23.GILLIANNE

1.1K 41 0
                                    

Nasa starting line kaming anim na maglalaban laban.Magkatabi kami ni Grant habang sila Mikay at Dana naman ang magkatabi sa kabilang lane.Hindi na sumali si Gold para naman daw patas ang laban.May dalawa pa kaming kalaban na gaya din naming mga anak ng mayayaman.
Kalahating milyon ang premyo pero hindi ako sa pera naka focus kundi kay STAR.I just wanna win her.Hindi ko alam kung bakit pero hindi ko gusto na kay Mariano sya maglingkod.Gaya ng dati,isang nakayukong "Bituin na naman ang nasulyapan ko katabi si Moana.Hanggang sa magsisimula na ang karera at napasulyap sa akin si Star...Isang pamatay na ngiti ang ibinigay ko sa kanya.Pero isang matalim na tingin naman ang isinagot nya.Napalipat ang tingin ko sa nakangising si Mikay at saka kami nagsimulang kumarera.

"Congrats Dana!Sinasabi ko na nga ba,magaling ka talaga sa pagmamaneho eh._Mikay.Na todo ang pagpapa cute kay Dana.

"Woooow!Ang galing mo Dana...Imagine,natalo mo si Grant?hahaha._Gold

"Naka chamba lang siguro.Magaling din talaga si Grant,naunahan ko lang ng bahagya._Dana.Sya ang nanalo sa karera habang kulelat naman si Mikay.

"So pano ba yan Gil,Hindi mapapasayo tong bodyguard ko?hahahha.
Sinasabi ko na nga ba si Dana ang mananalo eh!Congrats Dana._Mikay.

"Thanks Mikz!Since nanalo ako,treat ko.Kumain tayong lahat!_Dana.

"Pero Dana,pati sila iti treat mo din?Wag na,tayo tayo na lang._Mikay.
Na halata namang takot na takot na baka maagawan sya.Sa itsura nyang yun kasi,dapat lang na matakot sya.Pasalamat sya at hindi ko type si Dana kahit na dyosa pa sya.Saka ako napasulyap na naman kay Star na nahuli kong nakatingin din pala sa akin.

"Alright!Ayos ka din talaga Dana noh,matapos mo kaming talunin,sa palagay mo ba gusto ka naming kasabay kumain?_Grant.May ugali kasi si Grant na ayaw nyang natatalo sya lalo pagdating sa karera.

"Well,hindi naman namin kayo pinipilit.At lalong hindi ko na problema kung mas magaling ako magdrive kesa sa inyo.Lets go Mikz,Moana and Star.Mahirap makipag usap sa mga talunan kaya mas mabuti pang umalis na tayo._Dana.

Napaangat ang kilay ko.Woooh!Palaban din ang Dana na yun talaga.At mukhang na kay Mikay lang ang simpatya nya.Napakibit balikat lang si Gold at saka ako sumakay na ng kotse ko.Nagsisakayan na din silang dalawa sa kani kanilang sasakyan at saka kami umalis sa lugar.

Sunod sunod kaming pumasok sa iisang pinto.Nakita kong may mga nakaparada na ding sasakyan duon.Ibig sabihin may mga nauna na sa amin.Sila Candy,jamie at Viena malamang.Saglit akong napahinto sa pagpasok sa loob ng safehouse at saka napapikit.Naalala ko na naman si Star.Bakit ba kasi hindi ako nanalo,Ako sana ang kasama ni Star ngayon at hindi si Mikay.Hindi ko alam kung bakit pero gustong gusto ko syang makuha.Maybe because,gusto ko syang tulungan.After naming malaman nila Gold at Grant na nasa poder sila ng grupo sila ni Mariano,hindi na ko mapakali.Pero alam ko na hindi basta basta ang maka alis sa grupo na yun dahil buhay nila ang kapalit.

"Pare,Wag mo na munang isipin yun.Makakagawa din tayo ng iba pang paraan.Sa ngayon,pabayaan na muna natin silang tatlo sa mga kamay ni Mikay.Mas maayos naman sila duon kaysa kapag nasa grupo sila._Viena.
Like mom and dad na bff sila ninang Karen at ninang Vien,bestfriend ko din si Viena.Lumabas kasi sya at saka umakbay sa akin.Nakatingin lang kami parehas sa langit.

"Hindi ko alam Viena pero naaawa lang ako talaga sa kanila.Kapag nakikita ko yung itsura nila lalo na si Leli,nararamdaman ko sa mga tingin nya na gusto nyang humingi ng tulong.Pero kabaliktaran yun ng ipinapakita nya._AKO

"Kundi lang kita kilala,sasabihin ko na sana na tinamaan ka na dun sa madre talaga!hahahah.Pero kidding aside,nakakabilid din sya noh?Isipin mo,nagpapanggap syang madre para may maipakain lang sa mga batang lansangan.Siguro yun yung way nya para maghugas ng mga kasalanan.
_Viena.

