Ilang araw pagka tapos ng insidente,wala na akong nabalitaan pa kila Mikay.Siguradong pagkatapos ng nangyari,May dahilan na naman si Mikay para iiwas ang sarili nya.
"Gillianne,Naayos na namin ang papers para sa pagkuha sa mga bata.
May nakapag tip na din sa amin kung saan sila itinatago.Wag kang mag alala dahil sinisiguro naming walang batang mapapahamak sa gagawin naming pag responde._Chief Gomez."Salamat po ng marami chief.Aasahan ko po yang pangako nyo.Sana nga po ay magtagumpay kayo sa gagawin nyo.Ipagdarasal ko po._AKO.
"Salamat din sayo.Malaking tulong ang mga nakalap mong impormasyon at mga ebidensya.Matagal na naming target ang grupo na yan pero talagang mabigat ang humahawak sa kanila.Ngayon,wala na silang kawala_Spo4.Mira.
Tumango naman ako at saka sumaludo sa kanila.Agad akong umalis na sa presinto at saka tumuloy na muna sa Alabang.Gusto ko lang muna mapag isa.Nagsindi ako ng yosi at saka bumaba sa sasakyan ko.Nag stay muna ako sa burol para magpahangin.Naalala ko si Leli,Kung saan kamuntik muntikan na naman syang mahulog at muli ko na naman syang nasagip.
Saka ko naalala yung sinabi nyang tunnel na nakakonekta sa bahay ng mga Mariano.Papaanong mangyayari na may sikretong daan patungo sa baqhay ng mga Mariano gayung patay na ang lolo Ignacio ng ipinagawa ang bahay na ito ni Momshie?Maaaring si Momshie ang nagpagawa ng lihim na lagusan para makapag manman sa pamilya Mariano.
Papasok na sana ako sa pader na nag uugnay patungo sa lagusan ng may marinig akong busina ng kotse kaya hindi ko na muna itinuloy.
"Gillianne darling,Sabi ko na nga ba at nandito ka eh!Anong ginagawa mo sa burol,Nagsisigarilyo ka na naman ano?Sabi ng tigilan na yan baka magkasakit kapa._Momshie.Agad akong humalik sa kanya.
"Momshie,What are you doin here?Dont worry about my cigarette habit, paminsan minsan lang naman yun kapag may malalim akong iniisip. Palagi naman akong may vaccine at nagti take ng vitamins eh._AKO.
"Pinapuntahan ka sa akin ng Popshie mo,Sabi nya baka daw nag aalala kapa dun sa mga bata.Nasa pangangalaga na silang lahat ng DSWD at ng mga otoridad.Kaya wala ka ng dapat alalahanin._Momshie.
"Mabuti naman kung ganun momshie.Salamat sa tulong nyo._AKO.
Napayakap sa kanya ng mahigpit at saka kami sabay na pumasok na sa mansyon."Syanga pala darling,Yun palang mga alahas na nasa underground ipinalipat ko na yung iba sa kwarto mo.May mga natira dun sa ibaba pero mabababang uri lang yun ng ginto kaya hindi ko na isinama.Nakita mo na ba?_Momshie.
"Hindi kasi ako madalas pumasok sa kwarto ko momshie,Sa underground ako madalas tumambay.I'll check nalang later kapag hindi na ko busy.
Syangapala,dito kaba magdi dinner?_AKO."Ohhh no no no!Uuwi ako sa Lobisa.Alam mo naman yang Popshie mo hindi sanay na wala ako sa tabi nya.hahahah._Momshie.
"Hahaha.Nagsalita ang sanay?Kayo talagang dalawa ni Pops,para kayong laging bagong kasal.Halos ayaw nyo ng maghiwalay kahit ilang oras lang eh._Ako.Nakaka bilib talaga ang pagmamahalan nilang mag asawa.
"Gayan talaga ang LOVE my darling.Kapag ikaw ay natuto na ding magmahal,saka mo lang kami maiintindihan ng popshie mo.Kapag itinadhana kayo na magkatuluyan,walang makahahadlang kahit sino pa mang makapangyarihan._Momshie.
"Oh come on Momshie,ang corny mo na ha.Tama na yan.hahaha.
Last mo na yan!Change topic na.Oh naalala ko na,matagal ko na itong gustong itanong eh.Yung dating Land Mining site nyo ba nuon nakapunta kana sa mismong ilalim nun momshie?_AKO."Sa pagkaka tanda ko,hindi naman nakakapasok duon sa ilalim lalo na ang mga bata.Dun sa mga nasa may sapa at nananala ng mga butil ng ginto nakapunta na ako duon._Momshie.
So,wala ngang ibang nakakita sa itsura ng vault maliban kay Mariano pa lang at ako."Momshie,Mahirap bang maging mayaman?_AKO.
"Hahahaha.Ano bang klaseng tanong yan?Pero sige since nagtanong ka,dapat sagutin ko.Uu mahirap maging mayaman dahil habang umaakyat ka paitaas madami din ang gustong humila sayo paibaba.Lalo na sa larangan ng business.Madami kang makaka kompitensya at madami din ang maiinggit sayo.Pero hindi mo kailangang magpasindak sa kanila.
Dapat marunong ka ding lumaban._Momshie."So papano kapag ako na ang namamahala ng negosyo natin Momshie,Ibig sabihin,dadami din ang makaka away ko?_AKO.
"Hahahaha.Totoo yan.Kita mo nga ngayon pa lang wala ka pa sa kumpanya may mga kaaway kana hindi ba?Hindi yan maaalis lalo pa at ikaw ang nangunguna.Sisirain ka ng mga kalaban mo,pati pamilya at buhay mo guguluhin nila para lang mawala ka sa itaas.Pero anak,hindi ko sinasabi ang lahat ng ito para pahinain ang loob mo.Sinasabi ko ito sayo para mapaghandaan mo ang mga problemang darating sayo._Momshie.
"Nakakabilib ka talaga momshie,Lahat ng taong gustong sumira sayo at manghila sayo paibaba hindi ka nagpatalo at patuloy mo pa ding itinaguyod ang kumpanyang pinaghirapan ng mga magulang mo._AKO.
"Alam mo ba ang sikreto ko kaya nakayanan ko silang patumbahin lahat?
_Momshie."Ano namang sikreto yun Momshie,pa share naman para ganun din ang gagawin ko in the near future._AKO.
"Hindi ano,Kundi Sino.Walang iba kundi ang Popshie Gian mo!_Momshie
"Wow naman.Sya talaga?Parang lucky charm kumbaga momshie?_AKO.
"Parang ganun na nga.During times kasi na pinanghihinaan na ko ng loob nuon at parang sinasabi ko sa sarili ko na,tama na.Okey na ko kahit wala ako sa pinaka taas,Okey na ko sa mga pamana ng daddy ko,hindi na maghihirap ang magiging pamilya ko,mga ganun thinking...Saka ko naman nakilala si Gian at ipinaramdam nya sa akin na hindi ako mag isa.
Kahit na sympre andyan ang mga kaibigan ko,iba pa din yung pagmamalasakit at pagmamahal mula sa taong nagbibigay ng inspirasyon sayo.Sabi nga nila,hindi kayang bayaran ng kahit magkano ang PAGMAMAHAL.At totoo naman yun.Kahit gaano pa ako kayaman at katayog,kung wala namang MAGMAMAHAL SA AKIN AT MINAHAL KO balewala din ang lahat ng YAMAN sa mundo._Momshie."Wooooh!Grabeh Momshie.Na move ako dun sa sinabi mo ah!Ang lupet!
How about Mom and dad,Ano naman ang koneksyon ng love story nila sa yaman ng pamilya natin Momshie?_Ako."Sa kaso naman ng daddy at mommy mo,Parang hindi pera ang isyu sa pagmamahalan nila kundi PAGTITIWALA.
Both of them are so loyal to each other to the point na sa sobra nilang tiwala sa isat isa nakakalimutan na nila pati mga sarili nila.
Nakakabilib ang nanay mo sa pagiging Loyal nya sa tatay mo.Kahit halos wala ng panahon ang tatay mo sa pamilya,Hindi pa din sya kahit kelan bumibitiw sa Pagmamahal sa daddy mo.Hanggang ngayon,Nag iintay pa din sya sa pagbabalik ng daddy mo._Momshie."Momshie,Parang gusto ko na talagang maniwala sa kapangyarihan ng LOVE dahil sa mga narinig ko coming from "PAULA BIANCA IGNACIO LORENZO"_AKO.Then i hug her tight at saka kami nagkatawanang dalawa
BINABASA MO ANG
"KUNG IKAW AY ISANG PANAGINIP " (THE LAST DESCENDANT OF LORENZO'S)
Любовные романыSa unang tingin,hindi mo aakalaing galing sa mayamang angkan si GIL.Sanggano,brusko at arogante.Yan ang pagkakakilala sa kanya ng lahat.Hindi mo din sya makikitaan ng sensyales ng pagiging babae,Sa buhok,itsura,pananamit at kilos...Lalaki syang tign...