"Personal akong nagpunta dito sa inyo,para magpasalamat ng taos puso sa lahat ng naitulong nyo sa akin at sa pamilya ko.Alam ko na mahirap at walang anu mang halaga na kayang tumbasan ang pagsasakripisyong ginawa nyo at ng pamilya nyo para sa pamilya ko.Habang buhay kong tatanawing utang na loob yun sa inyong tatlo._Bianca Lorenzo.Gusto daw nya kaming tatlo makausap at puntahan ng personal.Kasama nya ang mommy ni Gil na si Ma'm Annie
"Ganun din ako,Nagpapasalamat din ako sa lahat ng mga naitulong nyong tatlo sa amin.Lalo kana Hailey,Kundi dahil sayo baka tuluyan ng naligaw ng landas ang anak kong si Gillianne.Mula ng makilala ka ng anak ko,Nagkaroon sya ng direksyon at pangarap para sa hinaharap.Kung nuon,panay basag ulo at mga babae lang ang nasa isip ng anak ko,ngayon isang bagong Gillianne na anak ko.Salamat sayo iha._Ma'm Annie.Matamis na ngiti ang ipinakita nya sa akin pag katapos nyang magsalita.
"Naku ma'm ayos na po yun sa amin.Ang mahalaga po,maayos na ang lahat.Nabigyang linaw na kung sino ang tunay na may sala at naging payapa na ang mga puso at isipan ng bawat isa._Sunny.
"Syanga naman po Ma'm.Malaki din po ang pasasalamat namin sa mga nangyari dahil kundi dahil sa nakaraan,hindi kami ganito ka strong at kadeterminadong humarap sa buhay ngayon.Malaki din po pasasalamat namin sa inyo dahil sa hindi nyo ipinagdamot yung mga bagay na mayroon kami ngayon.Salamat din po ng marami sa inyo madam._Moana
"Naku,Momshie Bianca na din ang itawag nyo sa akin.Para ko na din kayong mga apo dahil sa mga kaibigan ko.Hindi na din iba sa akin sila Gold at Grant,kaya ituring nyo na din akong kapamilya._Ma'm Bianca.
Masaya akong madinig yun mula sa taong isa sa mga tinitingala pagdating sa pagnenegosyo.Totoo ngang hindi matapobre at mapangmata ang pamilya nila Gillianne kahit napakayaman nila."Salamat po Ma'm i mean momshie po pala.Totoo nga pong karapat dapat kayong paglingkuran ng mga pamilya namin kahit nuon pa man.Ngayon ko po napatunayan kung bakit ganun nalang ang pagpapahalaga sa inyo ng mga lolo namin nuong nabubuhay pa sila,kasi naman napaka buti nyo po talaga sa amin._Moana.
"Agree po ako duon.Napakabuti nyo po pala talaga hindi lang sa amin kundi sa lahat.Salamat din po sa mga nangyari nuon,nakilala namin ang mga taong totoong nagmamahal sa amin sa kabila lahat.Tinanggap at minahal nila kami ng buong puso._Sunny.Sila Gold at Grant ang tinutukoy nila.Na sa kabila ng mga hindi magandang nangyari sa amin nuon,walang pag aalingan pa din nila kaming tinanggap.
"Syanga pala,speaking of Grant and Gold.Mabuti pa sila at stable na at kinasal,Kayo ba Star ni Gil ay wala pang balak lumagay sa tahimik?
Gusto ko ng magka apo sa inyo.Hindi na ako bumabata,gusto ko namang makapag alaga din ng apo ko mula sa inyo._Momshie Bianca.Nagblush naman ako pagkadinig ko ng salitang apo.Ang totoo,hanggang kiss pa lang naman ang nangyayari sa amin ni Gil papanong naisip kaagad nila ng Apo."Mommy naman,Nagblush tuloy si Leli.Pabayaan muna natin sila mag enjoy.Sa palagay ko,may mga pangarap pa si Leli na gustong matupad bago lumagay sa tahimik kaya wala pa sa isip nila yun.Leli,
Nagpapasalamat ako ng marami kundi dahil sayo,Baka hindi magkakaroon ng direksyon at pangarap si Gil gaya ngayon._Ma'm Annie."Ma'm,Ang totoo po nyan hindi lang ako ang naging inspirasyon ni Gil para magsumikap sa buhay.Kayo po talaga ang dahilan.Mula nung bumalik po kayo sa bahay nyo,naging excited na si Gil magpursigi at makapagtapos ng pag aaral nuon.Ang sabi nya sa akin,gusto nyang maging proud kayo sa kanya kahit papano.Alam daw po nya na madami syang kapalpakan at gulo na dinala sa inyo nuon at gusto nyang bumawi sa lahat._AKO.
"Ang batang yun talaga.Hindi nya alam kung gaano nya pinapasaya at binibigyang kulay ang buhay namin lahat.Kahit na madalas syang mapa away nuon at madalas magdala ng mga babae sa bahay,Hindi ibig sabihin nun,hindi na kami proud sa kanya.Alam kong parte lang yun ng kabataan nya at alam ko namang may mga dahilan sya kung bakit nya yun nagawa.
Anyways,past is past kaya walang dapat pagsisihan sa mga nangyari na.
_Momshie Bianca."Totoo po yun.Saksi po kami sa pagiging matulungin ni Gil sa lahat.Kahit nuon pa man talaga,madalas nya ng naililigtas si Leli ng di sinasadya.
Talagang itinadhana na po talagang magkakilala sila at mag ibigan kahit nuon pa man.Masaya din po kaming sa huli,sila din po ang nagkatuluyan.
_Moana."Minsan na din akong nailigtas ni Leli nuon.Kaya masaya din akong hindi lang nakahanap ang anak ko ng anghel nya,pati ako na din sa katauhan ni Leli.Masaya din akong ikaw ang makakasama ng anak ko sa hinaharap nya.Wag kang mag alala,hindi na mangyayari yung babalik pa ang anak ko sa pagiging babaero nya,Nang makilala ka nya,totoong nalaman na nya ang kahulugan ng PAG IBIG._Ma'm Annie.
"Oh my gosh,Anu ba namang usapan ito.Wala ng katapusan ang pasalamatan nating lahat.Ang mga babae talaga,masyadong emotional.
Kung andito ang mga asawa natin at jowa,malamang inabot na tayo ng kantyaw ng mga yun.Hahahha.Ang mabuti pa,kumain na muna tayo sa Gillianne's lahat._Momshie Bianca.Napakaganda pa din nya kahit may edad na.Halatang masaya sya sa piling ng mga taong mahal nya at nagmamahal sa kanya."Mabuti pa nga mommy.Pasusunudin ko na lang ang mga bata para mas masaya ang kwentuhan at kainan._Ma'm Annie.Like Momshie Bianca, bakas din sa mukha nya ang pagiging kuntento sa buhay.Totoong hindi nasusukat at binabase sa kasarian ang tunay na pagibig,Nasa dalawang tao iyun kung papano nila hinaharap ang buhay ng buong puso.
Pangarap ko din na balang araw,maging ganun din kami kasaya ni Gillianne."Hello there everyone!Mukhang nag enjoy kayong lahat sa meeting nyo ah.Sa palagay ko din,Bumaha ng mga luha kanina and Im sure isa sa may pinaka malakas na iyak ay si Momshie Bi.hahahha_Gil.Na hindi ko namalayang nakarating na pala kasama sila Gold at Grant dito sa Gillianne's.
"Hahahaha.Obviously,pati tong honey ko nakiiyak din.Halata sa mata eh.
But im glad your all okey.Sa palagay ko,naging mas close na kayo ni Momshie kaysa kay Grandma.Siguradong magsiselos yun._Gold.Tumabi kay Sunny at humalik.Lahat sila nagsipag besuhan sa aming lahat."Mamita will not tolerate that for sure.Alam mo naman yun pagdating sa pagpapakitang gilas,hindi nagpapatalo.Malamang agad nung ipasundo si Moana sa akin mamaya lang._Grant.Sa totoo lang,mas close pa nila Sunny at Moana ang mga lola nila Grant at Gold dahil palagi sila nitong gusto kausap.
"Hay naku wag kamo silang mag alala,Meron din akong Star.Kaya ikaw Gillianne,bilis bilisan mo na ang pag po propose dito kay Star para may kasa kasama na din ako sa pagsha shopping gaya nung dalawa!_Momshie
"Pwede nyo namang isama si Star mommmy kahit di pa sila kasal.Im sure Leli would love that diba Leli?Hahahha.Ako na talaga ang nagdisisyon.
_Ma'm Annie."Naku ayos lang po sa akin Ma'm.Anytime po,sasamahan ko kayo lalo na po pag wala akong duty._AKO.Inakbayan naman ako ni Gil at saka inilapit ang mukha nya sa tenga ko.Hinalikan nya ako sa pisngi at binulungan.
"Thank you sweetheart for everything.You've even risk your own life for my family and for me.Im so lucky to have you in my life.My shinning Star.
_Gillianne.Aaminin ko,kinilig ako sa mga sinabi nya sa akin.Pero mas kinilig ako sa sweet gesture nya,Sinong mag aakalang sa likod ng malakas na personalidad ni Gil ay may nakatagongmalambot at mapagkumbabang puso.
"Hey!Get a room you two!Andaming tao dito,lambingan kayo ng lambingan.Pwede bang mamaya na yan after nating kumain?hahah_Gold.
Para namang natauhan kami parehas ni Gil at saka kami lahat magtawanan.
BINABASA MO ANG
"KUNG IKAW AY ISANG PANAGINIP " (THE LAST DESCENDANT OF LORENZO'S)
RomanceSa unang tingin,hindi mo aakalaing galing sa mayamang angkan si GIL.Sanggano,brusko at arogante.Yan ang pagkakakilala sa kanya ng lahat.Hindi mo din sya makikitaan ng sensyales ng pagiging babae,Sa buhok,itsura,pananamit at kilos...Lalaki syang tign...