81.Gil

893 37 2
                                    

Its been a while since the last time na magkita kami ulit ni Leli.At totoo naman ang sinabi ni Gold na mas lalong gumanda si Leli dahil sa malamig na klima sa Baguio.Mamula mula sya at hindi naman nangitim kahit na babad sila sa pagti train nuon sa PMA.Bumagay din sa kanya ang suot nyang uniporme.

"Mom, I think Gillianne need to have a bodyguard while nasa LA kami ni Annie para magbakasyon._Daddy Grae.Nasa Casa Italiana kami para magdinner ng buong family.Paalis kasi sila mom and dad with Dana para magbakasyon at magbonding na din.

"Dad I dont need to have a bodyguard, Kaya ko namang alagaan ang sarili ko.
At saka isa pa, andito naman sila Momshie at Pops kaya im sure im safe _AKO.Sabay hawak sa kamay ni Momshie.

"Sang ayon ako dyan! Kailangan mo nga talaga ng bodyguard my darling Gillianne, Kahit andito kami ng Popshie Gian mo, Mas mapapanatag kami kung may kasama ka palagi.
Hindi biro ang maging CEO ng isang malaking kumpanya iha, Alam ko kung gaano ka delikado ang sitwasyon mo ngayon, Mas mabuti na yung nakakasigurado tayo._Momshie.
Bigla naman akong nadismaya sa sinabi nya.Akala ko pa naman makakalusot na ako na walang bodyguard na nakabuntot sa akin kahit saan ako magpunta.

"Hahahah.Good for you my dear sister! Para naman may magbabantay sayo sa mga kalokohan mo.Akala mo hindi aware sila Mom sa mga pinag gagagawa mo kapag weekends with your barkada noh? Last night kaya muntikan na naman kayong mapahamak dahil dun sa tinulungan nyong mga babae na binastos nung anak ni Congressman Romano.Mabuti na lang at dumating kami ni Mikay at kakilala nya yung anak ni congressman kaya hindi kayo nagpang abot.Alam mo bang mga sira ulo yung grupo nun._Dana.

"See anak, Kaya nga ba ayoko na sana na nagpupunta pa kayo sa bar ng mga kaibigan mo.Bakit di kaba gumaya kila Gold at Grant na mula ng mag asawa at magka gf hindi na mahilig gumimik at sa bahay na lang nag I stay palagi._Mommy Annie

"Mom, gumigimik pa din naman kami with Gold and Grant, Nagkataon lang na sila Vienna at Candy lang yung kasama ko nung time na yun.
At saka hindi naman ako yung nagsisimula palagi ng gulo, I was just trying to help.Masama ba tumulong sa kapwa?_AKO.Kailangan ko mag drama para lang hindi ako bigyan ng bodyguard.

"Alam naman namin na hindi ka talaga pasimuno sa gulo iha, Kaya lang nag aalala kami sa mga pwedeng mangyari sayo.Hindi ka din naman pinagbabawalana na gawin ang mga gusto mo Gillianne, Ang sa amin lang mas panatag kami kung may makakasama ka at magbabantay sa kaligtasan mo kahit saan ka magpunta.Kaya wag ka ng kumontra sa sinasabi ng momshie Bianca at Mommy Annie mo para hindi na sila mag alala sayo ng husto._Popshie Gian

At dahil wala naman akong choice kundi ang sumunod sa gusto nila, Si daddy na lang ang hinayaang kong maghanap ng bodyguard na mag babantay sa akin.Hindi ko naman ninaasahan na si Leli pala ang kukunin nyang taga bantay ko.

"Leli, Mabuti naman at ikaw ang napiling bodyguard ni General para magbantay kay Gil.Makakasama ka na din namin kahit ng ilang linggo.
_Sunny.
Andito kami sa condo ni Moana.Ito ang bayad ni Mikay sa kanya sa pagiging bodyguard namin nuon.
Si Sunny naman, ibinili nya ng bahay at lupa ang pamilya nya.At ako naman, sa Baguio nakabili ng bahay namin ni mommy at yung pinagbentahan ng boutique namin dito sa Maynila ang pinuhunan nya sa pagnenegosyo ng patahian at maliit na boutique shop.

"Leli, After mo grumaduate sana dito kana din magpa assign sa Manila.Para naman palagi ka na namin makakasama._Moana.

"Anu ba naman kayong dalawa, pabayaan nyo nga si Star magdecide sa gusto nya.Sa palagay nyo gusto nya pa kayo makasama? Kaya nga lumayo yan dahil naumay na sa inyong dalawa eh.hehehe._Gold.

"Loko ka talaga Gold Hindi naman sa ganun.Mas maganda lang kasi ang simpleng buhay sa probinsya.Bukod sa malamig na klima, Tahimik ang buhay.Malayo sa pulusyon at saka masaya naman duon._Leli.Tahimik na nakikinig lang ako sa usapan nila.Hindi sana ako pupunta talaga dito sa condo ni Moana kaya lang wala akong nagawa nung magka sabay akong hinatak ni Sunny papasok sa kotse nila ni Gold.Inabangan kasi talaga ako palabas ng opisina nung dalawang mag asawa.

"Kunsabagay, masarap nga talaga ang buhay sa probinsya.Lalo kana,dun ka din kasi nag aaral.Kamusta naman ang lovelife? Eto kasing si Gillianne, Ang hina hina pagdating sayo.May BF kana ba Star?_Gold.Napatingin naman ako ng masama kay Gold. At saka tumayo papunta sa ref para kumuha ng bottled water.Ewan kung sa takot ko na baka may bf na ang isagot ni Leli sa tanong o dahil sa gusto ko lang umiwas sa pagtitig ko sa kanya.Baka kasi napapansin nyang panay ang tingin ko lang sa kanya kaya medyo nag aalangan ako.

"Hahaha.As if naman manliligaw yang si Gil kay Leli? E di sana nuon pa kung talagang gusto nya tong kaibigan namin.Magpakatotoo na tayo,iba ang type nyang si Gillianne.Diba Gil, Di mo type tong si Leli?_Sunny.

"Bakit mo naman nasabi na di nya type si Star aber? Porke di lang agad niligawan di na type, malay mo nag aantay lang ng tamang pagkakataon tong si Gil diba Gil?_Grant.Sabay akbay sa akin.

"Kelan pa yung pagkakataon na yun? Baka huli na ang lahat bago pa mangyari yun.Well anyways, kumain na lang tayo para makapag kwentuhan pa tayo after
_Moana.Sabay sabay naman kaming nagsipuntahan na sa mesa at nagsimula ng kumain.

"Ano na nga Star, May bf kana nga ba? Kasi kung wala pa, irereto kita sa friend ko na abogado.Since ayaw mo naman yata sa lesbian._Gold.

"Uhmm, honestly wala naman sa gender yun.Basta mabait lang at mapagkakatiwalaan okey sa akin.Pero sa ngayon, gusto ko na muna sanang mag concentrate sa pag aaral at sa trabaho.Pagka graduate sana gusto kong magka trabaho kaagad kaya magiging unfair lang ako sa magiging karelasyon ko kung sakali._Leli

"Pwede namang pagsabayin ang work at ang lovelife kung sakali.Nagkataon lang na hindi mo pa kasi nahahanap si Mr.Right kaya mo yan nasasabi.
Basta Leli, Gusto ka din naman naming makita na masaya kaya sana nga dumating na sya para pare pareho na tayong happy lahat.
_Sunny.

"Haaay naaku, Mahirap kasi talaga yang ganyan na pinipigilan ang puso maging masaya kahit gusto naman.
Ewan ko ba kasi kung bakit nauso pa ang salitang "TAGUAN NG FEELINGS".
_Grant.Saka tumingin sa akin.

"Hayaan nyo, kapag nahanap ko na si Mr.Right, ipakikilala ko sa inyo agad para hindi nyo na ko palagi kinukulit sa lovelife ko.hahaha.
_Leli.Napatingin sya sa akin ng di sinasadya at saka napahinto sa pagtawa.

"KUNG IKAW AY ISANG PANAGINIP " (THE LAST DESCENDANT OF LORENZO'S)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon