45.GRANT

962 38 0
                                    


DE GUZMAN FAMILY TREE

Glennda Pascual---------Samantha Irish Borris
■ ■
■■■■■■■■■■■■■■
Irenne Pascual--------Loren Deguzman
■ ■
■■■■■■■■■■■■■■


Grant Pascual Deguzman

Mula sa angkan ng pamilya Borris at Pascual,Na later on ay naging Deguzman dahil sa ang napangasawa ng mommy ay si Daddy Loren kaya naging Deguzman ang apelido ko.Kakambal ng daddy ang mommy ni Gold na si Aunt Lora kaya naging magpinsan kami ni Gold.

Masasabing angkan ng mayayamang tao ang pamilyang aking pinagmulan.Dahil sa ang Mamita Sam ko na isa sa share holder ng B.I.G corp ay anak ng mag asawang negosyanteng bilyonaryo.Bukod sa mga kayamanang naipamana sa kanila,namayagpag din ang pangalan ni mamita Sam dahil sa larangan ng pagnenegosyo.Idagdag pa ang yaman ni dadoods Glenn na lalong nagpayabong sa aming pamilya.

"Grant,anak.Wala ka ng inatupag kundi yang computer games na yan.Hindi kaba nagsasawa sa paglalaro ha?_Mommy Irenne.

"Dont worry mom,palipas oras lang naman ito.Nakakainip sa bahay kapag ako lang mag isa.Palagi naman kayong nag ta travel ng daddy kaya eto na lang ang napaglilibangan ko kapag wala kayo._AKO.

"Wag mong ikatwiran ang pag alis alis namin ng mommy mo dyan sa pagka adik mo sa games ha.Hindi na paglilibang yan,pagka adik na yan. Kahit yata nasa galaan kayo ng pinsan at kaibigan mo nakahawak kapa din dyan sa games mo eh!_Daddy Loren.

"Dad,ofcourse not.May buhay din ako sa labas kahit papano.Kung madalas nyo akong nakikita na panay lang ang paglalaro,kapag nasa labas ako at kasama ang barkada nakikipag sabayan din ako sa kanila sa kulitan._AKO.

"Bakit ba wala ka pa ding pinakikilala sa aming girlfriend mo ha?Baka naman masyado kang choosey sa babae,aba anak gusto ko namang makita kang masaya!_Daddy.

"Hoy Loren wag mo ngang igaya sayo yang anak mo sa pagiging babaero.
Palibhasa kayo ng daddy,mahilig sa mga sexy.Gusto mo pang impluwensyahan yang anak mo sa pagka manyak mo!_Mommy Irenne

"Hahahha.Grabeh ka naman sa manyak Hon!Marunong lang mag appriciate ng kagandahan at kaseksihan.Anak,wag kang maniwala dyan sa mommy mo,selosa kasi yan kaya sinisiraan ako._Daddy.

"Hello,Sino kaya sa atin ang selosa?Kaya pala palage kang nakabuntot kahit saang bansa ako magpunta kasi ayaw mo na may ibang umaali aligid sa kagandahan ko.hah!Nagsalita ang malinis!_Mommy.

"Hey!Baka naman mamaya away na yan ha.Stop it na mommy.Wag kayong mag alala dahil sa ngayon ini enjoy ko pa ang pagiging single.
Pero kapag nakita ko na yung right girl para sa akin,ipakikilala ko agad sa inyo._AKO.

"Okey anak,wag kang ma pressure sa amin ng mommy mo ha.Alam naman natin na mayaman ang mommy mo,pero hindi yan matapobre. Kahit na hindi kasing yaman ng mommy mo ang makatuluyan mo, hindi kami hahadlang.As long as nagmamahalan kayo at mabuti syang tao susuportahan ka namin._Daddy.

"Tama ang daddy mo anak.At saka hindi lang ako ang mayaman ha,yang daddy mo mayaman din.Pero ang point namin,basta yung mamahalin ka at aalagaan ng habambuhay hinding hindi kami makikialam sa pagmamahalan nyo._Mommy.

"Thanks mom and dad.Im always proud to have you both as my parents.
Kahit sa ibang tao hindi normal ang pagtingin nila sa kagaya nyo,never ko kayong ikinahiya.Palagi ko kayong ipinagmamalaki at ikinararangal.
Sobrang swerte ko sa pagkakaroon ng parents na gaya nyo.At wala na akong mahihiling pa kundi magkaroon pa kayo ng mahabang buhay.
I love you mom and dad._AKO.

....Pagkatapos ng performance namin,agad akong nagpalit ng damit.Hindi kasi ako komportable sa fit na skinny jeans at saka fitted shirt na pinatungan ko ng blazer.Mas komportable ako sa shorts lang at saka loose t- shirt.

"Congrats brad,ang lupeet ng mga the moves nyo!Bakit di kayo tatlo sumali sa dance contest ha?_Vienna.Inabangan kami sa backstage after ng performances.

"Hahahha.Nagulat nga ako dito kay Grant eh.Akalain mo na ganun pala sya ka graceful sumayaw.Akala ko pa naman sa inyong tatlo ikaw ang pinaka matigas ang katawan eh._Candy.

"Si Gold naman,halatang may pinapasikatan nung mga kembot eh.Kapag humahataw sabay tingin sa gawi nila Sunny.Hahahah._Jamie.

"Hahahha.Napansin nyo din palaAkala ko ako lang._Vienna.Sabay apir sa akin.Napansin ko namang tahimik lang si Gil habang nakasandal sa gilid ng stage.Parang may kung anong gumugulo sa isip.

Isang text message naman ang narecieve ko kaya agad kong binasa.

*from the MOON AND BACK*

=Ngayon ko lang nalaman na magaling ka palang sumayaw.Keep it up.May future ka sa showbiz.hahahha.=

Napangiti naman ako sa nabasa ko.Hindi ko inaasahan na manunuod sila Moana sa performance namin.Nauwa naman ako na nagustuhan nya pala ang pagsayaw ko.

"Oi nakangiti mag isa si Grant.Pumapag ibig na!hahahha.Sino yan ha?Pakilala na yan ng mapintahan kung papasa!_Gold.

"Wooooh!Ikaw na feymus Grant.Kakaiba nga yang ngiti mo eh.Madami bang fans na gustong magpa autograph ha?_Candy.

"Wag nga kayong anu dyan!Napangiti lang pag ibig kaagd?May naalala lang ako kaya ako napangiti.Tara na nga,sa tambayan tayo.Parang masarap tumagay ngayon eh.Sa wakas natapos din ang dilemma!_Ako

Habang nasa kotse naman ay saka ako nagreply kay Moana.Kapag kasi nakita na naman ako ng mga loko siguradong kukulitin ako kung sino ang katxt ko.

*from BACK to the MOON*

=Hindi ko inexpect na manunuod pala kayo.hahahha.Nakakahiya.Pero salamat sa papuri.Kapag ba nag showbiz ako papayag kang ikaw ang maging manager ko?=

*from the MOON and back*
=Hahahahha.Sige ba payag akong manager mo basta ba hati tayo sa kita ah.Natuwa din ako sa outfit mo,bagay pala sayo ang fitted jeans at shirt
lalo kang gumwapo.Oi naka smile sya,sinabihan ko syang gwapo.=

*from Back to the MOON*

=Dati ko pang alam na gwapo ako noh.Ikaw lang yata ang napapangitan sa akin eh.hahahha.Just kidding.Honestly,hindi talaga ako marunong mag sayaw,kaya lang hindi ko matanggihan yung request ng dadoods ko pati yung grand dad nila Gold at Gil kaya napilitan.hehehe=

*from the Moon and back*

=Ang galing mo nga eh.Di ko akalain.hehehhe.Syanga pala,need ko na matulog,maaga pa kasi kami bukas.=

*from back to the MOON*

=Okey,Goodnyt sayo.Papunta pa kami sa tambayan para magcelebrate.
Alam mo na kapag nagkayayaan.Btw,text mo sa akin kung saan ang lakad nyo bukas para magkita tayo.ingat palagi=

Hanggang sa wala na nga akong reply na naresib from Moana.
Actually,madalas kaming nagkakatxt ni Moana mula pa nuong magkasabay kami sa mall nuon.After that naging textmate na kaming dalawa.Pero kaming dalawa lang ang nakaka alam.Kapag nagkakasalubong kami at nagkikita,para kaming estranghero sa isat isa.

Kabaliwan mang matatawag,pero kahit sa text lang kami nagkakausap ni Moana,nag eenjoy ako sa company nya.Pakiramdam ko kapag magkatxt kami,parang matagal na kaming magkakilala.

"Grant anu ba,andito na tayo.Balak mo bang bumaba o dyan ka nalang sa kotse?_Gold.Nakisakay lang kasi ako sa kanya.

"Oo na,pababa na nga oh!Sunget mo,palibhasa napanuod ni Sunny kung papano ka sumayaw.Baka naturn off na lalo yun sayo.hahahha._AKO.
Binalibagan nya ako bigla ng pinto ng kotse nya at saka sya nagmadaling pumasok sa loob ng tambayan at iniwan ako na tawa ng tawa sa kanya.

"KUNG IKAW AY ISANG PANAGINIP " (THE LAST DESCENDANT OF LORENZO'S)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon