Magkahalong lungkot at tuwa ang naramdaman ko pagkatapos ng naganap na karera.Masaya ako dahil mananatili ako sa poder ni Mikay ng walang magiging problema at istorbo,pero malungkot din dahil baka hindi na kami magkita pa ni Gil.Kumakain kami ngayon sa isang sosyal na restaurant kasama sila Mikay at Dana.
"Ano na nga pala ang balita sa kaso ni Tito Miggs?makakalabas na daw ba sya?_Dana.
"I think so.Wala namang hindi kayang gawin ng pera eh.Saka isa pa,hindi pa nakikita si Wang,kaya wala pang magiging witness na makapagpapatunay kung si dad nga ang tunay na druglord._Mikay.
Habang nagsasalita si Mikay,pinakikiramdaman ko sya.Nasa mukha nya yung pag aalala pero parang sanay na sya sa ganung mga sitwasyon."Mas okey siguro kung magdagdag kapa ng bodyguard mo.Sa palagay ko mas dadami pa yung gustong pabagsakin ang dad mo at ikaw ang targetin habang busy sya sa kaso nya._Dana.
"Well naisip ko din nga yan.Kaya lang hindi ako komportable sa mga goons na bodyguard.Maybe,i need one girl bodyguard pa,what do you think?
_Mikay."Hahahaha.Babae na naman.Bakit,di paba ko sapat sayo?_Dana.
Nagkatingin tuloy kami ni Moana.Seryoso ba si Dana?Ang ganda ganda nya tapos kay Mikay lang sya babagsak?Saklap naman..."Ohhh!Sympre naman ikaw lang ang gusto ko.Kahit sa L.A pa lang alam mo ng hindi na ako tumingin pa sa iba liban sayo.Ikaw lang nga ang babaeng dinala at pinakilala ko sa pamilya ko remember?_Mikay.
Napaangat ang kilay ko.Ibang klase din talaga ang alindog ni Dana.Sya pa lang yata ang nag iisang tao na nakaharap ang pamilya Mariano ah.
"Im touch!Imagine,the mighty Mariano's na bihirang humarap sa mga karaniwang tao lang,nakilala at nakasabay ko pang kumain sa isang hapunan.Hahahah.Ako na._Dana.
"Hahaha.Hindi naman.There's nothing special about my family maliban sa mayaman talaga sila.I mean,my lolo is a hard working man kaya naman deserve nya kung anong meron kami ngayon.Kaya madaming gustong sumira sa pamilya ko,isa na dito ang pamilya Ignacio-Lorenzo na obviously,naiinggit lang sa yaman ng pamilya namin._Mikay.
"Sa palagay mo,planted lang talaga ang pagkakahuli ng dad mo? Hindi talaga totoong drug lord si Tito Miggs?_Dana.
"Definitely!I know my dad.Kahit matapang sya at madaling uminit ang ulo,hindi ibig sabihin nun na masama na syang tao.At kahit Casino ang bussiness namin,mga mayayamang tao lang naman ang pumupunta dito. Mas madami pa mga kaming tao na natutulungan dahil sa mga trabahador namin at mga tauhan._Mikay.
Hindi pala alam ni Mikay ang totoong kulay ng tatay at ng lolo nya.Sa mga mata nya,mabubuting tao ang pamilya nya.Naawa naman akong bigla sa kanya.Kung alam nya lang kung ilang pamilya at buhay ang nasira dahil sa pagiging gahaman ng mga taong akala nya ay walang bahid dungis na kapamilya nya,baka hindi nya na gugustuhin pang gamitin ang apilidong Mariano.
"Uhmmm,Sabagay.Mabait naman talaga si Tito Miggs.Namimisinterpret lang talaga sya ng mga tao sa pagiging palaban nya.Sa tingin ko naman,malulusutan niya ang kasong binibintang sa kanya kaya wag ka ng malungkot okey?_Dana.
"Basta wag mo lang akong iiwan Danz,I need you here beside me.Mahirap din kapag solong anak,wala kang mapagsumbungan kapag inaaway ka na ng buong mundo.My mom and dad are always fighting.While my Lolo is sick kaya hindi na kami masyado nakakapag usap gaya ng dati._Mikay.
"Alam mo Leli,Ang lungkot din pala ng buhay ni Mikay noh?Mayaman nga sya pero wala naman syang mga totoong kaibigan.Habang nag uusap nga sila kanina ni Dana,bigla akong nakaramdaman ng awa sa kanya.Mabait naman si Mikay,pero nagiging masama lang sya kapag maymay gustong manakit din sa kanya.At saka hindi nya pala alam ang gawain ng tatay nya _Moana.
Magkatabi kami sa iisang kwarto dito sa hotel.Mas maige na daw na magkasama kami para mas madali kapag ipinatawag."Hindi tayo dapat pakasiguro.Pwede namang gusto nya lang magpa good shot kay Dana kaya naghuhugas kamay sya.Sa palagay mo,bakit dito sya sa hotel pinatitira ng dad nya gayung napakalaki ng bahay nila?Hindi kaba nagtataka,Ang dami nyang bodyguard?Kung alam nya sa sarili nyang mabuti ang pamilya nya,hindi nya kailangan ng shield para sa kaligtasan nya._AKO.
"Sabagay tama ka.Palagay ko nga tinamaan sya dun kay Dana.Ang ganda ganda naman nya kasi.Kaya siguro ayaw na ni Mikay papuntahin dito sa hotel si Gillianne,natatakot syang baka maagawan na naman sya._Moana
Parang may kung anong kumurot sa dibdib ko sa sinabi ni Moana.Hindi naman kasi talaga malayong magkagusto si Gil kay Dana.Bukod sa pareho silang mayaman at magandang lahi,pareho din silang may paghanga sa isa't isa.Nakikita ko kasi kapag nagkakatitigan sila,parang may kakaiba sa mga tinginan nila pareho.
"Kamusta na nga pala si Sunny,wala pa bang balita sa kanya?Sana makasama na din natin sya dito.Nag aalala ako para sa kanya._AKO.
"Nagtxt ako sa kanya pero walang reply.Ang huling balita ko,hindi na sila nagkikita ni Gold.Mas mabuti na din yun para hindi na madamay yung tao.Sigurado ako,ngayong nalaman na ni Gold na kila Mariano tayong tatlo nagtatrabaho,alam na nya ang tunay na pagkatao ni Sunny._Moana.
"Kamusta na nga pala si Grant,kinukulit kapa din ba?Sa totoo lang ang hirap din kumilos kapag may mga taong nakakakilala sayo eh.Pero wala naman tayong choice kundi magpanggap na hindi natin sila kilala.
Baka pati sila madamay pa._AKO."After nung sa karera,hindi ko na sya ulit nakita.Pasalamat nalang tayo at hindi nanalo sila Grant at Gil,dahil kung hindi malaking problema yun.
Papayagan ba naman ni Pinuno na mapunta ka kay Lorenzo,tyak na magkakagulo._Moana."Mabuti na nga lang.Pero sa palagay ko,hindi talaga mananalo sila Gil at Gran. hindi pa din papayag si Mikay na basta nalang ako ibigay kay Gillianne.
Napansin mo ba bago pa magsimula yung karera,May mga tao si Mikay na kinausap ng patago?Ang duda ko,target nila si Gil nuon.Kaya lang,since nanalo nga si Dana hindi na nila naisagawa ang plano.Parang backup plan sana kung sakali._Ako."Ahhh,kaya pala nagpaalam si Mikay na magsi CR daw muna.Hindi ko naman napansin na may kinausap pala sya.Kay Dana kasi ako naka focus.
Madalas ko silang nakikita ni Gil na nagtitinginan sa isa't isa.Pero kapag nagkakahulihan sila ng tingin,nakairap naman si Dana sa kanya._Moana"Sa palagay mo,may gusto si Dana kay Gil?Napapansin ko din kasi si Gil na iba yung tingin nya kay Dana.Pero kapag si Mikay naman ang kaharap ni Dana,malambing sya at sweet.Sabagay,laking amerika yun,sanay makipag flirt._AKO.Di naman obvious na sinisiraan ko lang si Dana kahit hindi naman sya talaga malandi.
"Hahahha.Parang di naman ganun si Dana!Loyal naman sya kay Mikay. Ramdam ko yung concern nya eh.Hindi plastic.Malay natin,si Dana ang makapagpabago kay Mikay at tuluyan ng matuldukan ang kasamaan ng mga Mariano.Kung iisipin mo,malapit ng matsugi ang matandang Mariano,tapos si Miggs naman naglalabasan na yung mga kaso nya.Kung si Mikay na lang ang natitirang Mariano at wala talaga syang kinalaman sa mga transaksyon ng pamilya nila.tapos na ang problema.Lahat tayo magiging malaya na!_Moana.
Parang napakadali lang ng lahat.Parang totoong pagkatapos ng lahat wala ng buhay pang madadamay at masasaktan.Pero hangga't may mga taong nabubuhay pa din sa kasakiman at kapangyarihan,hindi matatapos ang kaguluhan.Hindi man kay Mariano,maaaring sa mga taong nakapaligid sa kanila.
BINABASA MO ANG
"KUNG IKAW AY ISANG PANAGINIP " (THE LAST DESCENDANT OF LORENZO'S)
RomanceSa unang tingin,hindi mo aakalaing galing sa mayamang angkan si GIL.Sanggano,brusko at arogante.Yan ang pagkakakilala sa kanya ng lahat.Hindi mo din sya makikitaan ng sensyales ng pagiging babae,Sa buhok,itsura,pananamit at kilos...Lalaki syang tign...