Parang bigla akong nakaramdam ng lungkot habang nakikita kong may kasayaw na magandang babae si Gillianne.Hindi ko alam kung bakit after naming mag usap ng dalawa lang kami nuon,saka ako may naramdamang kakaiba para sa kanya.Nagkakagusto na nga ba ako sa anak ng Boss ko?
"Star,Are you okey,Is there any problem?_Brix.Yung lesbian na nakatoka sa akin na babantayan ko habang nagbabakasyon sila dito sa Manila.
"Yes im okey.Sorry kasi hindi ko masyado marinig yung sinasabi mo dahil sa malakas na sounds_AKO.
"Ang sabi ko,samahan mo ko magsayaw!_Brix.Na panay ang lapit sa tenga ko para madinig ko ang mga sinasabi nya.Mabuti nalang hindi sya fluent sa pag i english dahil malamang dumugo ang ilong ko sa pakikipag usap.
"Sorry but i dont know how to dance sir._AKO.Nahihiya ako magsayaw at isa pa ayokong makasabay sa pagsasayaw sila Gil.
"Ohhh hindi pwede.Gusto kong sumayaw at ikaw ang gusto kong kapartner.Lets go and let the party started!_Brix.Na hinila ako papunta sa dance floor kahit ayaw ko.
Sumunod naman sila Mikay at Dana sa amin.Mabuti nalang at napalitan na ang tugtog sa disco music kaya hindi na mapapansin na hindi ako sumasayaw.Basta nakatayo lang ako duon habang humahataw sa dance floor sila Mikay,Dana at Brix.Agad namang nagsisunod sila Moana at si Fil at sa huli,sumunod na din sila Sunny at Rain kaya mas dumami na ang tao sa dance floor.
"Sunny,Look at Gold over there.Nagwawala sa dance floor.Mukhang nakarami na ng inum ah.hehehhe_Mikay.
"Pabayaan mo lang sila.Hindi na natin sila problema kahit na magsipaghigaan pa sila sa dance floor.Mind your own business Mikay.Hindi natin sila kargo._Dana.
"Hahahha.Sabagay.Pero look at Gillianne,ang lupit ng kapartner ah.
Perfect body na maganda pa ang mukha.Iba talaga si Gil pagdating sa babae eh!_Mikay."Magaling lang yung nag opera sa kanya,mahal siguro ang bayad.Im sure pati boobs nyan fake din._Dana.
"Hahahha.Napansin ko nga.Look at the girl with pink hair color feeling nya siguro ang ganda ng porma nya.She looks like a kpop wannabe!_Brix
"Hahahha.Your so mean brix!Palibhasa,mga tisay ang bet mo kaya ayaw mo ng ASIAN beauties!_Rain.
"Ofcourse not.Sa palagay ko,this time Pinay beauty na ang gusto ko._Brix Saka tumitig sa akin ng matagal.Hindi naman ako nagsalita at imiwas na lang ng tingin sa kanya.
"Ohh my gosh,Look at Gold and her dancing partner.Their almost kissing while dancing.Hahahaha.Nagwawala talaga si Gold ha...Mukhang mas maganda kung i video ko kaya para may remembrance ako._Mikay.
Kukunan na sana nya ng video sila gold kaya lang pinigilan sya ni Dana kaya hindi na nya itinuloy.
Napansin ko namang nawala bigla si Sunny maya maya kaya nagpaalam ako na susundan ko lang."Bumalik agad kayong dalawa ha,Mahirap na at baka may sumalisi sa aking kaaway.Madami pa naman kami ditong binabantayan nyo._Mikay.
Nagsipagbalikan na din muna sila sa table nila at saka ako nagmamadaling bumaba ng hagdan."Pabayaan mo na muna silang mag usap.Give them time para mailabas nila yung nararamdaman nila sa isat isa._Gillianne.Na kahit nasalikuran ko,alam ko agad na sya yung nagsasalita.
"Bakit andito ka,hindi ba kanina lang nagsasayaw kayo nung babaeng kasama mo?_Ako.
"Wow!Kilala mo na talaga ako kahit hindi mo na ko tignan ha.Nakakabilib ka.Saka infairness dyan sa mga mata mo,kahit malayo ang distansya ng mga mesa natin nakikita mo na may kasama akong babae._Gil.
"Alam mo ikaw,feelingero ka kahit kelan eh.Wala namang ibang tao na mahilig mamuna at mang inis sa akin kundi ikaw lang!_AKO.
"Hhahaha.So ibig sabihin,kilalang kilala mo na talaga ako kahit pa boses ko pa lang ang naririnig mo?Mahusay!Pero sa pagsasayaw,para kang tuod
Naaawa nga ako dun sa partner mo kanina,hirap na hirap kang pasayawin._Gil."Napakayabang mo talaga.Ano naman sayo kung para akong tuod magsayaw ha?Palibhasa kayo nung partner mong salamat po doctor,kulang na lang magkapalit na yang mga mukha nyo sa sobra nyong dikit!_Ako.Saka ako biglang natigilan sa sinabi ko.
"Hahahaha.Talaga palang tinitignan mo lang kami ng kapartner ko noh? At alam mo din na salamat po doctor ang beauty nya.Habang nagsasayaw ba kami,nakita mo din kung gano sya kalambot gumiling?Hang lupet diba?_Gil.Na halata namang nang aasar lang.
"Wala akong pakialam kahit na anu pang gawin nyo ng kapartner mong fake.Pwede ba,kailangan ko ng makausap si Sunny para makabalik na kami dun sa loob.Hinahanap na kami ni Mikay._AKO.
Wala na syang nagawa nung sundan ko na sa loob ng isang maliit na room sila Sunny at Gold na nag uusap.Napansin ko na pareho lang silang nakayuko at halatang galing sa pag iyak pareho.Agad na tumayo si Sunny pagkakita sa akin at saka ako sumunod sa kanya palabas.Naiwan lang sa loob si Gold na pinuntahan naman ni Gil.Bago ako sumunod kay Sunny,dinig ko pa ang pigil na pag iyak ni Gold sa loob ng maliit na room.
"Pwede ba Mikay,pagsabihan mo yang manyakis mong bisita na umayos sya!Hindi lahat ng babae dito game makipag flirt sa kanya.Wala ka sa Amerika,tandaan mo yan!_Grant.Sabay duro kay Fil.Napansin ko naman si Moana na bahagyang natigilan.Agad ko syang nilapitan.
"Moana,anong nangyari?Bakit galit na galit si Grant kay Fil?_AKO.
"Naabutan ko si Fil na panay ang himas kay Moana eh.Tapos eto namang si Moana,panay lang ang iwas hindi naman maka angal.Napansin tuloy ni Grant kasi pahalik halik na sa balikat ni Moana eh tapos nung pinigilan sya ni Moana,nasampal nya kaya ayun biglang nagalit si Fil.Nakita ni Grant kaya ayun nagkagulo na._Sunny.
"Lets go na guys,baka lumala pa ang gulo.Sa bahay na natin pag usapan yan.Madami ng tao sa paligid.Baka ma media pa tayo mahirap na._Dana.
"Pwede ba Grant kumalma ka nga lang.Tauhan ko ang naagrabyado kaya ako ang bahalang umayos dito.Wag ka ngang gumawa ng eskandalo pwede ba?_Mikay.
"Ako pa ang gumagawa ng eskandalo?Yang manyak mong kasama ang eskandalosa.Ano,porke tauhan nyo pwede nyo ng bastusin?_Grant.
Agad naman syang inawat nila Gold at Gil pagdating nila galing sa baba."Grant stop it!Ako na ang bahala sabi eh.Don't worry,hindi ako papayag na maagrabyado ang mga bodyguards ko.Sisiguraduhin kong hinding hindi na mauulit pa ang ganung pangyayari sa susunod._Dana.
Sabay sabay naman kaming umalis na at naiwan pa sila Gil,Gold at Grant duon na malamang tuloy pa din sa pag iinuman.
"Gusto kong bukas na bukas din pabalikin mo na sa L.A yang tatlo mong mga kaibigan Mikay.Ayoko na silang makita at makasama pa ulit simula bukas._Dana.
Sa isang kotse lang kaming lima at hinayaan na ni Dana yung tatlong magkakasama pauwi."Boss Mikay,Pasensya na po sa kanina.Pinipigilan ko naman po talagang iignore na lang sana para walang gulo eh kaya lang hindi ko na talaga mapigilan._Moana.
"Hindi mo kasalanan yun Moana,Si Fil talaga kasi kapag nakakainum yun masyadong malikot.Pasensya ka na din._Mikay.
Nagkatinginan lang kami ni Sunny sa salamin.Hindi ko alam kung sincere yung mga sinabi ni Mikay o dahil nasa tabi lang kasi nya si Dana.
BINABASA MO ANG
"KUNG IKAW AY ISANG PANAGINIP " (THE LAST DESCENDANT OF LORENZO'S)
RomanceSa unang tingin,hindi mo aakalaing galing sa mayamang angkan si GIL.Sanggano,brusko at arogante.Yan ang pagkakakilala sa kanya ng lahat.Hindi mo din sya makikitaan ng sensyales ng pagiging babae,Sa buhok,itsura,pananamit at kilos...Lalaki syang tign...