Panahon na siguro pala ipagtapat kila mommy at daddy ang lahat.Wala na akong choice kundi aminin sa kanila ang mga naging plano ko at mga taong kasangkot.Pati ang pamilya ng mga taga pangalaga ng password ng vault,sasabihin ko na din na ako ang kumupkop.
"Anong ibig sabihin ng sekretong lagusan na naka konekta sa bahay ng mga Mariano at sa bahay natin dito sa Alabang?Alam mong paglabag yun sa batas Grae!_Mommy.Bakas sa mukha nya ang pagkalito.
"Baby,kumalma ka.Hayaan mo munang makapagpaliwanag ang anak natin._Daddy Gian.Na kahit kelan,hindi mo nakitaan ng galit at inis sa akin kahit madami na akong kapalpakang nagawa sa buhay.Sana kahit kalahati ng pagiging mapagpasensya ng daddy,namana ko manlang.
"Ako ang nagpagawa ng sikretong lagusan na yun mommy.Para may access ako sa pagmamanman sa mga sikreto nila MARIANO.Nabalitaan ko kasi na sa Mansyon na yun nakatago ang CHIPS at yun lang ang tanging paraan para mabawi ang minahan at malaman ang lihim ng sikretong vault.
"Papaano ka naman nakakasiguro na na kay Mariano nga yung chips?Kung nasa kanya yun,Sana nuon nya pa yun nabuksan._Daddy.Tama nga naman si dad.Pero huli na bago ko narealize yun.
"Dahil nga kasi hawak nya yung tatlong taong may hawak ng password.I mean,Ang sabi ni Miggs,Binili nya sa BSG yung tatlo kaya napasakanya. Kaya naisip ko na siguradong alam nya din kung sino ang may hawak ng chips. Maaaring na kay Mariano Sr yun Mom.Lalo pa at napabalitang hindi sa hospital namatay ang matanda kundi sa bahay dahil pinipilit sya ni Miggs na ilabas ang chips_Ako.
"Nasa poder ni Mariano ang tatlong may hawak ng password?Papanong napasakanya?Sino sino sila?_Mommy.
"10 years ago,nang kidnapin ang mga batang sila Nuñez at Hidalgo ng grupong BSG.Ginawang alipin at pinahirapan.Pinagtrabaho at sinanay bilang mga bihasang manggagantso.Limang taon ang lumipas at si Cervantez naman ang sapilitang pinadukot at naging kasapi din ng BSG.See the logic mommy?Lahat ng batang yun,nasa pangangalaga ni Mariano ngayon._Ako.
"Pero si Cervantez ay ginamit mo din hindi ba?Ginawa mo syang asset mo at mata para mag manman sa mga Mariano.Anong pagkakaiba mo sa kanya ngayon?_Mommy.Saglit akong natigilan sa sinabi nya.Totoo naman kasi yun.
"Baby,pakinggan mo ang paliwanag ng anak mo.Siguradong may matindi syang dahilan kaya nya ginawa yun._Daddy.
"How bout you mom,Sino si Dana Rivera?Bakit kahit na isa syang US militar ay nagawa mo syang kunin at gawing mata mo din sa pamilya ni Mariano?Both of us,Hindi pa din tumitigil makamit lang ang hustisya at katotohanan hindi ba?_AKO.Bahagya syang natigilan sa sinabi ko.Hindi nya siguro akalain na malalaman ko ang tungkol kay Dana.
"Kaya nga kita kinakausap ngayon,Itigil mo na ang pagdidiin kay Mariano.
Ibaon na nating lahat sa limot ang nakaraan.Magsimula tayong muli ng panibagong buhay kasama ng asawa mo at anak._Mommy."Pero mommy hindi yun ganun lang kadali isuko.Madami ng napahamak.
Madami ng nadamay at nagbuwis ng buhay para basta na lang yun kalimutan.Kahit ang sarili kong pamilya nasira dahil duon tapos sasabihin mong itigil ko na?Ngayon paba ko susuko,kung kelan nawala na UGAT ng mga kaguluhan._AKO."At Sino pa ang pagbabayarin ko sa pagkamatay ng mga magulang ko kung wala na din yung dapat sana ay managot?Ano pang silbi ng pag alam sa katotohanan kung yung may kasalanan mismo ay inilibing na din ang kanyang sarili dahil sa kahihiyan at konsensya?Bago pa malagutan ng hininga si Miguel Mariano,Ako ang kahuli hulihang taong nakausap nya liban sa anak at apo nya,hiningi na nya sa akin ang kapatawaran sa kanyang mga nagawang pagkakamali._Mommy.
Hindi ako makapaniwala. Andun si Mom,habang nag aagaw buhay si Mariano?Ibig sabihin hindi totoong pinwersa ni Miggs ang ama para mapapirma sa papeles ng minahan?"Mom,What do you mean?Umamin si Mariano sayo na sya ang nagpapatay sa lolo at lola?Kailangan natin yang iparating sa mga otoridad,Tumawag tayo ng abogado para maliwanagan ang lahat._AKO.
"Walang kasalanan si Miguel Mariano! Ihiningi nya ng kapatawaran ang pagtatago nya sa katotohanan sa pagkamatay ng daddy at mommy.Gomez is the real murderer.Hindi nya sinadya pero dahil sa kagustuhan nyang maagaw ang minahan,nag utos sya ng tao para sadyaing alisan ng preno ang sasakyan na minamaneho ng dad at mamatay.Nagkataong ang Uncle Jack at si Mariano ang huling tao na nakausap ng daddy kaya sila ang napagbintangan. Hanggang sa hindi kinaya ng konsensya nya (Gomez)at saka sya nagpakamatay sa mismong minahan.Lahat ng yun,Ibinintang ng lahat kay MARIANO dahil sya lang ang kaisa isang buhay sa kanilang tatlo._Mommy.
"Ibig sabihin,Sa lahat lahat ng mga nangyari at naganap...INOSENTE SI MARIANO?Wala syang nagawang pagkakamali?Papano yung mga miners na natabunan ng lupa at mga pamilyang namatay?Papano nya ipapaliwanag yung paglipat ng minahan sa pangalan nya?Ibig bang sabihin nun,nanatili lang syang tahimik sa mga paratang at tinanggap ang lahat ng mga pambabatikos sa kanya kahit malinis ang konsensya nya ganun ba?_Ako.
"May mga ilan din daw syang nagawang pagmamalabis at pagkakamali pero sinabi nyang wala syang pinatay o pinapatay na kahit na sino.Aksidente ang nangyaring pagsabog nuon,Si Gomez ang may gusto na pasabugin ang vault pero hindi sya nagtagumpay.Huli na bago nila nalaman,at madaming tao na ang nadamay.Isa sa pamilya ng nasabugan ang gusto maghiganti.At nabuo nga ang BSG._Daddy.
"Anak,Binulag tayo ng paghihiganti at galit.Nakalimutan nating hindi sa paghihiganti at pagkasuklam lang umiikot ang mundo.Kung naging bukas lang tayo sa pagpapatawad,baka sakaling nuon pa natin nakita at nalaman ang katotothanan._Mommy.
"How about the chips and the password?Anong meron sa vault at ganun na lang ang pagtatago nun ng lolo?_Ako.
"Hindi ko din masasagot ang mga yan hanggat hindi pa nakikita ang micro chips.Kahit si Miguel Mariano,walang idea sa ginawang iyun ng lolo mo.
Isa pa nga pala yan sa gusto kong itanong sa iyo.Gusto kong makilala ang tatlong tao na may hawak ng password ng daddy._Mommy."Magagawan ko yan ng paraan mom.Sa lalong madaling panahon,Ipakikilala ko sila sa inyo._AKO.
"Anak,Habang maaga pa.Sikapin mong alisin ang galit sa iyong puso.
Alam kong ginagawa mo lang ang lahat ng iyun para sa akin,at sa pamilya natin.Ngayong unti unti ng nalilinawan ang lahat,sana naman ay matahimik na ang iyong puso sa paghahanap ng hustisya.Gawin mo syang inspirasyon para muli mong mabuo ang pamilyang minsan ng muntikang mawala dahil lang sa paghihiganti._Daddy."Patawarin mo ako anak,Napakalaki ng kasalanan ko sayo.Ako man ay nabulag din ng maling paraan ng paghihiganti.Patawarin mo ko sa napakalaking kasalanan ko sayo._Mommy.Hindi ko inaasahan ang malakas na pag iyak na iyon ni mom.Sa aming dalawa,mas higit akong makasalanan.Bukod sa mga nagawa ko sa pamilya ni Mariano,Ginamit ko din ang pamilya ng mga taong mas karapat dapat ingatan at pahalagahan at hindi gawing shield para sa pansariling interes lang.
"Anak,makinig ka sa amin ng mommy mo.Alam namin na malaking kasalanan namin ito sayo pero sana naman ay mapatawad mo kami.
Kami man ay hindi naging mabuti at tapat na mga magulang sayo kaya maiintindihan namin kung masuklam ka sa ginawa namin._Daddy."Daddy,Mommy.Anong kasalanan?Anong...Bakit ako sa inyo masusuklam?
Bukod ba sa mga nasabi nyo na,meron pang mas higit na matindi?
Come on,say it dad!Baka sakaling maintindihan ko yun.Sa dami ng revelations na narinig ko ngayon,Meron pa bang mas matindi pang hindi ko nalalaman?_AKO."GIORDANA LORENZO IS ALIVE!
BINABASA MO ANG
"KUNG IKAW AY ISANG PANAGINIP " (THE LAST DESCENDANT OF LORENZO'S)
RomanceSa unang tingin,hindi mo aakalaing galing sa mayamang angkan si GIL.Sanggano,brusko at arogante.Yan ang pagkakakilala sa kanya ng lahat.Hindi mo din sya makikitaan ng sensyales ng pagiging babae,Sa buhok,itsura,pananamit at kilos...Lalaki syang tign...