"Ibang klaseng hayup din naman kasi talaga ang mga Mariano.Papano kaya sila nakakatulog ng mahimbing sa gabi sa mga kasamaang pinag gagagawa ng pamilya nila?hah!Kaya kapag nakikita ko si Mikay,kumukulo palagi ang dugo ko eh.Kapag hindi ako nakapagpigil,pati yung Dana na yun aagawin ko talaga sa kanya eh._AKO.

"Hahahaha.easy lang pare.Balita ko,loyal daw kay Mikay yun eh.Baka mahirapan kang makumbinsi sya.At saka isa pa,ikaw na nga ang may sabi, hindi basta bastang babae si Dana._Viena.

"Nakikita mo yung maliit na bituin na yun?Kahit gaano pa sya kalayo at kataas,kapag si Gillianne Lorenzo na ang lumapit,sigurado akong mapapasa akin sya.Kaya lang parang ,mas gusto kong unahin yung nasa kabilang dulo,Yung mas malapit sa buwan.Mas kailangan syang makuha, mas kailangan ko syang sagipin at ilayo sa pamilya ni Mariano._AKO.Naalala ko na naman si Leli.

"Hey!Bakit nandyan kayong dalawa.Pumasok na kayo duon sa loob.Si Gold umi eksena.Hindi daw nya matanggap na myembro pala ng sindikato yung gf nya._Candy.Nagkatinginan naman kami ni Viena at saka pumasok na din sa loob.

Medyo mausok sa loob kahit naka aircon naman.Dalawang billiard table, malakas na sound system at bar counter ang makikita sa loob.This is our tambayan.Nakita ko si Grant na panay ang sayaw.Habang si Gold naman, panay ang inum ng alak.Lumapit ako kay Jamie at sumenyas kay Viena na ipatigil yung loud music.

"Jamie,Ano ng balita dun sa research nyo?Kelan ako pwedeng sumama sa inyo dun sa Minahan?_Ako.Saka naman sila lahat napatingin sa akin.

"Actually,pinagbawal na ang pagbabalita tungkol sa minahan.Private property daw yun kaya walang pwedeng makapasok.Kahit nga yung mismong mga bantay duon,hindi na din pwedeng ma interview eh._Jamie

"Gil,nabalitaan mo na ba?Naglabas na ng official statement ang grupo ng dad mo laban kay Miggs Mariano ah.Sa palagay ko,mahihirapan si Mariano makapag pyansa.Matibay ang mga ebidensya ng dad mo eh._Viena.

"Just wonderin,Sino ang napakalakas ng loob na nagtimbre sa dad mo ng transaksyon na yun?Ibig sabihin lang nyan,may asset ang dad mo sa loob mismo ng bakuran ng mga Mariano._Grant.

"Yan nga ang pinag alala ko.Sigurado ako na mga tauhan nila ang pagbubuntunan ng sisi ni Mariano.Nag alala ako sa kaligtasan ni Sunny.
Unlike Moana and Star,Nasa loob pa din ng gang si Sunny.Papano kapag may mangyaring masama sa kanya dun?_Gold.Napatakip na lang ng mukha nya si Gold,at saka napahikbi.

"Gold don't worrry.Hindi nila masasaktan si Sunny duon.Ikaw na nga ang nagsabi,magaling dumiskarte yung gf mo kaya for sure hindi nila yun pababayaan._Candy.

"I have an idea kung papano natin mapapa alis si Sunny dun sa sindikato, ewan ko lang kung sasang ayon kayo dito ha._Grant.Saka naman kami lahat napatingin sa kanya.

"Sa palagay mo papapayag si Miggs na maka alis ng buhay si Sunny duon since alam nyang madami na syang nalalaman sa sindikato?_Gold.

"Well hindi nga sya makaka alis basta basat sa poder ng mga Mariano pero pwede syang makawala duon at kay Mikay na din magtrabaho.
_ Grant.

"Then how?Papano sya makakalipat sa poder ni Mikay gayung isa sya sa mga asset ng BSG.Im sure hinding hindi sya pakakawalan ng grupo nila.
Ngayon pa lang,parang gusto ko ng pigain sa sakal si Miggs Mariano kapag naiiisip ko ang pwedeng may nangyari kay SUNNY._Gold

"Anong naiisip mong idea Grant,willing kaming makipag cooperate lahat.
_AKO.

"Hindi madaling gawin tong idea ko,pero mas makabubuti na yung nasa pangangalaga din si Sunny ni Mikay kaysa nasa loob pa din sya ng gang.
Pero kailangan natin makumbinsi si DANA.Kapag nakuha natin ang loob ni Dana,im sure madali na mapapasunod ni Dana si Mikay._Grant.

"KUNG IKAW AY ISANG PANAGINIP " (THE LAST DESCENDANT OF LORENZO'S)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon