24.A.B.L

1K 48 1
                                    

Annie Batungbakal Lorenzo POV:

Limang taon mula ng umalis ako sa mansyon ng mga Lorenzo,muli kaming nagharap ni Grae.Gaya ng dati,napaka gwapo at tikas pa din talaga ng asawa ko.Bahagya akong namula sa pagkabanggit ko ng salitang asawa...Limang taon na nga pala kaming magkahiwalay kaya parang hindi na kami matatawag na mag asawa.

"Kamusta ka?_Grae.Sa malungkot na tono.

"Ayos naman.Busy sa negosyo.Ikaw kamusta na?_Sa totoo lang alam ko lahat ng nangyayari sa kanya kaya alam ko kung ayos lang sya.

"Ayos lang din.Malungkot mag isa pero pilit kinakaya._Grae.

"Uhmm,bakit mo nga pala ako gustong makausap?May problema ba,tungkol ba kay Gillianne?_AKO.Bakas sa mukha nya ang lungkot.

"Well actually part of it was about Gillianne's behavior.Medyo hindi na kasi maganda ang ipinapakita nya sa klase,madalas syang matrobol ngayon at pumasok sa basag ulo._Grae.Napatitig ako sa kanya pero agad ding nagbawi ng tingin.

"Anong gusto mong gawin ko?Kunin ko na ba sya sayo at ako na ang magbantay sa kanya_Ako.Kahit hindi ko sya tignan,ramdam ko ang pagtitig nya sa akin.

"No.I mean,alam natin parehas why she's behaving like that...Its becoz of me.At alam ko din na malaking part ng pag rerebelde nya ay dahil sa pananakit ko sa damdamin mo._Grae.Napayuko na parang maiiyak.

"Alam nating pareho na hindi totoo yan.Hindi lang ikaw ang may pagkakamali at pagkukulang,kaya wag mong akuin ang lahat ng sisi.
Dalawa tayong nagdesisyon.Kaya dalawa tayong may kasalanan sa pagrerebelde ni Gil._Ako.

"Ni hindi kami nag uusap ng anak mo.Kapag nasa bahay ako,umaalis sya.
Kapag nandyan ang mom and dad,saka lang kami nagkakasabay kumain.
Kahit gaano kaganda at katayog ang mansyon ng Lorenzo,kapag nawala ang ilaw nito,Walang silbi ang haligi at pundasyon...Babagsak at babagsak pa din._Grae.

"Gusto mo bang kausapin ko si Gillianne?Magpapakita na ako sa kanya at magpapaliwanag na wala kang kasalanan sa paghihiwalay natin.Siguro naman sa limang taon ng pagkawala ko,makikinig sya sa akin._AKO.

"Please comeback.Hindi na lang para sa akin,kundi para kay Gillianne.
It's been five years since you left,napakarami ng nagbago at nangyari pero hindi pa din nawawala kay Gillianne ang sakit ng pagkawala mo.
_Grae.Gusto ko sanang itanong sa kanya,kung si Gil lang ba talaga ang dahilan?Sa loob ba ng limang taon ng pagkawala ko,namiss nya din kaya ako.Pero minabuti ko na lang na hindi magsalita ng ganun.

"Hindi lang basta ganun kadali yun Grae.Sa loob ng mahigit limang taon ng pag iisa,nagkaroon ako ng sarili kong pagkakakilanlan.Hindi dahil sa isa akong Lorenzo.Saka ko natutunan na kapag namuhay ka pala ng simple at payak,mas nararamdaman mo yung bunga ng yung mga pagsisikap.Parang bumalik ako sa dating nuon._AKO

"But Gilllianne needs you too...Hindi ko na alam ang gagawin ko sa batang yun.Limang taon na sya sa college yet parang wala pa din syang plano sa buhay nya.Palagi syang nasa Casino,bar at pambababae.She even fight with Marianos's daughter dahil lang sa babae.Can you imagine that?_Grae

"Sa palagay mo,kapag bumalik ako sa mansyon magbabago ang anak natin?Gillianne is an adult now.Hindi na sya yung dating Gil na kapag nasasaktan,tatakbo sa akin or sa lola Bianca nya para magsumbong.
Hindi naman masama ang anak mo Grae,alam mo yan.Hindi na ako lang ang kailangan ng anak mo...Inspirasyon ang kailangan nya.At hayaan mo syang malaman at makilala ang taong magpapabago sa kanya._Ako.

"Natatakot lang ako sa pwedeng mangyari sa kanya.Si Mariano ang pinag iinitan nya.To a point na pareho na silang nagkakasakitan.Hindi ganun kadaling patumbahin ang mga Mariano,lalo pa ngayon at nagsisimula ng umusad ang kaso laban sa kanya.Baka kung anong gawin ni Miggs sa anak natin._Grae.

"Ngayon kapa ba matatakot?Nasira na ni Mariano ang pamilya mo nuon pa.Ilang pamilya na din ang nagbuwis ng buhay para sa sinasabi mong hustisya.Kung kelan nagsisimula ka ng makalapit sa katotohanan ngayon kapa ba susuko Grae?_AKO.

"Tama ka.Si Mariano ang sumira sa pamilya natin.Kundi dahil sa paghahanap ko ng hustisya para sa mga Ignacio,hindi tayo magkakahiwalay,hindi sana magiging rebelde si Gil,hindi sana ako ma i stress ng sobra na naging sanhi ng pagkamatay ng isa pa nating anak...
Pero hindi lang ako isang MAGULANG AT ASAWA Annie,Isa din akong alagad ng batas.Tungkulin ko ding magligtas ng buhay at tumulong sa paghahanap ng katarungan para sa mga nabiktima ng mga taong ganid sa kapangyarihan at kayamanang gaya ni Mariano.Kahit nakakapagod na din minsan,hindi ako kailangan mawalan ng lakas ng loob._Grae.

Pagkabanggit nya sa namatay naming anak,biglang nagflashback sa akin ang nangyari limang taon mula ng umalis ako sa mansyon ng mga Lorenzo

Flashback:5 years ago

"Annie,Alam kong hindi sapat ang mga paliwanag ko para mabago ang isipan mo.At alam ko din na kundi dahil sa akin hindi kayo magkakahiwalay ni Grae.Sana mapatawad mo ako sa lahat._Mommy Bi.

" Mommy,wala po kayong kinalaman sa paghihiwalay namin.Pareho po naming napagkasunduan na maghiwalay na muna pansamantala.Ganun pa man,hindi magbabago ang pagmamahal ko para kay Grae.Mananatili pa din akong tapat sa kanya._Ako.

"Hindi ko alam kung saan magsisimula,Kung saan ako kumukuha ng tapang ng mukha para gawin ito sa inyo...Alam kong walang ibang hangad si Grae kundi ang mahanap ang hustisya para sa mga magulang ko,kaya kahit na sarili nyang pamilya ang nasakripisyo wala syang magawa kundi magpatuloy.Sana mapatawad mo ako Annie.Sana din mapatawad ako ni Grae sa nagawa ko sa kanya._Mommy Bianca.

"Mommy hindi.Wala kang kasalanan.Wala ding kasalanan si Grae.Nangyari ang lahat ng ito dahil ito talaga ang nakatadhana.Hindi lang naman sarili nyo ang hinahanapan nyo ng hustisya dito kundi ang marami pang tao at pamilyang nasira ni Mariano.Kahit ako mismo,kung may magagawa lang din para makatulong,nakahanda ako._Ako.

"Salamat anak.Napakabuti mo.Hindi talaga nagkamali si Grae na mahalin ka.Pero hindi mo na kailangang madamay pa sa lahat ng ito.Kaya din hinayaan ka na muna ni Grae mapag isa.Ayaw nyang madamay kapa sa mga plano nya.Kung may isa akong hihilingin sayo para sa ikakapanatag mo,maari mo ba akong mapagbigyan,At patawarin kung sakali?_Mommy

"Mommy,kahit na ano pa po yan willing akong gawin._AKO

"Ngayon pa lang Annie,sana mapatawad mo ako.Alam kong napakalaki ng kasalanan ko sa inyo ni Grae,pero sana lang balang araw,mapatawad din ako ng anak ko._Mommy Bianca.At saka sya napahagulgol ng malakas.
Agad ko syang nilapitan at pinakalma.Hindi ko alam,pero bakit may iba akong naramdaman.Hanggang sa may pumasok na isang dalagita sa loob ng opisina ko kaakbay ni daddy Gian.

"Daddy!Andito ka din pala._AKO.at saka ako biglang kinabahan pagkakita ko sa dalagitang katabi nya.Nakangiti sya sa akin,para syang younger version ni Grae nung una kaming nagkakilala at mahaba pa ang buhok nya.

"Annie anak,Wag kang mabibigla sa ipagtatapat namin sayo ng mommy mo.Alam ko,napakalaking kasalanan ito sa inyong mag asawa pero sana maintindihan mo ang dahilan at paliwanag namin._Daddy Gian.

"Annie anak,Ipinakikilala namin sayo si Dana.GIORDANA BATUNGBAKAL LORENZO,ang isa nyo pang anak._Mommy Bi
Para akong nakakita ng multo.Si Dana ang nga ba ang nasa harapan ko ngayon?Papanong ang isa ng patay ay nabuhay ng pagkaganda gandang gaya ng dalagitang nasa harap ko.Agad pumatak ang mga luha sa mga mata nya kaya mabilis ko syang niyakap ng pagkahigpit higpit.

"KUNG IKAW AY ISANG PANAGINIP " (THE LAST DESCENDANT OF LORENZO'S)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon