68.GIL

885 36 0
                                    

                 Upon checking the background and all the achievements na nakamit ng isang DANA Rivera.Masasabi kong hindi nga basta basta lang babaeng ito.Nagtapos ng Military  sa Amerika,Nagtraining sa isang sikat na Military Camp para sa maging dalubhsa sa pagiging secret agent,at mahusay sa larangan ng pagmomodelo.Ang hindi lang nabanggit ay kung nasaan sya mula ng isinilang hanggang sa mag limang taong gulang.

"Wooooh!Bigtime naman pala ni Dana,kaya naman pala ganun na lang kung i judge ka brad.hahahah.Kaidaran lang kasi natin sya pero nakatapos na ng college at achiever pa._Grant.

"Ga graduate na din naman tayo next month ah.Natagalan lang ako sa college dahil hindi ako nagpu full load._AKO.Si Grant kasi ay 5 years talaga ang course kaya nagpang abot kami sa pag graduate.Si Gold naman ay lilipat na ng UP college of Law after naming maka graduate dito.

"Bakit kasi hindi mo subukang mag seryoso sa kumpanya nyo Gil,Sayang naman kasi talaga yung time.Look at Mikay,kahit ganun sya kasama sa mga tauhan nya hindi pa din makakaila na para sa kumpanya nila ang ginagawa nya._Jamie.(kasabayan ko si Jamie sa kursong Bussiness Management pero mas nauna syang grumaduate at sya nga ang secretary ko sa opisina)

"I dont think kakayanin ko nang magmanage ng malaking kumpanya gaya ng B.I.G. Kaya nga sya corporation diba,hindi lang ako ang dapat na andun sa itaas._AKO.

"Hindi naman ibig sabihin na kapag magtatrabaho kana sa kumpanya ikaw na lang ang aasahan ng lahat,Tama ka na its a corporation.Pero bilang taga pagmana malaking responsibilidad ang naka atang sayo kaya dapat kang magseryoso._Jamie

"Hahahha.Alam ko na yung ayaw ni Gil kapag naging CEO na sya.Yung may mga bodyguard ng palaging nakabuntot sa kanya.Mga babaeng bodyguard naman ang iha hired mo kaya mas enjoy yun._Grant.

"Iba di kasi yung feeling ng malaya diba,Kapag nga naman nasa kumpanya na sya,hindi na sya basta basta makakapunta sa kung saan saan.I feel you bro!hhahaha._Jamie.

"Guys,Nabalitaan nyo na ba?Patay na daw ang matandang MARIANO.
_Gold.Na kadarating lang galing sa klase nya.Andito kasi kami ngayon sa opisina ng University.

"Ohhh no!Papano na yan Gil?Yung LAND MINE nyo?Sya lang ang susi para mabawi nyo yung minahan na yun hindi ba?_Grant.
Saka ako biglang napahawak sa buhok ko.Papaano pa namin mababawi yun kay Mariano kung si MIGGS na ang may hawak ng lahat ng documents.Siguradong gagawin nya ang lahat ng magic mapasakanya lang ang pagmamay ari dun sa lupa.

"Sa Mansyon na daw ng mga Mariano binawian ng buhay yung matanda.
According sa source ko,Matagal na daw duon yung matanda at wala sa hospital gaya ng pinapalabas palagi ni Miggs._Gold.

"Sa palagay mo may foul play sa pagkamatay ni Sr?Bakit kinailangan pa ni Jr palabasing nasa Hospital ang tatay nya kung nasa bahay naman pala nila ito?_Jamie.

"Oh come on!Pati ba naman daddy nya gagawan nya pa ng masama? Hindi naman siguro.Baka meron lang silang matinding dahilan kaya nila yun ginawa._Grant.

LAND MINING CORPORATION THIEF
BSG LEADER
CASINO HOTEL SYNDICATE
DRUG TRAFFICKING
CORRUPT POLITICIAN

Halos lahat ng mga yan,puro nabasura lang.Walang ni isang makapagpatunay na si MIGGS Mariano nga ang mastermind.

Tahimik ang buong pamilya ng Mariano sa pagluluksa.Parang nawalan sila ng pakpak at hindi makalipad.Madalas na sa balita lang nakikita ang mga kilalang tao na gaya nila,kaya napapansin mo ang kalungkutan sa mga mukha nila.

Kasama ang Momshie at Popshie,tatlo kaming dumalaw sa wake ng matandang Mariano.Nakita ko sa unahan ng upuan sila Mikay at ang daddy nya.Naka alalay din si Dana para kay Mikay na mugto ang mata sa kakaiyak.Agad tumayo si Miggs pagkakita kay Momshie at nakipag kamay naman kami sa kaniya ng Popshie.

Kung nuong una,hindi ako naniniwala na magugustuhan ni Dana si Mikay at meron lang syang nais makuha dito,Parang nag iba na ang ihip ng hangin.Pakiramdam ko,totoong nagugustuhan na din ni Dana si Mikay.
Napansin ko kasi ang pag aasikaso nya dito at pag aalala na hindi pwedeng sabihing pakitang tao lang.

"Mabuti naman at nakadalaw kayo kahit siguradong busy ang grand parents mo sa negosyo._Leli.Lumabas kasi ako para sana magsindi ng sigarilyo.

"Uhmm,Wala naman kaming magagawa kundi magbigay respeto sa dating kanegosyo ng lolo ko._AKO.Pinitik ko na lang yung yosi ko at di na sinindihan.Para kasing nahiya akong makita nyang naninigarilyo ako.

"Alam mo bang ng huli kaming nagkausap ni Sir Mariano,ang sinabi nya sa akin ay PATAWAD?Pero ang isinagot ko lang sa kanya ay,walang kapatawaran ang ginawa nya sa pamilya ko.Mula nuon hindi na ko naging panatag.Naisip ko kasi,ng humingi sya ng tawad sa akin ay parang inamin nya na din na sya nga ang  nagpapatay sa pamilya ko._Leli.

"Hindi ko din alam ang mararamdaman.Totoong namumuhi ako sa mga Mariano pero hindi tama ang mabuhay na may galit sa puso.Kaya naiintindihan kita na mabigat sa puso mo na hindi mo nasabi sa kanyang napatawad mo na sya at dala dala nya yun hanggang sa kabilang buhay.
_Ako.

"Gillianne,Tayo ng umuwi.Nagpaalam na kaming aalis._Momshie.

"May kausap pa lang magandang babae tong apo natin,Ipakilala mo naman kami sa kaibigan mo darling._Popshie.Na kumindat pa sa akin.

"Ahh,Momshie Popshie si Leli nga pala.Leli,sila naman ang momshie Bi at Popshie Gi ko._AKO.

"Magandang gabi po,Nice meeting you po.HAILEY STAR CERVANTEZ po.
_Leli.

"Cervantez ba kamo ang apelido mo iha?Pamilyar sa akin ang ganyang apelido.Parang meron akong kilalang ganyan.Anyways,we have to go, Its nice meeting you too Pretty lady!_Momshie.Na bumeso pa kay Leli.

Ngumiti naman si Leli sa akin ng paalis na kami.Kumaway pa ang Popshie sa kanya sa sasakyan habang papa alis kami.

"Magandang bata.Papano mo sya nakilala Gillianne?_Popshie.Nasa kotse na kami.

"Actually lady bodyguard sya ni Mikay at ni Dana.At nagkataong kaibigan din sya ng gf ni Gold na si Sunny._AKO.

"Ohhh,Lady bodyguard pala sya.Kaya pala maganda ang katawan.Halatang sanay at listo sa pagkilos._Momshie.

"Kamusta naman ang mga Mariano,Momshie?Wala bang nabanggit  tungkol sa nakaraan?_AKO.

"Hindi naman iyun ang tamang oras at lugar para pag usapan ang ganung mga bagay.Gaya nga ng sabi ng daddy mo,Ebidensya para sa Hustisya.
Kaya hindi pwedeng basta basta lang tayo manghuhusga ng wala tayong pruweba._Popshie.

"Speaking of ebidensya,Aware na kayo sa secret passage ng mansyon nila Mariano sa Mansyon natin sa Alabang?_AKO.

Parehong nabigla naman sila  momshie at popshie sa nalaman nila

"Secret passage mula sa bahay nila Miggs papunta sa bahay natin sa Alabang?Kelan mo pa alam to?Bakit di mo sa amin sinabi?_Momshie.

"Well,Akala ko naman kasi alam nyo na at inililihim nyo lang sa akin kaya ngayon ko lang itinanong._AKO.

Agad namang tinawagan ng momshie ang daddy para i confirm.







"KUNG IKAW AY ISANG PANAGINIP " (THE LAST DESCENDANT OF LORENZO'S)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon