Wala na masyadong balita tungkol pamilya ni Mariano simula ng mamatay ang dating senador.Madalang ko na din makita si Mikay sa mga gimikan.
Madalas pa din kaming laman ng mga bar kagaya ngayon.Sila Candy at Jamie lang ang kasama ko ngayon dahil madalas ng duty si Vienna sa trabaho nya bilang pulis.Sila Grant at Gold naman ay may kanya kanya ding lakad na pinuntahan."Gil,hinay hinay lang naman sa pag inum.Para ka namang uhaw na uhaw kapag umiinum eh!_Jamie.Ayaw sana syang payagan ng gf nyang mag bar pero dahil ako ang nagsabi kaya hindi sya pwedeng tumanggi.
"Guys,diba si Erica yun?Yung pinatalsik mo sa eskwelahan nyo Gil dahil nakipaghalikan sa gf mo dati?_Candy.Sabay nguso sa bagong dating na si Erica nga.Agad naman akong lumapit sa kanila.
"Hey!Andito pala ang ahas na si Erica.Ang tagal na kitang di nakita ah!_AKO.Napalingon sa amin ang iba pang nasa loob din ng bar.
"Ohhh,The mighty Lorenzo is here!Corrrection lang,hindi ako ahas.
At lalong hindi na ako yung dating kayan kayanan mo lang bullyhin na mahinang Erica.Kaya pwede ba,Get lost.!_Erica.Napansin ko ngang bahagyang lumaki ang katawan nya at mas matangkad na sya sa akin kaysa dati."Hahahaha.Hindi kana ba iyakin ngayon gaya nuon?Kaya lang,Para kasing hindi pa din nagbabago yang galawan mo eh,ramdam ko pa din yang pagiging malansa mo.Yan ba yung bago mo ngayon?Uhmm...Pwede na.
_AKO.Napansin ko kasi yung girl na any moment lang mapapasaakin na."Go ahead,try mong i seduce.Tutal magaling ka naman sa ganun hindi ba?
Pero kapag ikaw naman ang ginawan ng ganun,papa kick out mo sa eskwelahan nyo!Wala ka pa ding pagbabago Gillianne,Hanggang ngayon dinadaan mo pa din sa yaman ang lahat.Hindi ako magtataka kung bakit wala pa ding babaeng nagmamahal sayo ng tapat,Dahil akala mo PERA lang ang katapat ng lahat ng bagay dito sa mundo!_Erica. Saka ako biglang natahimik.Bigla akong nakaramdaman ng pagkapahiya.All my life,walang hindi ko kayang mabili at makuha kapag gugustuhin ko.
Sa dalawampu't isang taon ng buhay ko,Never kong naramdaman na may kulang sa akin.Pero ngayon ko lang narealize yung sinabi ni Erica sa kin,
"WALANG BABAE NA TOTOONG NAGMAMAHAL SA AKIN"...Saka ako tahimik na naglakad lang papalabas ng bar.Nadidinig ko ang pagtawag nila Candy at Jamie sa akin pero hindi ko sila pinansin at mag isa akong sumakay ng kotse ko.Blangko at lutang ang isip ko habang nagmamaneho.Gabi na sa lansangan.Halos hindi na din masyadong traffic kaya malaya akong nagdrive lang at binuksan ang bubungan ng sasakyan ko.
Sa Alabang ako nagpunta.Sa gate pa lang ng mansyon papasok sa loob iniwan ko na dun ang kotse ko at naglakad ako paakyat ng burol.
Malamig na simoy ng hangin ang nagpakalma sa aking damdamin.At dahil may kalayuan ang nilakad ko papunta ng burol,agad akong humiga sa damuhan at napatingala sa kalangitan.
Hindi ko namalayan na may tao din pala akong kasama dito sa burol.Si Leli.Agad akong napabangon ng makita kong papa alis sya ng malaman nyang may tao pala.
"Sandali lang.Mamaya kana umalis,Samahan mo na muna ako dito._AKO.
"Pasensya kana.Hindi ko alam na may tao pala.Saka pasensya na din at pumasok ako dito ng walang permiso._Leli.
"Wala naman kasi talagang mag iisip na may taong pupunta sa ganitong lugar sa ganitong oras ng gabi.Mabuti nga at hindi ka nakita ng mga gwardiya._AKO. Bumalik ako sa paghiga sa damuhan habang kausap ko sya.Nakatitig lang ako sa mga bituin.
"Mabilis naman ako tumakbo.Saka kung sakaling makita nya ako at habulin,hindi nya malalaman kung saan ako nagsuot at dumaan._Leli.
Nakiupo din sya sa malapit sa pwesto ko at nakitingala sa langit."Bata pa lang ako,mahilig na ako sa bituin.Pinalagyan ko din yung room ko nuon ng mga ilaw na korteng star.Naaalala ko nga nuon,madalas kapag tinatanong nila dad kung saan ko gustong mamasyal,palagi kong gusto na sa Planetarium kami pumunta._AKO.Hindi ko alam kung bakit magaan ang pakiramdam ko kapag nakikipag kwentuhan ako kay Leli lalo na kapag kaming dalawa lang.
"Sana pala ikaw ang may name na Star at hindi ako.Hindi naman kasi ako masyadong mahilig sa bituin.Nakakangalay kasi tumingala._Leli. Na bahagyang natawa sa sinabi nya.Natawa din ako ng mahina.
"Bakit ka nga pala andito?I mean,Dyan ba kayo nag stay ngayon sa mansyon nila Mikay?_AKO.This time,naki upo na din ako sa tabi nya.
"Tinawagan kasi sya ng daddy nya.Nalulungkot daw,kaya sana dito na muna sya mag stay pansamantala.Hindi pa naman kasi ako inaantok kaya naisipan kong maglakad lakad muna.Hindi ko namalayan,nasa bungad na pala ako ng tunnel kaya dumiretso na ako dito._Leli.Napayakap sya sa sarili nya ng umihip ang malakas na hangin.Inalis ko naman ang jacket ko at ipinatong sa balikat nya.
"Buti na lang pala at dito ko naisipang dumiretso pagka galing ng bar.
Nagpapawala ng tama.Mas feel na feel mo yung sariwang hangin kapag nakainum ka eh.hehehe._AKO."Uhmm,Kaya pala amoy alak.hehehe.Joke lang._Leli.
"Ohhh,Im sorry.Pasok muna ako sa haus para magtoothbrush._AKO.
Tatayo na sana ako para maglakad papunta sa mansyon pero pinigilan nya ko.
Hindi ako nakapagbalance sa pagtayo kaya bahagya akong natumba at pati sya napasama sa pagtumba ko.At dahil nasa itaas kami ng burol,unti unti kaming nagpagulong gulong pababa sa damuhan.Mabuti nalang at nakayakap sya sa akin at agad kong inalalayan ang ulo nya gamit ang kamay ko.Sa isang may kalakihang bato kami napahinto sa pag gulong gulong.
"Leli,Ayos ka lang ba?May masakit ba sayo?Napilayan kaba?_Tarantang tanong ko.Hawak ko pa din sya sa ulo nya at habang magkayakap kami.
"Ayos lang ako.Ikaw ba nasaktan ka ba?_Leli.Halos magkabungguan na ang mukha naming dalawa sa sobrang lapit.
Hanggang sa hindi sinasadyang napatitig ako sa mukha nya.Pakiramdam ko,bigla akong nag init sa sobrang lapit namin habang magkausap.Naaamoy ko ang mabango nyang hininga,at bigla akong na patingin sa labi nyang mapupula.Ilang saglit lang ay namalayan ko na lang na unti unti ng lumalapit ang labi ko sa mga labi nya.
Sa simula,mainit na dampi lang ang iginawad ko.Hanggang sa nakita ko na napapikit sya kaya dahan dahan kong idiniin ang labi ko sa labi nya.
Napahigpit pang lalo ang pagyakap nya sa akin kaya naman hindi na ako nailang at saka ko sinimulan ang paghalik ng mas malalim,ilang segundo pa bago ko naramdaman na nagsisimula na din syang tablan at lumalaban na sa paghalik.Matagal din kami sa ganong posisyon ng bigla kaming makarinig ng mga taong nagsasalita ng papalapit sa amin.Agad kaming nagkalas at saka agad na tumayo si Leli at tumakbo papalabas ng secret door.Agad naman akong napahiga na lang dun sa damuhan at saka ako nakita ng mga gwardiya na nagpapatrol sa paligid ng bahay."Boss Gillianne?Ano pong ginagawa nyo dyan sa damuhan,Nadulas po ba kayo?_Mang Delfin.(gwardiya pa nila mom and dad nuon pa)
"Napagtripan ko lang pong magpahangin dito at tumingin tingin sa mga bituin Manong Delfin.Ayos lang naman po ako dito._AKO.Alam naman kasi nyang andito ako sa mansyon kaya hindi na sya nagulat na makita ako dito
"Pero wala na pong mga bituin Boss Gillianne.Baka po abutan pa kayo dito ng ulan.Tayo na pong pumasok sa loob._Mang Delfin.Tinulungan nya pa akong tumayo at saka inalalayan papasok ng bahay na parang bata.
Nasa shower room na ako ng maalala ko ang eksena kanina.Napakagat nalang ako ng labi at napangiti.Infairness sa kanya,kahit halatang first time nya pa lang humalik,MASARAP SYA.
BINABASA MO ANG
"KUNG IKAW AY ISANG PANAGINIP " (THE LAST DESCENDANT OF LORENZO'S)
रोमांसSa unang tingin,hindi mo aakalaing galing sa mayamang angkan si GIL.Sanggano,brusko at arogante.Yan ang pagkakakilala sa kanya ng lahat.Hindi mo din sya makikitaan ng sensyales ng pagiging babae,Sa buhok,itsura,pananamit at kilos...Lalaki syang tign...