ang hotel kung saan pawang mga kagaya nyang mga henyo sa computer games din ang mga tauhan nyang nagta trabaho duon.
"Mabuti naman at nakapag decide na ang mommy mo na dito na ulit sa Manila manirahan.Aba,mahirap din naman na mag isa lang sya duon samantalang nandito ka at ang trabaho mo._Tita Annie.Kami kasi ang magkakasama sa isang table ng pamilya ni Gil.
"Yes nga po Tita.Kahit nga po nakasanayan nya ng manirahan sa Baguio
Mabuti at napapayag ko syang makasama ko na sa tirahan ko._AKO.
Dahil sa mga sweldong naipon ko,at sa mga bonus na natanggap ko bilang bodyguard nuon kay Gil..Unti unti na akong nakapag hulog ng sarili kong house and lot.Hindi nga lang sya ganun ka mamahalin,pero sakto lang sa aming dalawa ni mommy."Mom,Pano ba yan next year baka magpakasal na din sila Dana at Mikay
Payag ka na bang maging lola?_Gil."Bakit naman hindi.Gusto ko na ngang magkarga ulit ng baby eh.Sana nga this year na sila magpakasal para magka baby na agad sila._Tita Annie.
"My loves,hindi pa pwede this year.Alam mo namang busy ang mga Mariano sa pangangampanya.Hindi pa nila maaasikaso ang pagpi prepare ng mga wedding._Tito Grae.
"Hahahha.What if mauna na kaya muna kami ni Leli dad? Ang tagal tagal bago naging kami,siguro naman walang masama kung bilisan naman namin ngayon._Gil.Hinawakan nya ang kamay ko.
"Gillianne anu ba,Kasasagot ko pa lang sayo,kasal na kaagad?Hindi ka naman masyadong atat nyan?_AKO.Ilang buwan pagkatapos naming mabuksan ang vault at maiayos lahat ng dapat ayusin,saka nagsimulang manligaw ni Gil sa akin.At dahil matagal na din naman kaming magkakilala,hindi na din ako nagpakipot pa at sinagot ko naman agad sya.
"Hahahha.Pasensya kana dyan sa nobyo mo Star.Matagal na kasi yang nagpipigil sa nararamdaman nya sayo kaya nung sinagot mo sya,Pinangunahan na nya ko kaagad na gusto ka na daw nya agad pakasalan._Tito Grae.
"Totoo yan iha,Naku nung sinagot mo.Parang bata na nagsisisigaw dun sa bahay na sinagot mo na nga daw sya.Pati yung mga kasamabahay at mga bodyguards nya pinagsisigawan na sinagot mo na nga daw sya._Tita Annie
Para naman akong nahiya sa ginawa ni Gil.Natawa na lang ako sa kanya.Kahit kasi sya na ang nagpapatakbo ng pinaka malaking kumpanya sa bansa,Hindi pa din maikakaila ang pagiging childish nya paminsan minsan.
"Masaya lang ako.Kasi natapos na lahat ng problema.Nasagot na ang mga tanong at nabura na lahat ng mga pag aalala at mga agam agam natin nuon.Ang dami kasing panahon na nasayang,sana nuon pa lang niligawan na pala kita para mag asawa na din tayo sana ngayon._Gil.
"Hey!Bakit parang may sumisenti dito sa table natin?Babyboi,anung drama yan ha,pwede ba bawal ang iyakan dito.Kasalan to at hindi shooting ng isang teleserye!_Dana.Kadarating lang nila ni Mikay galing ng Korea.Humabol na lang sila dito sa reception.Sa US talaga kinasal sina Moana at Grant,pero pagbalik nila ginanap ang reception kaya andito kaming lahat ng malalapit nilang kaibigan at kapamilya.
"Danz,Bilisan nyo na nga magpakasal ni Mikz para susunod na kami ni Leli.Ayoko na kasing pagpulisin pa to eh.Ayaw namang magresign.
Mahirap na,baka masulot pa ko ng iba.Saka sympre mapanganib ang propesyon nya._Gil.Napapailing na lang ako sa kanya."Alam mo Gil,Ang OA mo magka jowa!hahahha.Pabayaan mo muna si Star mag enjoy,Masarap kayang maglingkod sa bayan.Kapag nagpakasal na kayo nyan siguradong magreresign na din yan gaya ko._Dana.
Totoo naman yun.Kapag kasal na kami ni Gil.Wala ng dahilan para magtrabaho pa ako as police officer.Masaya na ako bilang SPO3.Para sa akin,Ang pagtulong sa kapwa at sa bayan ay hindi lang sa pag susuot ng uniporme na susukat.Kapag nasa puso mo ang pagtulong sa kapwa,hinding hindi ka magsisisi kahit na anu pa ang mangyari.
Pagkatapos ng reception,agad akong inaya ni Gil sa kotse nya.Huminto kami sa isang mataas na building pero walang tao masyado.
Nag sign in lang si Gil dun sa front desk at saka kami sumakay sa elevator"Gillianne san mo ba ko dadalhin?Ikaw talaga ang dami mong pakulo.
Bakit walang masyadong tao dito,asan ba tayo ha?_AKO.Saka kami lumabas sa elevator at hawak pa din nya ang kamay ko."Come here sweetheart,Im sure you'll gonna love it!_Gil.Dahan dahan nya akong inakay papasok sa isang kwarto at saka nya ako itinayo sa pinaka gitna nung room.Napatingala ako at natuwa sa nakita ko.Mga bituin.
May isang malaki ding Telescope na nakalagay naman sa balcony at saka namin nilapitan yun ni Gil.Kitang kita na parang nasa bubong lang nakasabit yung mga bituin sa langit."Ang ganda Gil!Meron palang lugar na ganito.Yung pwede mong masilip yung mga bituin sa langit ng malapitan.Parang nakikita nga kita dun sa itaas eh.Ayun ka oh,yung madaming katabi._Ako.
"Hahahha.Pati ba naman sa langit madami pa din akong katabi?Wala kaya.Sabi ko na sayo Sweetheart eh,mag eenjoy ka sa surprise ko sayo.Diba petmalu yung pasabog ko?_Gil.
"Bakit ba kasi ang hilig hilig mo sa pa surprise ha Gillianne?Hahahha.
Hindi na ko magtataka isang araw,hilahin mo na lang ako basta sa pari at magpakasal.Hindi mo naman ako kailangan pang supresahin palagi,Masaya naman ako na kasama
lang kita Gil,araw araw na kasama kita,malaking supresa na yun sa akin eh._AKO.Napayakap ako ng mahigpit sa kanya.Siguradong sigurado na ako sa pagmamahal ko sa kanya,Walang halong takot at pagsisisi."Ang sarap naman ng yakap ng sweetheart ko!Pero mas masarap yan kung sasamahan mo ng kiss.Hahahah._Gil.
Agad ko naman syang ginawaran ng halik kaya sya biglang nanahimik.
Pero ng makarecover na sya,agad nyang hinawakan ang ulo ko at dahan dahan nyang inilapat ang labi nya sa mga labi ko.Sa simula,dampi dampi lang hanggang sa dahan dahan na kaming parehong natangay sa damdamin at humaba ang halikan.Halos maputol na ang hininga naming parehas ng magkalas ang mga labi namin."Sweetheart,I love you so much!Sobrang happy ako at officially naging tayo na talaga.Sorry kung medyo huli na bago pa ako nakapang ligaw...
Alam mo namang gusto ko lang makasigurado sa nararamdaman ko pra sayo.Pero habang tumatagal,lalo kong nararamdaman yung pananabik na makasama kana ng pang habambuhay._Gil."Sweetheart,Ganun din naman ako sayo.Gusto na din kitang makasama palagi.Kaya lang gaya nga ng sabi ni Dana,Wag tayong magmadali.
One step at a time lang muna.Para na din naman tayong mag asawa dahil araw araw tayong magkasama._AKO.Mabuti na nga lang at may pinsan akong nag aaral dito sa Manila ng College kaya may kasama si mommy sa bahay.Saka busy din naman sya sa patahian nya at boutique."Sweetheart,Ipapaalam na lang kita kay mommy mo na sa Hotel ko na lang ikaw uuwi from work.Mas malapit yun sa trabaho mo kaya mas mabilis kang makakauwi at makakapag relax.At saka para sabay na din tayo sa pagpasok at pag uwi._Gil.
"Uhmmm,sige sasabihin ko kay mommy.Sigurado naman akong papayag yun._AKO.Madalas din kasing sabihin sa akin ni Mommy na may tiwala sya sa akin at hindi sya makikialam kung saan ako masaya at mapapabuti.
BINABASA MO ANG
"KUNG IKAW AY ISANG PANAGINIP " (THE LAST DESCENDANT OF LORENZO'S)
Roman d'amourSa unang tingin,hindi mo aakalaing galing sa mayamang angkan si GIL.Sanggano,brusko at arogante.Yan ang pagkakakilala sa kanya ng lahat.Hindi mo din sya makikitaan ng sensyales ng pagiging babae,Sa buhok,itsura,pananamit at kilos...Lalaki syang tign...